#5: sa isang sulyap mo

365 25 8
                                    

Matagal niya akong tiningnan.

"seryoso ka?" -calvin

"hah?" nga nga kong tanong. Taeng dila naman kasi yan! Nadulas. Tsk.

"haha! Wala!" sabi niya na umiwas ng tingin.

"bangs..." may tumawag sa pangalan ko.

Sabay kaming napalingon ni Calvin sa taong tumawag sa akin. Si ethan.

Dumating na naman ang manliligaw ko na may sasakyan.

Ano bang problema ng isang to?

"ah. Pwede ba kitang yayain mag lunch?" -ethan

"pasensya na pare, nauna na akong nagyaya." -Calvin

Haynaku. Kelan ba magkakabati ang dalawang to?? Hindi na ako makikialam sa usapan nila. 

Nagulat ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinila ako palayo kay ethan.

"hoy teka lang!" sabi ko.

"bakit? Gusto mo bang sumama sa isang yun?" -Calvin.

"hinde." Sabi ko naman agad.

"yun naman pala eh." Sabi ni Calvin.

Sabay kaming naglunch ni bestfriend ko.

---o---

Alas tres ng hapon nung naisipan naming umuwi na.

Napadaan kami sa paboritong pasyalan namin. Nagtambay muna kame saglit dun.

"Calvin..." tawag ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin.

"ano?" tanong niya.

"yung babaeng kinukwento mo sa akin, kelan mo siya ipapakilala sakin?" tanong ko.

Ano ba naman to. Kung anu ano nalang ang naiisip ko. Lumala na yata ang nararamdaman ko para sa kanya. 

"gusto mo ba siyang makilala?" nakangiting tanong niya.

"siyempre naman!" -ako

"balang araw, malalaman mo rin." Sabi niya sa akin sabay yuko.

"kilala ko ba siya?" -ako

"kilalang kilala." -siya

Tae!! Sino naman kaya yun??? Di kaya yung classmate ko na maganda? O di kaya yung pinsan ko?? O baka isa sa mga katulong ko sa bahay?? Nakakapraning lang. diba pwedeng ako na lang??

"sabihin mona kase kung sino. Tsk!! Atin atin lang naman eh!" inis kong sabi.

Napatingin siya sa akin. Sabay tawa.

"tanga ka ba talaga?" natatawang tanong ni Calvin sa akin.

"di kita magets..." sabi ko sabay hampas sa braso niya.

"oo! Tanga ka nga! Haha." Sabi niya ulit. 

Tumayo siya.

"oh san ka pupunta?" sabi ko.

"lika na. hatid na kita sa inyo. Para makapagpahinga ka ng maaga." Sabi pa ni Calvin.

Tumayo na rin ako. Malapit lang naman sa pasyalan ang bahay namin.

"bakit ayaw mong sabihin sa akin?" tanong ko.

"ang alin?" tanong niya nang hindi ako nililingon.

"yung babaeng mahal mo! Ayaw mong sabihin sa akin." Sabi ko.

Abg tapang kong magtanong. As if naman ako ang mahal niya. Eh paano pag iba? Haynako!

"malalaman mo rin." Sabi niya sabay akbay sa akin.

Haay.. sana ako na lang mahal niya noh? Para naman, Masaya! Haha. Tsk tsk.

Malapit na kami sa bahay ko.

"gusto mo bang pumasok muna?"

"haha! Hindi na muna. Next time na lang." sabi pa ni Calvin.

"ah sige." Sabi ko.

Papasok na sana ako ng gate nang bigla niyang hinila ang bag ko.

"aray naman. Bakit ba?" inis ko siyang nilingon.

"may sasabihin ako." -Calvin.

Napatingin naman ako sa kanya. Bigla siyang umiwas ng tingin.

Bakit ba? Anong sasabihin niya??

"anong sasabihin mo?" -ako

"AKO SI BATMAN! Haha!" sabi niya sabay halik sa akin sa pisngi. Nyeta! Tarantado yun ah! 

--------o-------

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon