Chapter 32

2.2K 29 9
                                    

I dedicate this chapter nga pala kay KeanMuycoRodrigo.

Wala lang, haha eh kasi matagal ko ng gusto mag dedicate sa kanya ang kaso lagi ko nakakalimutan! ahaha.. Hayan! thank you ate =D

Warning: Basahin ang paalala ko sa may dulo okay?..

Ang hindi magbasa MAY BALAT SA PWET.. HAHA joke =D

Shay POV

Pinikit pikit ko yun mata ko habang palabas ng gate ng school.

Sobrang sakit na ng mata ko dahil sa kakaiyak ko kagabi tapos kanina habang nasa klase pinipigilan ko pa ang wag makatulog.

Alam nyo ba yun?

Yung sobrang antok ka na pero hindi ka pwedeng matulog.

Kahit kalian ang hirap talaga mag pigil ng antok.

Ngayon pa lang kinakabahan na ako kung anong mukha pa ang ihaharap kon kay Xander.

Paano kung nandyan na naman siya sa may gate ng school namin?

Anong gagawin ko?

Hindi ko na naman ba ulit siya papansinin?

Pero sa halip na si Xander ang makita ko sa may gate ay ibang tao.

Si Tayllah.

Nakanigiti siya habang lumalapit sa akin.

Minsan tuloy naiisip ko kung normal na kaya para kay Tayllah ang ngumiti tuwing nakakakita ng kakilala nya.

“Hi. Can we talk?”

Dalawang sagot ang tumatakbo sa isipin ko ngayon.

Una ay hindi dahil wala na naman kaming dapat pag-usapan hindi ba?

Pangalawa naman ay oo dahil gusto ko rin marinig kung ano yung sasabihin nya sa akin.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon