May POV
Ngayong araw na 'to. Isang normal na araw ngunit espesyal nadin pala hihihi. Syempre alam niyo nanaman kung bakit? Ay. Teka. Di ba kayo nainform? Hmm. Birthday kasi ngayon ni Lui.
Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Haiiiyysstt.
Makapag sulat nga muna sa Diary ko.
Oo! Tama kayo may diary nga po ako. Isa kasi siya sa Importanteng bagay na Meron ako eh , isang IMPORTANTENG BAGAY na maliit man tignan , malaki naman ang importansya sayo , aminin mo man o sa hindi , hahanap hanapin mo din yan kapag nawala , tandaan mo ang lahat ng bagay na nakasanayan mo tapos nawala , Hindi mo rin maitatanggi na Mamimiss mo yon, na hahanap hanapin mo din yon dahil minsan nun napasaya buhay mo. Psh, bakit parang double meaning ata sakin yun? Aiissh! Konsensiya tumigil ka please -_-
Makapagsulat na nga lang.
Dear diary ,
Hi ! :) ngayon birthday ni Lui? Hala. Kinakabahan nako huhu.
Pano ba yon diary? Kung hindi niya mabasa yun? O kaya kahit
Nabasa niya pala tapos tinapon niya lang, psh. Bahala na siya
Basta atleast naibigay ko yun, kay katelyn ko pala inabot diary.
Maya o kaya bukas balitaan kita ah? That's all =) Always pray
_/\_ and Godbless mwa ! :*Love ,
MayYan nakasulat na ko. Hahaha. Minsan kasi hindi na ako nakakasulat sakanya eh =D hayaan mo na maiintindihan niya din yun. Bale. Bababa na nga pala ko inaantay nako ng diko ko--
"Mayyyyyy!! Ano ba? Iiwan na ba kita hah!?!!!!!!" speaking of diko. Yan nanaman po ang Sigaw niya!
"Teka lang kase!" sigaw ko din sakanya. At tsaka as usual , tumakbo -_- psh. Mag amoy pawis kagad ako neto eh.
Ng makasakay ako sa motor namin kinausap naman ako ni diko."Bakit ba ang tagal mo hah? Bukas Gisingin mo ko ng 5 hah! 5!" sabi ni diko na galit na galit na. Eh kapag kasi ginising ko siya ng 5 matutulog yan ulit nuh!
"Eh kapag ginigising kita ng 5 natutulog ka kasi ulit eh kaya 6 nalang kita ginigising para diretso ligo kana kagad =p " hahahaha tama naman eh! Bahala ka sa buhay mo psh!
"Bahala ka, kapag bukas late nanaman ako di na kita ihahatid!" siya na po galit! Edi siya naaa! -_-
"Oo na! Psh." iritang sabi ko. At ayun as usual sa kanto nanaman niya ko ibinaba kasi late na daw siya. Bahala na nga. Mag tatricycle na lang ako papuntang school. Kanto kasi medyo loob pa school namin.
At School
"Oh potch bakit parang iritado ka?" sabi naman ni nich , hayy ang officer nga pala 'to! C.A.T. nag C.O.C.C. ako dati kaso tumigil ka agad ako pinaalis ako ni daddy dun kasi baka mapagod daw ako ng husto. Kasi mahina puso ko eh.
"Ah! Eh si diko eh epal -_-"
"Sus! Nag away nanaman ba kayo? Kayo talagang magkapatid lagi nalang ganyan!" tatawa tawa na sabi ni potch. Psh ano nakakatawa dun?
"Ayyy onga pala potch diba ngayon birthday ni Lui?" tanong naman ni nich. Hahaha alam nga pala niya yon ^_^
"Ay oo potch hihihi naeexcite ako na kinakabahan" sabi ko naman at inaya ko na siyang umakyat sa room.
Pagkaakyat namin umupo kami tapos nag usap.
"Bakit ka naman kinakabahan potch?" tanong naman niya.
"Eh kasi baka itapon niya yun? Huhuhuhu." at napalungkot naman ako Lalo.
"Hindi yun! Effort yun noh. Wag ka ngang nega potch yan kananaman eh" at tumalikod siya sakin.
Hay , napaka nega ko talagang tao. Psh. Eh sa nega ako wala akong tiwala sa sarili ko eh. Ni di nga ko naniniwala sa mga pinagsasabi nila sakin eh.At lumipas ang araw nayun. Este ang oras. Hapon na recess. Nagkasalubong kami ni katelyn sabi niya sakin inabot na daw niya kay Lui yung Lettering tinatanong daw kung kanino galing ganun din daw sabi ng mga kaklase niya sabe niya basta. Sabe pa nga daw ng mga kaklase niya kay may siguro galing yan noh? Panay deny daw ni katelyn. At nakita niya na tinago ni Lui yung Lettering na bigay ko.
Napangiti naman ako nun kasi syempre tinago niya sa bag niya hihihi.
Bukas kaya? Mabasa niya na kaya yun?
BINABASA MO ANG
Gusto ko lang sabihin na (Short Story)
Short StoryGusto ko lang sabihin sakanya na masaya na ako sa naging takbo ng Istorya ng buhay namin. kuntento na ako sa kung ano man ang meron kami ngayon. Pahahalagahan ko yun , at iingatan , dahil Panghabang buhay ko yun na Tungkulin sakanya. Gusto ko lang s...