Chapter 52

2.1K 25 7
                                    

dedicated ito para sa kanya kasi napansin ko sakin sya pinakauna nag fan.. haha thnx sissy! ^_^

Sorry sa tagal ng update nawalan kami ng net at ang dyahe!! haha sobraaa..

hayaaan. sana magustuhan nyo ^_^

thnx 

and please do play the music para mas may feelings.. HAHAHA

Troy POV

Nakaharap ako sa salamin habang inaayos yung necktie ko.

Pagkatapos nun ay muli kong tinignan yung sarili ko sa salamin.

Kinuha ko na yung coat ko pati na rin yung invitation ko na halos tatlong araw muna ang lumipas bago ako nagkalakas ng loob buksan.

Pagkababa ko ng hagdan ay dumiretso ako palabas at sumakay sa kotse ko.

Yung mga taong nadaanan ko kanina hindi na ko kinausap pa.

Ilang araw din kasi akong naging tahimik at mailap sa mga tao sa bahay.

Tanga ba kong maituturing kung pupunta ako sa kasal ng babaeng mahal ko?

Masakit para sa akin pero kailangan kong pumunta,

Kasi para sa ikasasaya nya ito.

At least saming dalawa meron naging masaya. Okay na ko dun.

Naalala ko pa yung mga panahong pinapahanap ko sya.

Kahit ako mismo hinahanap ko sya.

Araw araw

Sa tuwing wala na kong gagawin yung mga natitirang oras ko ilalaan para sa paghahanap sa kanya.

Palagi yun, walang mintis.

I even ask for my parents help para mapabilis pero kahit sila mismo sumuko sa paghahanap.

Pero ako?

Ni minsan hindi sumagi sa isipan ko yun.

Ang kalimutan sya at ibalewala na lang ang lahat.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon