#8: MAHALaga. ^_^

373 26 8
                                    

Mga 3 minutes niya akong niyakap…

Charst!! Bilang na bilang noh? Haha!! Adik lang? sana ganun na lang kame lagi. Tsk tsk. Kundi ko pa naisip na nasa school pala kami, di ko pa maiisipang itulak siya.

“ano yun?” nga nga kong tanong sa kanya.

“hah? Saan??” sabi naman ni Calvin with matching lingon lingon. Sauce!! Kunwari pa. haha.

“tsk. Para saan yun??” –ako yan.

“ang alin?” –Calvin.

Nagtatanga tangahan ba ang halimaw na to?? Or baka… wala lang talagang malisya yung pagyakap niya sa akin? Aaawww. Tama. Ganun nga. Wala lang naman yun sa kanya, pero heto ako. Umaasa na naman nab aka sakaling pareho kame ng nararamdaman. Haynako.

Alam niyo guys, naisip ko rin na minsan ang pangit pala magkaroon ng bestfriend. Kasi magulo, Malabo, masakit, tae!! Emotera talaga ako. Promise!! Di ko talaga alam kung hanggang kelan kami magiging ganito. Gusto kong itanong sa kanya, kung mahal ba niya ako. Kung mahalaga ba ako. Kung pwedeng ako na lang mahalin niya, kaso… di talaga pwede.

“hoy!” sabi niya sabay akbay ulit sa akin.

Napatingin lang ako sa kanya. Ano ba kasi ang problema ko? Sinasamantala ko ang kabaitan sa akin ni Calvin. Aw.. although, di naman talaga siya mabait. Haha!! Slight lang.

Minsan, gusto ko na talagang magpakalayo layo. Iwasan siya. Pero… magkaibigan kame. Di ko siya pwedeng iwan sa ere. Di ko siya pwedeng iwasan hanggat wala akong sapat na dahilan.

“bangs?” –Calvin

Napatingin ako sa kanya ulit. Sabay smile. FAKE SMILE.

“fake smile..” sabi niya and rolled his eyes.

OO na! yan talaga ang bestfriend ko. Alam niya kung kelan ako nalulungkot, alam niya kung kelan ako nagsisinungaling, alam niya kung kelan ako galit, kung kelan ako inis, kung kelan ako Masaya, kung kelan ako gutom, kung kelan ako pagod, ultimo pag CR ko siguro alam niya kung kelan ko nararamdaman ang call of nature. Haha! Alam niya lahat sa akin.

Simula paboritong kulay, paboritong pagkain, paboritong kanta, paboritong movie, paboritong artista, at kung ano ano pa. alam niya rin ang size ko. Mula ulo, katawan at paa. oh eh di Masaya! Haha.

Di ko alam kung paano niya na memoryado lahat ng yan. Haha! 3 months pa lang kaming naging magbestfriend. Pero ang dami na niyang alam tungkol sa akin. Ang alam ko lang sa kanya? Na music lover siya, at ayaw niya sa mga taong judgemental. Yun lang. haha!

“may gusto ka bang sabihin sa akin?” –Calvin.

Napalingon naman ako sa kanya! Oowww? Haha! Seryoso ka dre? Ako?? May gusting sabihin sayo? Huh!! Buti alam mo! Haha. Pero… ayaw ko talagang sabihin sa kanya eh. AYAW KO! I mean.. gusto ko pero, natatakot ako.

“mahal---“ –siya

Di niya natuloy ang sasabihin niya kasi pinutol ko na ang pangungusap niya.

“haha!! Patawa. Wala akong gusting sabihin sayo. Kupal!” sabi ko sabay hampas sa braso niya.

“ahhh.. ganun ba? Kala ko kasi sasabihin mong maha---“ Calvin

“weird ka talaga! Kung ano anong iniisip mo.” Ako yan. ^__^

Oh no?? nahahalata naba niya?? Gooooooshhh!!!!

“weird talaga ako. Ano pa bang magagawa mo?” sabi niya.

Haha! Hayyy.. ewan ko. Di ko na lang sinagot ang tanoong niya. Baka kasi kung anu ano pa ang lumabas sa bibig ko. Tsk.

Next class ko is 2:30-4:00pm.

Malapit nang mag 2:30. Tsk. Ayaw ko pang pumunta sa klase ko! Mental block na naman ako neto mamaya.

Nakapagdesisiyon ako!! Aalamin ko kung may nararamdaman ba siya para sa akin! Wow?? Tapang noh? Haha. Aalamin ko.

Saka ko na un iisiipin.

“bangs..” tawag ulit ni Calvin sa akin.

“ano?” sabi ko.

“mahalaga ba ako sayo?” –Calvin

Ano??? Haha! Anong klaseng tanong yun?? Tiningnan ko siya. Sabay tawa at hampas sa tiyan niya.

“aray.. sagutin mo na lang kasi!” –Calvin

“aba siyempre!” sagot ko habang nagpapacute sa kanya.

“ahhh..” sabi niya.

“bakit mo naman natanong?” –ako

“kasi… di ka kasi mahalaga sakin eh!! Haha” sabi niya.

Ouch! Ganun? Ok fine.

“ah.. okay.” Sabi ko.

Ang sakit nun ah? Kala ko… sauce!! Ayan na naman yang akala mo. Puro na lang akala!! Tsk. Sabi ko naman sayo eh. Wala siyang nararamdaman sayo! Para akong tanga na kinakausap ang sarili ko. TANGA!!

“HAHA! Bakit parang nalulungkot ka?” tanong niya sabay silip sa mukha ko.

“hehe. Wala lang. sige, alis na ako.. may pasok pa kasi ako.” Sabi ko.

Ganun yun.. pinaglalaruan niya lang talaga ako. Yun yun eh! Ako naman. Parang tanga.

“ay teka… galit ka ba?” tanong niya sabay hila sa kamay ko.

Siguro, pag nakita kami ng ibang tao… iisipin nilang magsyota kame.haha! aakalain nila na magsyota kame. Oo. Aakalain nila. Akala lang. puro akala! Tsk.

Nilingon ko siya.

“bakit naman ako magagalit?” sabi ko.

Bakit naman ako magagalit?? Kung totoo naman ang lahat ng sinasabi niya diba??

“nagbibiro lang ako. Mahalaga ka talaga sa akin.” –siya yan.

Kahit ano pa ang sabihin niya. Talagang tumatak na sa isip ko ang sinabi niyang di naman talaga ako mahalaga sa kanya. Ewan. Bahala na!

“ah. Sige. Sabi mo eh.” Sabi ko. Sabay lakad palayo.

“bangs..” si Calvin ulit. Hinihila na naman ang bag ko.

“ano?” tanong ko.

“mahalaga ka sa akin… sobra..kaya nga inaalagaan kita at tsaka iniingatan..” sabi niya

“SANA, maramdaman mo yung mga efforts ko..” dagdag niya.

sabay halik sa noo ko.

----0-------

Oww. Ang sweet. Haha!

Ano ba talaga? ^__^

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon