Isang araw sa aming klase, nagkakila-kilala kaming mag-aaral. Ako nga pala si Rita Flores, isang simpleng babae. May napansin ako sa aming klase, ito'y si Elmer Solis. Masiyahin, medyo kulot, kayumanggi at makulit. Lagi ko siyang inoobserbahan dahil iba siya sa klase namin. Halos di ko na nga namalayan na close na pala kami. Minsan nagkakamalang kami na dahil sa sobrang close namin.
Hindi ko inaasahan na magkagusto ako sa kanya, dahil ang bait-bait niya sa akin. Napapangiti niya ako kapag malungkot ako. Lagi ko siyang tinititigan na para bang huli na ang lahat. Hindi ko na maipaliwanag ang iba pang dahilan kung bakit ako nagkagusto sa kanya. Pero ang alam ko crush ko siya.
Ilang araw akong hindi makatulog kakaisip sa kanya, at kung papaano ko sasabihin sa kanya na gusto ko siya. Minsan humihingi pa nga ako ng payo sa aking mga kaibigan kung paano ko gagawin iyon. Kapag kaharap ko naman siya para akong tulala na namamangha sa kanya. Sana ay masabi ko sa kanya iyon.
Ang masakit don, may iba siyang gusto at hindi ako. Nagagalit ako sa aking sarili kasi hindi ko kaagad nasabi sa kanya ang tungkol sa akin. Masakit di ba? Ang problema, ay mahal ko na siya. Masakit ang hindi mahalin ng mahal mo.
Isang gabi, nag-chat kaming dalawa. Sinabi ko sa kanya na gusto ko siya. Pero kinokontra niya ito. Sabi niya matalino ako at siya ay bobo. Malaki raw ang agwat namin sa estado sa buhay. Sabi ko hindi naman doon ibinabase ang pagmamahal ng isang tao, puso ang nagsabi sa akin na mahalin siya kasi karapat-dapat siya rito.
Nagulat ako, dahil nagbago ang pakikitungo niya sa akin. Mas nagiging sweet siya sa akin. Mas napapadalas ang pagiging sensitive niya sa lahat ng sinasabi ko sa kanya na kung dati ay hindi naman. Binigyan niya ako ng chocolates na tatlong piraso na ang kahulugan daw ay "I Love You". Ang sarap pala kapag nagmamahal para kang nasa langit kapag kasama ko siya. At masaya din siya kapag kasama niya ako.
Hindi ko inaasahan ang hindi naming pagbabati ng matagal. Nasaktan kasi ako kasi parang kaibigan lang niya ako kapag kailangan niya lang ako. Lagi niyang inuutos sa akin na tulungan ko siya sa ganyan, hingi siya ng ganyan. Kaya nasabi ko sa kanya na wala akong pakielam sa kanya. Nasaktan din siya sa sinabi ko, pero mas nasaktan ako sa inaasta niya sa akin. Gabi-gabi ako umiiyak dahil mahal na mahal ko siya. Naisip ko na sinaktan niya ako. Hindi niya naisip ang nararamdaman ko bilang kaibigan niya, at bilang nagmamahal sa kanya.
Araw-araw kaming hindi nagpapansinan, hindi nag-uusap. Humingi ako ng payo sa aking kaibigan kung paano ko siya kakalimutan. May mahal siyang iba, mahal ko siya. Hindi ko alam kung mahal niya ako o hindi. Ang alam ko minahal ko siya ng totoo. At balang araw may darating din para sa akin at para sa kanya na mamahalin kami ng tapat hanggang wakas.
BINABASA MO ANG
Pag-ibig Nga Ba O Kaibigan Lang?
Kısa HikayeIto ay isang istoryang nangyayari sa totoong buhay. At maaaring mangyari sa akin. Kwento ito ng dalawang magkaibigan. Ang babae ay na-inlove sa lalaki, pero ang tanong. Mahal din kaya siya ng lalaking iyon?. Tara ating alamin ang istorya nilang dala...