#2: si ethan...

627 25 15
                                    

Nakatayo sa harap ko si ethan. Ang manliligaw ko. Oy wag ka! Mayaman yun!! Pero siyempre, kailangan ko muna siyang kilalanin. Di ba?

"anong kailangan mo?" tanong ko kay ethan. Hindi naman talaga ako mataray. Talagang nakakapikon lang ang isang to. bakit kaya ako naiinis? Dahil ba si ethan ang kharap ko? O baka naman, naiinis ako dahil akala ko si calvin ang tumatawag sa pangalan ko? Picha!

"wala lang, bakit di mo kasama ang bakla mong kaibigan?" pang asar na tanong ni ethan na hindi sinasagot ang tanong ko kung ano ang kailangan niya. Alam ko at alam niyo na kung sino ang tinutukoy niya. Walang iba kundi si Calvin. Jusko!! Kapag narinig ni Calvin ang mga pinagsasabi niya, siguradong basag ang pagmumukha niya.

Oa lang eh! 

Hahaha.

"wala siya eh. Ano bang paki mo?" inis kong pagtatanggol sa bestfriend ko.

"haha! Bakit mo ba kasi pinagtiyatiyagaan ang isang yun? Andito naman ako." Sabi pa ni ethan.

"oo nga. Andiyan ka nga. Oh tapos?" inis kong sagot.

"ginugulo mo na naman siya." Biglang may nakisawsaw sa usapan naming ni ethan. Napalingon ako sa likuran ko.

Hay salamat. Calvin is here! Haha. Ewan ko lang. sa tuwing nandiyan siya parang feeling ko, safe na safe ako. Corny lang teh!! Haha. Pero seryoso. Talagang dumadating siya kapag nasa ganitong sitwasyon ako. Haha. Wala lang. napapangiti ako!! Haha. ^__^

"anong kailangan mo?" -Calvin

"si bangsee." -ethan

"anong kailangan mo sa kanya?" -Calvin

"puso niya." -ethan

Palipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Anyare ba??

"hoy! Tumigil nga kayong dalawa!" -ako

"usapang lalaki to. Wag kang makialam." -silang dalawa.

Naks naman?? Ako pa ang napagsabihan na wag makialam ah? Sige, magsama kayong dalawa! 

Inis akong umalis dun sa lugar na un.

"Quilang!" tawag sakin. Alam niyo na kung sino ang hayop na tumatawag sakin. Sino pa nga ba? Eh di besfren! Tanga! Haha.

"bakit? Kala ko ba sabi niyo wag akong makialam?" inis kong baling sa kanya. Hinihila niya kasi bag ko. Tengene naman retarded na to. Mahilig talagang mang asar!

"hindi ka naman namin pinapaalis. Ahh. Ehh.. ano kase, sinagot mo na ba ang isang yun?" tanong niya sakin. Ewan ko bakit parang napapatawa ako. Tanga lang? alam naman niyang ayaw ko sa isang yun. Kung liligawan sana ako ni Calvin mas okay pa. wahaha! Kaso. Kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin eh. Ayos lang naman yun! Tsk.

"ano???" -calvin

Bigla akong napatawa sabay hampas sa braso niya.

"patawa ka talaga! Tanga!" sabi ko sa kanya. Loko talaga

"tinatanong kita kung sinagot mo na ba. Tanga!" inis na sagot ni Calvin sa akin.

"wala." -ako

Si Calvin naman ang napatawa ng malakas sabay hampas sa batok ko. Ganun?? Bigla niya akong babatukan? Haynaku, bestfriend ko talaga! Minsan, ang weird. I mean di lang minsan. Kundi madalas! Haha.

"kala ko kase tanga ka talaga eh." Sabi niya sabay akbay sakin.

"ayaw ko kasing masaktan ka..." pabulong niyang sabi, pero narinig ko yun!

"anong sabi mo?" tanong ko.

"huh? Wala naman akong sinasabi ah!" sagot niya sabay lakad at iniwan ako.

"hoy! Teka lang. sasabay na ako sayo pauwi." Sabi ko, magkapitbahay kasi kame. Haha. Last week ko lang nalaman na malapit lang pala ang bahay nila sa bahay namin. Di kasi siya masyadong lumalabas ng bahay nila at ganun din ako.

Sumabay na ako sa kanya sa paglakad.

Habang naglalakad...

"hoy!" sabi ko kay Calvin.

Nilingon niya ako. "ano?" sabi niya.

"anong tingin mo kay ethan?" tanong ko kay Calvin.

Tumingin siya sa akin. Matagal. 

"isa siyang lalaki..." sagot niya na parang nang aasar.

Hinampas ko siya sa braso. Wag kayong magtaka kung bakit hanggang braso lang ang hampas ko, haha. Matangkad kasi siya, di ko maabot ang batok niya para mabatukan ko siya.

"takte naman yan oh! Seryoso!!" inis kong sabi sa kanya.

"mukha ba kong nagbibiro?" -Calvin

"what I mean, mabait ba siya para sayo?" -ako

"bakit akong tatanungin mo? Tae naman yan oh! Wag mo nga akong kausapin." Inis niyang sabi sabay lakad ng mabilis. Sumunod naman ako.

"Calvin naman eh. Pikon ka talaga." Habol ko sa kanya.

"di ako pikon, GALIT ako. Kuha?" inis na naman siya.

Juice ko naman. Nagagalit agad. Para nagtatanong lang eh.

"bakit ka ba nagagalit?" tanong ko sa kanya.

"...' di siya sumagot.

"hoy!" tawag ko sa kanya.

"Calvin!" tawag ko ulit. Bingi bingihan ang isang to. 

Di niya ko kinakausap hanggang sa makarating kame sa tapat ng bahay ko

So mukhang wala na yata siyang balak kausapin ako. Papasok na sana ako ng bahay ng bigla niya akong hawakan sa braso.

"oh?" -ako

"goodnight." -Calvin

"sige." -bitter kong sagot. Haha! Parang magsyota lang kame noh? Pero sad to say, kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin.

"bangs, tungkol kay ethan, sana kilalanin mo muna siya." -Calvin

"kaya nga, tinatanong kita eh. Tanga!" -ako

"......" wala siyang sagot. Naman! Mas pa sa babae to. Haha.

"gusto lang kitang alagaan at ingatan..." pabulong na naman niyang sabi. Pero narinig ko na naman yun. Haha!

"ano?" sabi ko kunwari di ko narinig ang mga binubulong niya.

"sabi ko, pumasok ka na. 6pm na oh. Tanga ka talaga!" -Calvin

Sauce.. di yun ang narinig ko sa bulong niya eh. Di bale na nga lang. baka nagkamali lang ako ng rinig. Pero...

"pasok na." sabi niya sabay tulak sa akin paloob ng gate na bakal namin.

"tengene!! Manunulak pa talaga." Bulong ko sabay pasok ng bahay.

Pagpasok at pagpasok ko, 

Nagvibrate ang cellphone ko.

Tiningnan ko naman agad.

From: factora 

Labas ka ulit. May sasabihin ako.

Tanga! Bigla akong kinabahan. Anong sasabihin niya?? 

Di kaya...

--------0---------

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon