"Here I go again.." Napapabuntong hiningang sambit ni Sandra habang naglalakad patungo sa kanilang "bahay".Kung bahay nga ba niyang matatawag.
"Oh,hindi na naman maipinta iyang mukha mo?Eh kanina naman nagtutugtugan tayo,ang saya mo? Natanaw mo lang yang bahay niyo eh?" Natatawang wika ng kaibigan niyang si Joseph.
"Tama!Kung makakanta ba guh, parang nagwawala ang kaluluwa." Nangangantyaw namang pagsang-ayon ng mga nasa likod niya na pawang mga kaibigan din na sina Paolo at Tricia.
Sasagot na sana siya ng may maramdaman siyang parang may kung anong sumusunod sa likod nilang magkakaibigan. Agad siyang napalingon upang kumpirmahin kung meron nga ba o baka isa na naman sa mga kaweirduhan niyang nararamdaman nitong mga nakaraang araw. Ilang beses na ba niya nararamdaman na parang may sumusunond sa kanya?Hindi na mabilang.Pagkabata pa nga ata niya eh...
I've always been weird anyways...
"Parang may sumusunod na naman sa atin?"
"Still paranoid as you always are,huh?" Pang-aasar naman ng kababata niyang si Miguel.
"Tigilan niyo nga ako!Feeling ko kasi talaga meron?"
"Baka naman gusto mo pang bumalik sa studio, tumugtog na lang ulit tayo, kaysa kung ano-ano yang iniisip mong kalokohan?Naman daw? Mag-headbang ka na lang ulit?Parang ganito oh.." singit ni Tricia habang ginagaya ang mga ginawa niya kanina sa studio.
"Tse!" Natatawa na ring wika niya sa paulit-ulit na sinasabi ng mga ito sa paraan niya ng pagkanta.The five of them were into music.Actually, they have a band. And she acts as the vocalist and the lead guitarist, Miguel in drums, Paolo in the bass, Tricia in the keys an Joseph in the rhthym guitar.
"Uuwi na nga lang ako sa "bahay" namin..Asar kayo eh.." Binigyan pa niya ng emphasis ang salitang bahay maibigay lang ang gusto niyang iparating sa mga ito.
"Hmm,,patawa pa..Loka! Siya, uwi na!Good Luck!"
And there she was in front of their so called "house".
That was never my home.
She really need the luck her friends were giving right that moment. She gave herself a sigh beefore entering their gate.
Welcome to my hell.