MY FIRST CRUSH

101 0 4
                                    

Nandito ako sa cafeteria dahil hinihintay ko ang bestfriend ko na si Ronel. Yup, lalaki siya but syempre hanggang bestfriends lang kami no. Hindi pa nga ako nagkaka-boyfriend eh. Ewan ko ba, wala akong natitipuhan na lalaki sa buong buhay ko. 

Magpapakilala muna pala ako sa inyo, Ako nga pala si Mary Nina Bello 17 yrs. old , 2nd year college sa BlakeWood University, Course ko? Science and Technology. Yung kapatid ko parehas lang kami ng year. Babae din siya. At medyo close kami. Back to me. Never been Kissed and never been touch. NBSB ako eh, halata naman diba sa sinabi ko kanina. O-oi oi! MALING MALI ang mga iniisip niyo! H-hindi ako manhater at lalong hindi ako tibo ha! Wala lang talaga akong nagugustuhan at---

'OI BESTFRIEND!'  napalingon ako kung san nanggaling ang boses na iyon. At nakita ko ang napaka-gwapo kong bestfriend! Mas matangkad siya sakin, matangos ilong, makinis ang balat, blonde na buhok, brown eyes at matipunong katawan. Sabi nila bakit hindi ko daw siya nagustuha-- 

'Ehem, alam kong gwapo ako nina, kaya wag mo na akong titigan ng mala- AARAY. Oo na Oo na Tsk! Hindi na nga eh'   dahil pinagkukurot ko siya sa tagiliran niya. Aba! Masyado tong lalaking to ha! Binanabawi ko na nga yung sinabi ko kanina! Kainis naman tong lalaking to eh! Conceited monkey! 

'Ikaw! *kurot* Bwisit ka talaga eh! Asa ka naman *kurot* wala ka nang ginawa kun--'  naputol ang sasabihin ko kay Ronel ng lumapit samin si ateng tindera sa cafeteria. Naku po, PATAY na tayo jan!

'Oh, Hey'yow! musta na ate ganda? '  bwiset talaga tong si Ronel, gumaganon pa kahit alam nang ire-report kami niyan sa guidance. Pustahan tayo mga bente, ire-report kami niyan.

'Anong hey'yow hey'yow ATE GANDA KA JAN! Hindi niyo ako madadala sa ganyan! Naglalampungan pa kayo dito sa loob ng cafeteria ko, PDA kayo ha! Ire-report ko kayo sa guidance!'  at biglang nagwalk out. Masyado naman tong si ate, lampungan agad. AGAD-AGAD?  Hala kailangan paki-usapan tong si ate. Kasi naman tong bestfriend ko. Ugh Eh wala pa akong record sa guidance eh.

Miss number 1 ang tawag sa'kin simula ng nasa elementary at highschool ako! Masisira ang reputasyon ko sa university na 'to kapag nalaman nilang natawag ako sa guidance. Kung sakali mang mapunta ako sa detention For the first time in forever 'yun!  Huhuhu.

Hinabol ko si ateng tindera na papalayo na sa amin na balak nang i-report kami sa guidance at makulong sa detention, kumapit ako sa paa ni ate upang pigilan siya sa masamang balak niya.

'Ateng tindera! Wag niyo naman gawin sa'kin- sa'min to! Hindi naman po kami naglalampungan eh! Sa totoo lang po magbestfriend po kami ng lalaking yan. Ate ayoko mapunta sa guidance!! Marami po akong pangarap sa buhay, pero hindi ko po pinangarap na mapunta sa detention. HUHUHU.' maluluha kong sabi na parang huling araw ko na bukas.

Mukhang naawa naman si ate kaya pinatayo na ako at sinabing hindi na daw siya magre-report sa guidance pero sa susunod daw na makita kami ni Ate tindera ulit na ganun ang ayos magre-report na daw siya.

Pagka-alis namin sa cafeteria, tinignan ko kaagad ng masama si Ronel, yung tingin na hindi na siya aabutan pa ng sikat ng araw. Nang bigla na lang siyang lumuhod sa harapan ko. Ugh, ano na naman ba 'to? -_-

'Patawarin mo ako Nina! Hindi ko naman sinasadya na asarin ka eh! Promise! Wag ka namang magalit sa'kin. Hindi ko kakayanin!' maarteng sabi niya na may pahawak-hawak pa sa dibdib. Akala niya nakakaawa siya? Hindi!! Kung hindi ko lang 'to kaibigan, hindi na ko magpapatumpik-tumpik pa na sapakin siya. Ugh

My First Crush - ONE SHOT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon