Chapter 55

1.9K 30 8
                                    

UPDATE!! haha.. ^_^ yun lang maikli.

Rianne POV

 

Kanina pa nagsasalita yung prof namin at kung ano ano na rin ang mga sinulat nya sa board.

Pero sa dinami daming salitang lumabas sa bibig nya at sa bawat letrang isinulat nya ni isa walang pumasok dito sa kokote ko.

Nakapatong yung ulo ko sa mga kamay ko habang tinitignan ang mabagal na pagtakbo ng orasan ko.

Sa mga lumipas na araw dalawang tao lang ang tumatakbo sa isipan ko.

Si Shay at si Troy.

Dalawang taong parehas na importante sa akin.

Pero parehas din silang may malaking posibilidad na mawala sa akin.

At iniisip ko pa lang yun hindi na kayang iprocess ng utak ko.

Nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon. Yung feeling na sabay sabay na nagsidatingan yung mga problema sa akin.

Mga problemang parehas na nagbibigay ng sakit dito sa puso ko at konti na lang feeling ko sasabog na ko.

Hindi ako sanay ng ganito.

Ang hirap pala.

“hoi girl!”

Si Venus yung nagsalita. Kung natatandaan nyo pa lumabas na sya sa mga nakalipas na chapter. Sa katunayan niluma na sya ng panahon buti na lamang at natandaan pa ni author yung pangalan nya. hahaha

“o-oh?!” wala sa sarili kong sagot

“halos 3 minutes na ang lumipas simula ng lumabas si Mrs. Aguilar. Ba’t nageemo ka na naman dyan? Trending ba yan ngayon?! Kaloka ah. Tara na’t mag gora sa mall wala na tayong class mamaya wala si Sir Zacharias.” - Venus

A Love to last....(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon