#11: akala mo lang yun.

300 21 5
                                    

*calvins POV*

buong araw kong hinintay sa school si bangsee. --__-- anyare dun at pagkatapos nung pag uusap namin kahapon, hindi na nagparamdam! sayang naman tong ginawa kong kanta na ipaparinig ko sana sa kanya.

ay. nga pala. ako si Calvin. haha. sorry kung di na ako nakapagpakilala ng sarili ko, si author kase, di niya ako binigyan ng chance na depensahan ko ang sarili ko. hahaha kaibigan ako ni bangsee.

hinihintay ko siya dito sa exit gate. tae talagang babaeng yun. ano naman siguro ang drama ng isang yun? -_- di naman nagtext kung absent siya o hinde. may sakit ba yun? o baka naman nag iinarte na naman yun.

sa wakas. nakita ko rin siyang palabas ng building nila. grabe! di man lang inisip na may naghihintay sa kanya dito. although sanay na akong maghintay sa kanya. pero di ako sanay na maghintay tapos wala pa talaga siyang reply sa mga text ko.

"hoy" sinalubong ko agad siya.

"oh." sabi niya na parang walang gana. anyare sa kanya? bakit parang malungkot yata siya?

"bat parang malungkot ka?" pag aalalang tanong ko. syempre, ayaw ko siyang nakikitang nalulungkot. o baka naman may umaway sa kanya sa klase nila. aba'y masusuntok ko talaga yun.

"wala lang. anong ginagawa mo dito?" tanong niya.

aray naman! natural, eh di sinusundo ko siya dahil sabay kaming uuwi. tanga talaga ang isang to. hahaha. pero kahit ganun mahalaga talaga siya sa akin. yeeeeh! oo. mahalaga. mahalaga siya sa buhay ko.

"sabay tayong uuwi, engot ka ba?" kunwari'y inis kong sabi sa kanya.

tumango lang siya sa akin. di talaga ako sanay pag ganito yung trato niya sa akin. may problema ba siya?

"anong nangyari?" tanong ko habang naglalakad kami palabas ng gate nila. ang bango bango talaga ng bestfriend ko. mabango ang buhok. hahaha. oy. di ko siya minamanyak hah. XD syempre ginagalang ko siya. pero seryoso, mabango ang buhok niya.

"hoy." inupakan niya ako. aray naman. nahuli pala niya akong inaamoy amoy yung buhok niya. HAHAHAHA. di ako manyak hah. mahal ko lang talaga siya kasi magkaibigan kame.

"ipaparinig ko sayo yung kantang ginawa ko." sabi ko sa kanya. at sana magets niya yung kantang ipaparinig ko.

"ngayon na?" tanong niya sa akin. ah eh. ngayon na? agad agad? kinakabahan ako at parang nakakbakla kung ngayon ko ipaparinig.

"bluetooth ko nalang sayo. pakinggan mo mamaya.' sabi ko.

"sige." nilabas niya cellphone niya. di na ako nagulat kung bakit picture namin dalawa ang wallpaper niya. hahaha. kasi nga kaibigan ako ni bangs. ako yung pinaka close niya. tagabantay, taga alaga. maraming nanliligaw sa kanya pero lahat tinakot ko para di  na siya ligawan. hahaha.

masarap namang kasama si bangs. yun nga lang, kung kaibigan yung relasyon mo, hanggang kaibigan lang talaga ang relasyon na kaya niyang ibigay. realtalk yun.

bluetooth kona agad sa kanya yung kanta. sana mapakinggan niya yun mamaya.

di na siya nagsalita habang naglalakad kame. sinusulyap sulyapan ko nalang siya kasi parang wala naman yata siya sa mood.

kung pwede lang na pasayahin ko siya. kahit sa anong paraan.

-----------0----

*BANGS POV*

na bluetooth niya na sa akin yung kanta na gawa niya. tae talaga tong si Calvin, kung kelan gusto ko na siyang iwasan, saka pa sumusulpot at nagpapaka sweet. ano bang nakain ng isang to?

opapakinggan ko nalang mamaya yung kanta niya dahil ang totoo, di parin nag sisink in sa sarili ko yung sinbi niya sa akin kahapon nung mag usap kami sa tambayan.

ganito pala talaga ang kahihinatnan pag nagkakalabuan ang magkakaibigan. tahimik at parang malabo ng magkabati. assuming kase ako masyado eh. nasa harap na ako ngayon ng gate namin. alas singko na pala. tss.

"saglit lang bangs.." sabi niya sabay ayos ng bagpack niya.

nilingon ko naman siya. bakit na naman.

"sorry.." sabi niya. ayan. biglang nagsosorry si Calvin. para san ba yung sorry niya guys? pakiconnect naman ho.

"sige, pasok ka na. sana magustuhan mo yung kanta na gawa ko." sabi niya sabay alis.

wala naman kwenta kung magugustuhan ko yun. buti sana kung para saken yun eh hindi naman. diba? aba'y kahit pangit ata yung kanta niya eh magugustuhan ko basta siya ang may gawa. SIYA NGA NAGUSTUHAN KO YUNG KANTA PA NIYA KAYA? hahaha. landi lang eh..

pumasok na sko sa bahay. diretso sa kwarto.

biglang nag vibrate ang cellphone ko. alam ko, si Calvin na naman to. siya lang naman yung taong kanina pa text ng text sa akin.

tiningnan ko. tama nga, si Calvin nga ang nagtext.

CALVIN:

BANGS, MAGANDA ka, wag ka namang sumimangot. sige ka babe, di na kita mahal niyan. haha. mua.

babe? SIRA ULO TALAGA. XD eeeeeeh. hahahaha. bakeeeet? ^__^ di ako maka emote ng maayos.

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon