Chapter 35

2.2K 26 5
                                    

35

Rianne POV

“Rianne! Alis na ako ah! Andito na si Xander.”

“sige sige ingat kayo.”

Narinig kong bumukas yung gate at muling sumara ito.

Ako naman ngayon naandito sa kusina at inaayos yung baunan ko.

Pero wag kayo ah.. hindi para sa akin ito.

oo.. tama, hindi nga para sa akin ito. At huwag nyo nang itanong kung bakit ako nag-aayos ng baunan kung hindi rin naman para sa akin ito.

Like duh! Hindi ako nagbabaon sa school.

Pero hindi ito ang unang beses na magbabaon ako.

Ang gulo ba?..

Oo alam ko..

Mamaya maiintindihan nyo rin.

At mas lalong wag nyo ring akong tanungin kung para kanino yung baon na inihahanda ko.

Pagkatapos kong mag-ayos ay ipinasok ko na sa maliit na bag yung mga baon then naghanda na papunta sa school.

After 45 minutes ay sumakay na ako ng kotse ko at nag drive pa punta sa university.

Buti na lang at hindi masyadong traffic dahil nakarating naman ako agad.

Dumiretso na ako sa room ko at kinawayan ako nila Casey at Venus.

Palagi kasi mas maaga silang nadating kesa sa akin kaya naman nag re-reserve na sila ng seat for me.

“Ganda dito!” tawag sa akin ni Venus.

“Good Morning Rianne.” Bati naman sa akin ni Casey.

“Morning Case, Morning bakla.” Pagkasabi ko nun ay naupos na ako sa gitna nila.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon