3rd person POVPagkatapos ng kanilang Intramurals Games , ay magsasagawa ang school nila ng isang Party , Halloween Party dahil malapit na rin naman ang Halloween. Busy ang lahat sa pagpeprepara ng okasyon na yon. Habang si May naman ay May halong excitement at kaba. Ginawa niya lahat para lang sa kanyang costume na Black Fairy. Gusto kasi niya kakaiba siya di naman daw kase porket Halloween eh dapat puro nakakatakot makita dun. Lahat ng gagamitin niya ay puro pera niya yon (ng magulang pala) Lahat binili niya miski BLACK LIPSTICK at Yung kanyang Boots na Hanggang tuhod.
Sa kabilang banda naman. Ay nag uusap usap na ang magkakaibigan na KREMN TOP , pinagusapan nila kung ano ba plano nila para sa darating na halloween party bukas. Pinipilit nila si May kung ano ang isusuot niya kaso ang sabi lang ni may. "Basta , may pakpak ako all black outfit ko," sumingit naman si Trisha " Ahh. Dati diba nanalo kana ng best in costume? " tumango naman si may at sinabing " Oo! Naka all black din ako nun , kaso Vampire naman ako dun." pagkatapos nila pag usapan yon ay nag kanya kanya na silang alisan dahil nandyan na ang teacher nila. Lumipas ang ilang oras at uwian na. Bukas , Ano kaya mangyayari? Yun ang nasa isip nilang Lahat.
May POV
Home
Pagkauwi ko sa bahay pumunta kagad ako kwarto at Humiga sa kama ko. Wala pang tao. Siguro di pa umuuwi si diko. Si kuya nandun sa trabaho niya.
Hayy.. Nakakapagod naman ang araw na to. Kay sipag naman kasi mag klase ni Ma'am anne sa Chemistry eh. Ang sakit sa ulo hayyy. -_______- compute dito. Compute don! Psh. -.-"
Makapag bihis nga muna ng makapag saing na din .. Baka magalit pa si diko. Pag di ko pa ginawa yon.
Pagkabihis ko ay bumaba na ako para magsaing ng marinig ko ang Tunog ng motor ni diko.
Tok tok tok tok ""
"May! Buksan mo nga!" toktoktoktok""
Walang tigil ang pagkatok ni diko sa pinto. Kakainis to hanggat di mo binubuksan di titigil sa kakakatok. "Oo! Teka lang!" sabi ko naman na pasigaw na kasi nakakarindi na yung katok.
"Bat ba ang tagal mong buksan ha?" bungad niya sakin pagkabukas ko ng pinto.
Imbis na sagutin ko siya ay pumunta na lang ako sa kusina para mag saing. Napahinto ako Ng magsalita nanaman siya, "May kanin na?" tanong sakin ni diko
"Wala pa." sagot ko naman at naglakad na ulit sabay sigaw sakin ni diko na "Magsaing kanaaaaa!"
Psssshh! Kaaasssarrr talaga yun grrr >______< sinigawan ko din siya pabalik. "Oo! ETO NA NGA DIBAAAAAA!" Eh sa inis ko eh.
Tapos na kami kumain ng hapunan. At tapos nadin ako maghugas ng mga pinggan. Umakyat na ko sa kwarto ko. Dumating na si kuya kaso pumunta kagad kay ate Lourice sa longtime girlfriend niya. Lagi naman dun yun eh. Pagkadating bahay, maliligo. Aalis. Psh. His daily Routine.
"Bukas na pala halloween party" sabi ko bigla ng maalala ko. Inayos ko na kahapon pa yung mga gagamitin ko. Di naman ako excited eh noh? HAHAHAHA ^___^
Kinabukasan
Eto na .. Etong eto na. Pumunta na ako kila ate lourice para magpaayos ako sakanya.
At after 2 hours ayos na ako. Naka curl yung buhok ko este. Extension kasi kulot hahahaa. Hanggang dibdib ko lang kasi buhok ko eh kaya nag extension ako para mas Hot tignan. Kasi medyo pachixx yung suot ko. Raawwrr \m/ after nun picture picture muna. At nagtricycle nako papuntang school. goodluck sakin.
3rd person POV
Nang dumating si May sa School nila ay nakamahabang jacket pa siya nun na manipis. Black din. As in all black siya. Pinagtitinginan siya ng mga estudyante at ng ibang mga tao dun. Nahihiya naman siya .. At ayun kawawang May napagchichismisan nanaman. Mga tao nga naman ngayon oh? Nakita siya ng ilang mga kaklase niya. Sinasabi " May? Ikaw ba yan!" "ganda mo may!" "sana ganyan kana lang palagi" sigaw ng mga kaklase niyang lalaki na kaibigan niya din naman. Natatawa nalang siya at pumunta na siya ng Gr. 4 room .. Dressing room. At nakita niya na mga kalaban niya. Sinalubong naman siya ng kanyang dalawang teacher na paborito niya. Si Ma'am Ram at si Ma'am Meanne. Pinuri siya ng mga ito at sinabing "Sexy mo naman May! Galingan mo hah! Ganda ganda mo !!" habang pinipisilpisil pa siya neto. Tinanggal niya na ang kanyang jacket at lalo nakita ang kanyang Suot at kurba ng kanyang katawan.
BINABASA MO ANG
Gusto ko lang sabihin na (Short Story)
ContoGusto ko lang sabihin sakanya na masaya na ako sa naging takbo ng Istorya ng buhay namin. kuntento na ako sa kung ano man ang meron kami ngayon. Pahahalagahan ko yun , at iingatan , dahil Panghabang buhay ko yun na Tungkulin sakanya. Gusto ko lang s...