#10: ending XD

297 22 11
                                    

“ano kaya pag sinabi kong mahal kita?” –Tanong niya.

napatingin naman ako sa kanya ng seryoso.

"wag ka ngang magpatawa. tseh!" sabi ko sabay lakad. alam kong binibiro na naman niya ako. Si Calvin talaga. kahit kailan paasa. paksyet talaga. -_-

yun! yun ang dahilan kung bakit ayaw kong kumagat sa biro niya. kasi. kaibigan lang naman talaga ako. -_- kaibigan lang ang tingin niya sa akin. kahit mukhang mamatay na ako sa sobrang tuwa kapag magkasama kame.

sana naman seryosohin niya yung mga sinasabi niya. sana nga totoo yun. HAHAHAHA. iba na kasi ang nararamdaman ko para sa kanya. di ko na maintindihan. syet na talaga.

sumabay lang siya sa paglakad ko. at napapatawa siya sa reaksyon ko. sabi na eh. binibiro na naman ako ng kupal na to. -_- langya talaga. sana mahalin niya ako. please. hahaha. talagang nagmamakaawa na ako noh? mejo tanga lang.

-----0-------------

SABADO nun.

"pwede ba kitang yayain?" tanong ni Calvin sa akin. walang pasok nun. hahaha. eh sa di ko alam bakit walang pasok. Holiday siguro yun? XD LABOR DAY. hahaha. niyayaya niya ako.

"saan?" sabi ko sa kanya habang naglalakad kami sa may kalye dun parte sa bahay namin.

"sa tambayan. pagkatapos ituloy na kasalan.." sabi niya.

napatingin naman ako sa kanya. tae talaga ang isang to. sarap patayin kung maka goodtime wagas! -_- bulsyet.

"huh? baliw ka ba?" sabi ko sa kanya na may weird face. hahaha. kunwari pa ako eh ang totoo. kinikilig naman talaga ako. wahahah. anong tingin niyo sakin, bato? walang pakiramdam eh kung ihagis ko kaya kayo sa pader? XD

"ETO NAMAN HINDI MABIRO." sabi niya. ayan na naman biro biro niya. -_- ayan naman yan eh. seryoshin mona kasi!

"parang gago ka kasi." sabi ko sabay yuko. oo na eh. kaibigan lang talaga ako. pero baka pwedeng mag level up naman tayo. hahaha. ayy. oo. may babae ka palang gusto. -_- at alam kong di ako yun!

"hehe.. halika ka dito." sabi niya sabay hawak sa kamay ko. enebenemen yen koya! XD wag mo nemen akong pakiligin. hahaha. syettt.

"may gusto ka bang sabihin? tapatin mo nga ako. inlove ka ba?" seryosong tanong ko sa kanya. inlove ka yata sakin eh. sabihin mona. hinhintay ko9 lang na sAbihin mong mahal mo ako. hahaha.

"KAIBIGAN lang kita at di tayo talo diba?" nakangiting sabi niya. aray. -_- picha naman calvin oh.

"talaga lang ah? totoo ba yan?" -ako.

"oo nga." sabi niya sabay kamot sa ulo. makuto siguro ang isang to. hahaha. oo na. di mona ako mahal. salamat nalang. -_-

"eh bat lagi mo akong sinusabybayan?" pangungulit ko sa kanya. totoo naman eh. hahaha. XD lagi niya akong iniingatan at inaalagaan. umamin kana kase Calvin. pramis mahal din kita tae ka talaga. -_-

"ah eh.. ganito kase yan." sabi niya.

"sige ipaliwanag mo." ipaliwanag niya na kase at nang maliwanagan ako. hampasin niya ako ng flourescent o kahit flashlight para maliwanagan ako. hahaha.

"ayoko lang may tumabi jan." sabi niya ng hindi nakatingin sa akin.

"saang tabi?" di ko siya tinitigilan. hahahaha. XD pag sinabi niya ngayong di niya ako mahal. totoo. iiwasan ko na siya. -_- di na ako magpapakita.

"saan pa ba? eh di jan sa tabi mo." 

"bakit nagseselos ka?" -ako

"anong pinagsasabi mo?" natatawang tumingin siya sa akin.

"kunwari ka pa." -ako.

"kulit naman. oo nga mahal kita.." sabi niya. ay eh. mahal din naman kita. hahahaha. so tayo na??

"pero bilang kaibigan lang naman oh gets mo na?" dagdag pa ni Calvin. aray. oo na! gets ko na. alam ko...

"okay. sige, baka hinahanap na ako sa amin.." sabi ko sa kanya. wala talaga siyang kwenta. tae. -_- madrama talaga ang isang to. sarap patayin.

"sige ingat ka.." sabi niya. tae. at talagang wala siyang balak habulin ako. -_- oo nga pala. kaibigan lang pala ako.

umalis na ako. oo. baka magbago na ako. di ko siya maintindihan. minsan sweet siya. kala ko talaga matututo siyang mahalin ako. pero di pala.

hanggat dito na lang yata tong storya namin. :(

PS: kailangan ko ng tissue. tang syet naman. -_-

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon