Chapter 16

2.6K 22 6
                                    

Kinuha ko na yung bag ko at lumabas na ng SC room.

Kakatapos lang kasi ng meeting namin.

Mukhang magiging busy na naman ako.

Tapos 2 weeks after nito exam na namin.

Waaaaaa.. NITATAMAD AKO >.<

“Pres!!” nilingon ko yung tumawag sa akin.

Si Marj.

“oh?!”

“congrats pres! Successful na naman yung project mo. IDOL talaga kita.”

“nye! Ok lang yun! Salamat nga pala.”

“wushu! Ang humble mo talaga. Uuwi ka na ba?”

“hmm hindi pa pero kasi may dadaanan pa ko.”

“ah ganun ba?! Sayang naman! Haha sabay na sana tayo.”

“nako sorry Marj, next time na lang.”

“ok lang yun noh! Ay oo nga pala! Balita ko may party daw ah..”

“ah uu nga, meron nga daw.”

“weee.. excited na ko. Osya alis na nga ko, mukhang nakakaistorbo na ko sa iyo. Ang daldal ko talaga noh!”

“pansin mo pala! Ahaha joke.. o sige alis na ko Marj, ingat ka”

“kaw din Shay.”

Naglakad na akong muli.

Nang makarating na ako sa may gate agad naman akong pumara ng taxi.

Napag pasyahan ko na kasing ngayon na ako pupunta sa condo ni Drew.

Tutal wala naman syang pasok ngayon kaya malamang andun lang yun.

Ayaw ko na kasi patagalin pa.

Mabubuang lang ako kakaisip.

Hindi ko man alam ang sasabihin ko pag nagkita na kami o paano ito uumpisahan.

Aisst.. basta!

It’s now or never.

Sinabi ko na sa driver kung saan yung lugar na pupuntahan ko.

After 35 minutes ibinaba na ako ni manong driver sa tapat ng condo ni Drew.

Woooo..

Breathe..

Inhale..

Exhale..

Inhale..

Exhale..

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon