#4: confused ako. XD

409 26 13
                                    

"sa akin sasabay si bangsie." Inis na sabi ni Calvin na di mapigilang tingnan ng masama si ethan. Oo nga naman! Kahit anong mangyari sasabay ako sa bestfriend ko. Tae naman yan oh! Panira talaga ng araw si ethan.

"ganyan ka ba talaga makasarili? Sasabay siya sayo nang naglalakad? Ipaubaya mo na siya sa akin. Kasi may kotse ako!" sabi naman ni ethan.

Hoy!! Anong pinagsasabi ng isang ito?

Bigla naming napatahimik si Calvin. Ayoko yung ganun. Yung tatahimik siya. It's either, nasasaktan siya or napahiya sa sinabi ni ethan. Para kasing pinapalabas ni ethan na mahirap lang si Calvin.

"ikaw bangsie? Kanino ka sasabay?" tanong ni ethan sa akin. Kapal uh? Siya pa ang may ganang papiliin ako.

"sa kanya na naglalakad, o sa akin na may sasakyan?" dagdag pa ni ethan sabay turo ky Calvin tapos turo din sa sarili niya.

"sige. Mauna na ako." -Calvin

Umalis na si Calvin. 

Tanga!! Saan pupunta yun?? Malamang sa school? Late na kaya oh! Tsk..

"hoy Calvin!" habol ko sa kanya.

"mauna ka na ethan, sasabay ako kay bestfriend ko." Baling ko kay ethan sabay alis ng bahay.

-----0----

Naabutan ko si Calvin sa di kalayuan.

"hoy! Tanga!!" inis kong tawag sa kanya. Loko talaga. Talagang balak niya akong iwan dun uh.

Hindi niya ako nililingon. Masyado talagang moody tong kumag na to.

"hoy!"sabi ko sabay hampas sa likod niya.

Tumigil naman siya sa paglalakad. Pero hindi niya ako nililingon. Naman!!

"kala ko ba di mo siya sinagot?" -sabi niya sakin nang di ako nililingon.

"oo. Eh di ko naman alam bakit siya napadpad sa bahay ko." -ako.

"ah ganun ba. Buti naman." Sabi niya at naglakad na ulit.

"calvin naman! Tsk! Wag mo nnang isipin yung mga sinabi ni ethan." Sabi ko sa kanya.

"ibasted mo na siya kung wala na siyang pag asa sayo para di na yun mangulit." Sabi niya.

Napaisip ako, sa totoo lang, wala naman akong makitang mali kay ethan. Mabait naman talaga si ethan pero mayabang lang talaga minsan. Dalawang buwan nay un siyang nangungulit sa akin. Tsk! Ibabasted ko? Seryoso? Haha! Ang sabi sa akin ni ethan, wala pa siyang naging girlfriend eh. Tsk.

Sumabay ako sa paglalakd ni Calvin. Nung dumaan ang kotse ni ethan at huminto sa may tabi ko.  

"Sigurado ka ba talagang sa kanya ka sasabay? Male late ka na oh!" -ethan

Kinakausap niya ako sa may bintana ng kotse niya. 

Napatingin ako sa wristwatch ko. 7:30 na pala? Syet!

Tiningnan ko si Calvin. Nakatingin lang din siya sa akin. Tapos nagsimula na siyang maglakad.

Tae!!

"sasabay ako kay Calvin." Sabi k okay ethan at hinabol ko si Calvin.

"hoy!! Ilang beses mo ba ako dapat iwanan sa gunggong na un?" inis kong tanong kay Calvin.

Napatingin siya sa akin. 

"hanggat nararamdaman kong, nagdadalawang isip kang sumabay sa akin." Sagot niya at naglakad ulit.

"ang babaw mo." -ako

"ano mo ba ako?" -Calvin.

Bang! Ahh ehhh... ano ko nga ba siya? Ayy tanga lang? bestfriend ko siya diba? Naman oh! Parang namumula ako.

"bat namumula ka?" nakangiting tanong niya sa akin.

"gago! Awkward kasi yang tanong mo!" sabi ko.

"anong awkward dun? Tinatanong lang naman kita kung ano mo ba ako?" nakangiting tanong niya. 

Yun oh! nang asar pa. tae na!! inlove naba ako sa bestfriend ko?? Sa tingin ko...

Oo. Inlove na yata ako sa kanya. Tae na!! di pwede to!! Lalo pang alam kong may iba naman siyang mahal. Tsk.

"huy!! Giseng!!" sabi ni Calvin sabay palakpak sa harap ng mukha ko.

"tanga ka! Hay. Kainin ka sana ng lupa." Sabi ko sabay lakad. 

Sinundan naman niya ako sabay hila ng bag pack ko. Eto na naman siya. Bag ko na naman ang hinihila. Tsk!

"haha. Halika nga dito." Sabi niya sabay akbay sa akin.

Kyaaaaaaaah!!! What man?? 

Pwede na akong mamatay! Haha! Oa lang.

Bakit ganun? Masaya ako na parang natatakot. Tsk! Di talaga to pwede. Sana mahal niya ako. 

SANA MAHAL NIYA AKO.

----------O------ 

2 subjects lang for this day kaya maaga pa lang tumatambay na ako sa may bench sa school namin. Naalala ko na naman si Calvin. Napapatawa talaga ako sa kumag na un. Ilang beses nang may nagtangkang manligaw sa akin pero, lahat sila kinokontra niya.

Mahirap pala talagang ma inlove sa bestfriend mo noh? Di mo alam kung saan ka lulugar. Minsan, nakita ko siyang may kasamang babae, di ko alam kung ano ba ang dapat na reaksyon ko. Magseselos ba ako? Wala naman akong karapatan diba?

Pero sabi nga nila, pwede kang magselos, hanggat may nararamdaman ka para sa kanya. Hindi ko alam kung hanggang kelan ko itatago sa kanya ang nararamdaman ko. Minsan, naisip kong aminin na lang sa kanya pero natatakot ako na baka pagtawanan niya lang ako.

Hanggang kaibigan lang ba talaga kame? Wala ba talaga siyang nararamdaman para sa akin? Kahit KONTI? Siguro meron. Mahal niya ako pero bilang kaibigan lang. oo. Tama. Bilang kaibigan lang.

Biglang nag vibrate ang cellphone ko.

From: factora 

Ang lalim naman yata ang iniisip ng prinsesa ko. ^_^

... 

Teka nga muna. Para sa akin ba to? O wrongsent lang??

"hoy!!" -Calvin

Pfffffffffffft!! Andito pala siya sa tabi ko. Kanina pa ba siya nandito?? Tae na!!

"langya!" inis ko siyang hinampas sa braso.

"aray naman!" sabi niya na nakangiti.

Weirdo nga talaga.

"ano bang iniisip mo?" tanong niya.

"ikaw." -ako

Bigla siyang napatingin sa akin. 

Oh my!! Nadulas ako. Delete delete!!

Clumsy talaga! Syet. 

----o-----------

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon