Chapter 53

1.9K 31 8
                                    

NOTE: bara-barang update... haha

so soooorry.. alam nyo bang naguguluhan na ako kung ano ang mga dapat ko ng gawin?. ahaha

thnx sa reads.

malungkot ako =(

Shay POV

Rinig ko yung mga nag-uusap sa paligid ko.

Pero ni isa sa mga sinasabi nila wala akong maintindihan.

Pero merong isang boses akong nakikilala.

At gusto kong idilat yung mga mata ko.

Gusto ko siyang Makita.

Gustong gusto kong idilat yung mga mata ko.

Pero ang mahina kong katawan hindi magawa.

Kahit pag mulat lang hindi ko kaya.

Ramdam ko yung sobrang pagod na bumabalot sa katawan ko at unti unting kumakalat sa buong katawan ko.

Hanggang sa…

Hindi ko na alam pa ang nangyayari sa paligid ko at tuluyan na kong nakatulog.

**

Xander POV

Nakaupo lang ako sa gilid ng kama nya.

Hawak hawak yung kamay nya.

Dalawang araw na ang nakakalipas simula ng dinala sa Hospital si Shay.

Dalawang araw na din simula nung malaman ko ang tungkol sa kalagayan nya.

At ang sakit.

Ang sakit kasi sa kabila ng paghihirap na nararanasan nya ako etong walang kaalam alam at hindi siya madamayan.

Flashback

Sa loob ng ambulansya kung ano-anong aparato ang idinikit sa katawan nya.

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon