#3: kalokohan na naman.

451 24 9
                                    

Natataranta ako.

Lalabas ako? O magkukunwari akong hindi ko nabasa ang text niya?

What now? Tengene naman oh!!

LALABAS ako...

Paglabas ko. 

Andun siya nakatayo sa labas mismo ng gate namin.

"ano?" kunwari'y inis ako sa kanya.haha!

"ah kasi.. may sasabihin ako." Sabi ni Calvin sabay kamot sa ulo.

"oo nga. Ano nga yun?" inis kong tanong.

"ah. Bukas na lang..." sabi niya sabay talikod sa akin.

Gago yun ah? Pinag isipan ko ng mabuti kung lalabas ba ako o hindi tapos ganun lang?

"ano ba kasi yun?" -ako

"wala. Haha!" sabi niya sabay ngiti.

"Sasabay ka ba sa akin papuntang school bukas?" tanong niya sa akin.

"natural! Bakit? May iba ka bang kasabay?" inis kong tanong sa kanya. Bakit magtatanong pa siya eh lagi naman kaming magkasabay papuntang school at pauwi. Tae!

"ah, baka kasi, sagutin mo na yung manliligaw mong de kotse. Siya na ang kasabay mo." Sabi niya.

Talagang di siya maka get over kay ethan noh?? Hanggang ngayon yun pa rin ang issue niya?

"pinamimigay moko dun?" nakasimangot kong sabi.

Awch! Parang masakit naman yatang isipin yung ipamigay niya ako. Haha! Papatayin ko talaga siya pag ginawa niya yun.haha.

Bigla naman siyang napangiti. 

"sino may sabing ipapamigay kita? Sa unggoy nay un pa talaga? Ako na lang ang gawin mong siyota kung ganun din lang!" -yawyaw niya sa akin.

Teka. Anong sabi niya ulit?

"ha?" bigla akong napanganga sa sinabi niyang siya na lang gagawin kong siyota. Nakadrugs ata ang isang to! Haha.

"ay. Tanga ka talaga! Sige. Uwi na ako. Matulog ka na. dadaanan kita sharp 7am dito. Mabagal ka pa naman kumilos. Ayaw kong ma late dahil sayo." Sabi niya habang naglalakad palayo.

Pumasok ako ng bahay. Ano yun? LOKOHAN?

Weird nga talaga ang kaibigan ko na yun.

Anyway, ayaw kong mag isip ng kung anu ano. Kasi ang pagkakaalam ko, may mahal si Calvin. Lagi niyang kinukwento sa akin eh.

Haha! Di nga lang niya sinasabi kung sino. Tsk tsk. Maswerte naman ng babaeng mahal niya.

Sana ako na lang yun.

Pumasok na ako sa kwarto ko. 

Di ako makatulog. Tskk!! Andaming nangyari sa araw na to. Bukas, maaga ang pasok ko. Biglang nag vibrate ang cellphone ko. May nagtext.

From: ethan 

Hey, how are you?

Nag vibrate ulit ang cellphone ko.

From: factora 

Wag ka nang makipagtext sa iba tanga. ^_^ tulog ka na. please.

Ayy.. mas lalong di ako makaktulog nito.

May nagtext ulit.

From: factora 

Tulog na sabi eh.

Huh? Panu niya nalamang gising pa ako? Tae!! Baka may nilagay siyang surveilance camera dito sa kwarto ko! Tsk tsk!

Nag vibrate ulit ang cp ko.

From: factora 

Wag kang magisip ng kung anu ano jan! sadyang nararamdaman ko lang na gising ka pa. haha.

Tengene!!

Nireplan ko siya.

To: factora 

Please lang! manahimik ka jan. matulog ka na.

At ayun, di na siya nagtext pa. talagang masunuring bata. Nanahimik nga talaga siya.

Di bale. I think it's quarter to 12 nung makaramdam ako ng antok.

Nakaidlip na yata ako...

-------o----- 

6am na nung magising ako. Dame!!

Agad na akong nag asikaso. Wala ang parents ko kaya mag isa lang ako sa bahay namin kasama ang 3 maids namin.

May kotse naman ako, pero di ko na ginagamit kasi simula nung naging mag kaibigan kami ni Calvin, natuto na akong maglakad papuntang school. Di naman pala malayo ang school gaya ng iniisip ko dati.

Ke aga aga, si Calvin agad ang topic. 

haha. adik lng?!

6:45 ng matapos na akong mag asikaso. Di na ako kakain ng almusal, sa school na lang siguro. Pagbaba ko ng hagdanan, gulat ako ng Makita ko si ethan na naghihintay sa akin.

Tanga!! Bakit nandito siya?

"anong ginagagawa mo dito?" takang tanong ko sa kanya.

"sinusundo ka." Sagot naman ni ethan.

"huh? May kasabay na ako papuntang school." Sagot ko. Totoo naman eh. May kasabay ako. Si Calvin.

And speaking of Calvin, nakita ko siya sa may pintuan ng bahay namin.

Tae!! Hindi talaga to nakakatuwa!

"what's the meaning of this??" Calvin asked.

Di ko alam kung sino ang tinatanong niya. Kung ako ba o si ethan.

Naman oh! I swear. Di ko pinapunta si ethan dito. Tsk tsk.

Paano na?

------o-----

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon