After 4 months
May POV
Bakasyon na ngayon. Masaya naman kahit medyo may pinagdadaanan ako. Nagkatampuhan kasi kami ng mga Bestfriends ko. Ang KRREMN TOP. Lagi naman ako ang may kasalanan saamin eh. Siguro dahil lagi ako ang Topic namin dahil napakahina ko eh. Iyakin ako at ayun dinadamdam ang lahat ng problema.
Gusto ko maayos ang problema naming magkakaibigan. Umaasa ako na maayos din yun. Ako kasi yung umalis eh. Bigla kasi akong umalis sa grupo. Nagisip isip muna kasi ako. Hinanap ko muna sarili ko. At gusto ko muna libangin sarili ko kasama ang pamilya't mga pinsan ko kaya mahigit 2 weeks ako nagleave sa grupo pero ang sabi ko Babalik ako. Pinakagalit ata sakin si Ellaine Trisha , :( basta babawe nalang ako sakanila. Kung hindi naman nila tatanggapin Ang Pagsosorry ko.. Sige. Hahayaan ko na silang mabuhay ng masaya.. Ng Wala ako. Madrama man. Totoo naman eh. Sino nga ba naman akong kaibigan para sakanila? Isa lang akong Malaking Mali at Kasalanan na nabuo sa mundong 'to. Kaya hahayaan ko ng maging masaya mga Taong MAHALaga sakin , sa pamamagitan ng pagkawala ko sa mundo at buhay nila. Doon kasi sila sasaya.
Kaya nga nitong mga nakaraang buwan. Ayun Stay strong , Stay Happy Sila Lui at Lyn. LuiLyn Loveteam nga diba? Ayos nanaman ako. Magkaibigan parin kaming dalawa. At masayang masaya na ako para sakanila. Kasi diba kung hindi ka naman magpaparaya sa taong Mahal mo, pero hindi ka masuklian ng pagmamahal na hinahangad mo. Syempre mahihirapan ka lang din. Kasi kahit anong pilit mo pang Pasayahin , at panatiliin siya sa'yo kung hindi naman ikaw ang gusto niya at yung taong magpapasaya sakanya, Pakawalan mo na. Kasi yun lang ang magpapasaya sa inyong dalawa.
Habang tumatagal , marami akong natututunan sa buhay. Kahit na madalas akong Sawi sa lahat ng bagay. Eto , bumabangon parin ako. Dahil may mga bagay lang talaga na Napakasakit pero kailangan Tanggapin. Kailangan mong bumangon para sa nag iintay na magandang bukas sayo. Sa Love pala kahit anong Pilit at sacrifice pa ang gawin mo , kung sa una palang wala na , talo kana.. Sa huli pala, Talo ka lang din kahit anong pilit mo pang manalo magpakahirap ka man , ubusin mo man lahat ng lakas mo.. Wala pa din. Dahil nga WALA KA NANG MAGAGAWA kung hindi naman ikaw ang tinitibok mg Puso niya diba? Hayaan mo lahat naman ng bagay nagbabago. Nawawala, kaya malay mo kung nasasaktan ka ngayon, bukas pala Sasaya ka ng hindi mo inaasahan. Wag kang mawalan ng pag asa. Pahalagahan mo lahat ng tao at bagay sa paligid mo dahil hindi ka man nila matanggap , magustuhan, at mahalin. Atleast ikaw. Ipinapakita mo na Mahalaga sila , Na tanggap mo sila, at Na mahal mo sila. Tandaan mo Mas magandang Ikaw ang magbigay ng Kasiyahan at pagmamahal sa iba kaysa ikaw ang Bigyan. Dahil Nakapagpasaya kana nga ng ibang tao. Napasaya mo pa Sarili mo.
To be continued.
A/n Next chapter will be LUI'S POV.
-Simplymeyri
BINABASA MO ANG
Gusto ko lang sabihin na (Short Story)
Короткий рассказGusto ko lang sabihin sakanya na masaya na ako sa naging takbo ng Istorya ng buhay namin. kuntento na ako sa kung ano man ang meron kami ngayon. Pahahalagahan ko yun , at iingatan , dahil Panghabang buhay ko yun na Tungkulin sakanya. Gusto ko lang s...