HULING KABANATA

281 18 16
                                    

hindi ko na nakausap si Calvin matapos kong marinig yung kantang ginawa niya. hindi ako manhid at lalong hindi ako bobo para sabihing hindi para sa akin yung kanta. alam ko at alam ng puso ko na para sa akin yung kantang ginawa niya.

kaya pala atat siyang iparinig sa akin yun. kaya pala alam niyang di ko napakinggan yun nung naitanong niya sa akin kung napakinggan ko na dahil hindi yun ang inaasahan niyang reaksyon sa akin.

nasaan ka na ba Calvin?

.......

kaya hinanap ko siya. hinanap ko siya kasulok sulukan ng paaralan pero di ko siya makita.

tapos may nareceive akong text.

sana si Calvin to.

pero hindi si Calvin. kundi 8888. letse. 8888 ang nagtext sa akin na nagsasabing nag expire ang unli. pucha. pag minamalas ka naman oh. kaya naghanap ako ng tindahan at nagpaload para matext ko si Calvin.

di siya nagrereply. di niya sinasagot ang tawag ko. :(

ang bestfriend ko. bakit ngayon lang niya sinabi? kay tagal kong naghintay na sabihin niya sa akin yun. naiiyak na tuloy ako.

paano kung nagbago na ang nararamdaman niya para sakin?

paano kung dati lang niya akong minahal?

paano kung umalis na si Calvin?

paano kung may iba na siyang gusto?

paano kung...

pumatak ang luha ko.

sa araw araw naming pagsasama pareho kaming natakot na sabihin ang tunay naming nararamdaman sa isa't isa. ginawa namin yun dahil mahal namin ang isa't isa at ayaw naming masira ang pagkakaibigan namin.

pareho kaming naging tanga.

kasabay ng pagpatak ng luha ko ang pagpatak ng ulan nung alas singko ng hapon.

wala akong lakas para sumilong.

wala akong lakas para humakbang papunta sa lugar na makakabigay sakin ng kapayapaan.

si Calvin...

inisip niya sigurong iiwasan ko siya kapag narinig ko ang kantang ginawa niya para sa akin.

ang sabi niya ginawa niya yun para sa babaeng mahal niya.

-kaibigan lang-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon