Chapter 10 part 3

2.9K 39 11
                                    

“ANO?!!” sabay naming sigaw ni Xander.

Haruy!! Ano bang pinag-iisip ng mga batang ito. Talaga bang mga bata sila or just in disguise?!..

Bakit ba ang dami dami nilang alam >.<

Tinignan ko si Xander. Hindi ko mabasa yung expression ng mukha nya.

Patay!! Galit na ata siya.. >.<

“n-nako! Ang panget naman nun! Ha-ha-ha t-tama ang panget talaga wag na lang yun hindi-”

“I think its fun.”

Eh?!!..

Tama ba yung rinig ko?!..

Gusto nyang maglaro nun.

Tinignan ko ulit siya pero hindi siya makatingin sa akin at yung focus nya eh nasa mga bata lang.

“ako yung bridesmaid”

“sige sige ako naman flower girl”

“ako naman yung pari. Biboy ikaw na lang yung ring bearer.”

“abay na lang kami nila kikay at nene.”

“ako naman maid of honor” sabi ko sa kanila

“eh hindi na”

“huh?! Bakit naman?”

“kasi kayo po ni kuya gwapo ang ikakasal”

“huh?!!”

^________________^

Bigla naman nagngitian yung mga bata ng nakakaloko..

Patay..

Ano ba tong pinasok mo Shay  >.<

Hindi ko alam hinihila na pala ako ng mga batang babae sa may gilid. Dapat daw kasi hindi nakikita ng groom yung bride bago ikasal.

Eh?! Ganun ba yun?!..

ipinapaliwanag na nila sa akin kung saan ako dapat lumakad. Kung sino muna yung mga lalakad at marami pang iba.

Maya maya lang nag-umpisa nang maglakad yung mga bata sa aisle kuno namin. Hindi ko alam pero hindi ko mapigilan mapangiti  habang pinagmamasdan yung mga bata. Halata namang nag-eenjoy sila hanggang sa.

Ako na mismo ang maglalakad sa aisle….

Lub.dub.lub.dub.lub.dub.

Ano ba toh..

Bakit ba ang bilis ng tibok ng puso ko.

Feeling ko hindi na ko makahinga.

Hindi kaya inaatake na ako ng sakit ko??

Pero iba..

Iba talaga…

May racing ba na sinalihan yung puso ko?..

Takte…

Hindi ko alam pero somehow…

Kinikilig ako sa mga nangyayari.

Dahan dahan akong naglakad papunta sa altar. Kung nasaan nandun siya.

Si Xander, nakangiting hinhintay ako.

Hala!!

Hindi naman ako nag-cheat kay Drew dba?!..

Laro lang naman toh eh.

Dba?!..

Pero bakit ganun…

Feeling ko sana…

Totoo na lang ito.

Haissst…

Ano ba yang iniisip ko.

Ayaw ko na ngang mag-isip.

Tuloy tuloy lang ako sa paglakad habang sinasabuyan ako ng mga bata ng santan petals.

Oo, santan petals.

Yun lang kasi yung flowers na nakita nila at pinitas pa nila yun sa bahay ni HINDI KO ALAM ANG NAME. nakarating na ko sa altar at kaharap ko na siya.

Nakatitig lang siya sa mga mata ko..

At nakangiti.

Lumalabo na ba ang mga mata ko? Kasi.. sa tuwing titingin ako sa kanya lalo siyang gumagwapo.

Masyado akong na mesmerize sa mga titig nya at hindi ko na naririnig na nagsasalita na pala yung Pari daw namin.

“you may now kiss the bride”

“a-ano kamo totoy?”

“Hija. Its Father. Hindi Totoy”

Sige feel na feel nya na

But I don’t wanna ruin this moment.

“ano nga po ulit yun Father?”

“I said you may now kiss the bride.”

a-ano DAW??!!!

K-KISS? Kamo..

Igagalaw ko na sana yung ulo ko para harapin si totoy but then Xander held my chin and slowly move his face towards me..

Oh my!...

Totohanin na nya ba toh?..

Lub.dub.lub.dub.lub.dub.lub.dub.lud.dub..

I can feel butterflies in my stomach.

Hala!! Ikikiss nya na ba talaga ko?..

Pero bakit ganun?!...

Hindi naman ganto ang nararamdaman ko everytime na ikikiss ako ni Drew ah..

Feeling ko tinutubuan na ko ng pakpak at in any minute lilipad na ko sa heaven..

Masyadong napako ang tingin ko sa kanya at napapikit na ko.

This is it Shay.

And I felt him kiss me…..

On my the side of my lips.

Oo,.. sa side ng lips nya ko kiniss.

>.<

Dissappointed ako!!

Waaa.. hindi pala!!

Bitin ako.

Waaa.. hindi rin.

Nasan na yung…. Kiss ko sa lips?!!

Waaaaaaa

And I felt his breath on my ears and whispered

“lo vi ammiro”

“ayieeeee!!” napadilat ako ng marinig ko yung mga batang nag ayiee  sa gilid at kinikilig.

“asawa na sila. haha”

“Honeymoon na yan”

“oi!. H-hindi ah” sabi ko. Mga batang toh.. daig pa sila sa dami nilang alam >.<

The best na talaga sila.

Tinignan ko si Xander sa gilid ko

^______________^

Nakangiti siya ng ganyan. Hindi ko na rin tuloy napigilan yung sarili kong mapangiti din.

Kahit kunwari lang, at least naranasan kong makasal… akala ko hindi na mangyayari sa akin yun….

A.N

waaa... patawarin nyo ako kung hindi masyado maganda.. >.<

haha.. feeling ko ang bilis ng mga pangyayari. Osya!! hehe

thnx nga pala sa mga readers.

at sa mga nagtya-tiyagang magbasa.. haha

LOVE MUCH...

ang mag comment at vote i-dedicate ko sa kany next chapter!! haha...

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon