Chapter 12

3K 38 9
                                    

Troy’s POV

Wala maisip si author kaya ako naman daw.

HAHAHA..

Nasaan ako?..

Eto ako ngayon naglalakad

Kasama yung nagpapasaya sa akin pag malungkot at mag isa ako

Yung palaging andyan pag may problema ako

Edi sino ka pa kundi si?

Si sweetie!

Ang aking mahal na golden retriever!...

Hahaha, dahil babawi ako sa kanya sa mga araw na hindi ko sya naasikaso dahil dun sa mga photoshoots ko eto at ipapasyal ko na sya sa village namin.

LAKAD

LAKAD

LAKAD

LAKAD

Sa kalalakad namin nakarating din kami sa park

“ikaw sweetie ah, gusto mo ba dito?”

Aw.aw.aw

Sabi na sa inyo eh..

Parang tao din ito si Sweetie.

Sumasagot pag tinatanong! Astig diba?.. mana sa amo, matalino. HAHAHA..

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad sa park hanggang sa makita ko siya.

Andun siya sa bench nakaupo habang pinapanuod yung mga taong naglalakad sa paligid nya.

Just the sight of her makes me smile.

ANG GANDA NYA KASI..

Isama mo pa ang KAKULITAN nya at pagiging PRACTICAL.

Unti-unti ko syang nilapitan.

Ang seryoso ng mukha nya, para bang nakatingin siya sa kawalan.

“pssst..”

“…”

=_=

Ang suplada talaga..

Isa pa nga..

“psst.”

“…”

Wala pa rin.

“psst.”

“…”

Naghihinala na ako eh. Hindi kaya bingi tong babaeng toh? O kaya naman may deperensya sya sa tenga.

Hindi na ako nakatiis pa at tumabi na ako sa kanya.

Nang maka upo na ako sa tabi nya tumingin lang siya sa akin saglit at binaling na ulit yung tingin nya sa kung saan man.

Teka..

Ano ba kasing tinitignan nya?..

Hindi nya ba ko natatandaan?!

Unbelievable!

Ngayon lang ako nakakita ng babaeng hindi ako namumukhaan. I mean kahit naka disguise ako may similarities pa rin at napagkakamalan ako pero lagi ko lang tinatanggi.

Hindi nya ba talaga kilala ang sikat na tulad ko?!

“ahmm.. Hello”

Kagaya ng kanina tumingin lang siya sa akin saglit tapos wala na. Deadma na ulit.

Magsasalita na ulit ako pero bigla syang tumingin sa akin at naunahan ako.

“maaraw ba ngayon?” sabi nya habang nakatingin sa akin sabay tingin sa langit.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon