Chapter 26

2.4K 27 9
                                    

Rianne POV

It is Monday morning. Maaga ako nagising dahil ihahatid ko sa school si Shay..

tss..

pasaway na bata anong oras na umuwi kagabi..

Wew! Mukha nga akong nanay sa dating ko but then you can’t blame me.  I really care about Shay hindi dahil sa ako yung naiwan para makasama siya at hindi dahil sa pinsan ko sya kung hindi dahil sa mahal ko siya. Mahal ko yung bff ko, mahal ko yung pinsan ko. Parang kapatid na rin yung turing ko sa kanya considering the fact na lumaki ako mag-isa. Kahit anjan si mommy lagi naman siyang busy sa tapos halos wala din palagi sa bahay dahil nasa abroad.

Dati nga palagi pa nya ako sinasama ang kaso nagsasawa na ako kaya ayun napili ko na lang magpaiwan dito. Wala naman akong galit sa mommy ko, sa totoo nga lang naiintindihan ko naman siya. Ginagawa nya ito para sa aming dalawa at higit sa lahat para sa akin. Sa kinabukasan ko.

Sa katunayan close naman kami ng mommy ko. Yun nga lang bihira lang yung time namin makapag bonding. Pero pag may free time siya hindi na niya inaaksaya yun at talagang nagbo-bonding kami.  Halos araw araw nga iyon tumatawag sa akin.

Ang daddy ko? Never mind…

“Shay.. come on. Let’s get going.”

“be there in a few minutes Yan!”

Lumabas na ako ng bahay at dumiretso sa kotse ko. Binuksan ni manang yung gate sa may garahe. Maya maya lang pumasok na din si Shay sa passenger seat.

Pinaandar ko na yung kotse at habang nasa nagda-drive ako ay naririnig ko siya nagha-hum.

“oi..”

“yeah?”

“ano yang minumuni muni mo?”

“wala.. bakit masama ba?” sabi nya pero habang kausap ko siya hindi nya mapigilan hindi mapangiti.

Ampugeee… ano bang meron?

“sabihin mo nga..”

“ano?”

“ano bang nangyari sa iyo kahapon at nagkaganyan ka. Kanina ka pa sa dining room habang nakain tayo pangiti ngiti ka. Tapos pag-gising mo niyakap mo pa ko ng sobrang at binate ng parang wala ng bukas. Hindi kaya hindi ikaw si Shay at isa ka lang nyang clone?”

“alam mo Rianne, ako yung natatakot sa mga pinagsasabi mo ngayon. Seriously?! Pinasukan ba ng hangin yung ulo mo?”

“wushu!”

“wala nga! Basta masaya ako period.”

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon