Jyoudai Junior High sa Shibuya. Ito ang unang araw ni Yuki Miharu bilang transferee student galing Okinawa. Nagdecide kasi ang mga magulang niyang lumipat na ng Shibuya dahil sa ang tatay niya'y magsisimula ng trabaho sa isa sa mga pabrika roon kung kaya't kinailangan niya ring sumama sa mga ito pati ang bunso niyang kapatid. Mas okay na din iyon sa tutal naman ay hindi siya mahilig makihalubilo kung kani-kanino dahil nakatuon lamang siya sa pag-aaral. Yuki wants to be a photographer someday. A popular one.
Nang pumasok siya sa classroom ay agad siyang nailang sa uri ng tingin na ibinigay sa kaniya ng mga kaklase niya. Some the boys smiled at her yung tipong pa-cute. Battling their eyelashes at her as if naman na mapapansin niya ang mga ito. Matapos niyang magpakilala ay naupo na siya sa desk na itinuro sa kaniya ng teacher nila sa may bandang likuran malapit sa bintana, then the class started.
May mangilan ngilang studyante ang kumakausap at ngumingiti sa kaniya. She smiled back and answer theirn questions. Inilibot niya ang paningin sa buong classroom ng mahagip ng mga mata niya ang lalaking nakaupo sa unahan niya. Nakapalumbaba ito at panay ang pag-ngiti paano ba naman ay nakatitig ito sa kaklase nilang babae na nasa harapan sa may tabi ng pintuan nakaupo na abala sa pakikinig sa teacher nila.
"Woa .. ganda niya ah .." manghang usal ni Yuki. Pinagmasdan na rin niya ang babaeng tinititigan ng binatang nakaupo sa harapan niya. Naka-side view lang ito pero nakita niya agad ang itsura nito. nakalugay ang maitim at hanggang baywang nitong buhok. Maputi ito at may mga mahahabang pilikmata. Matangos rin ang ilong nito.
Natawa na lang ng palihim si Yuki ng makita niyang ang katabing lalaki nito'y isinandal ang ulo sa balikat ng dalaga na ikinainis ng nasa harapan niya.
"Mga lalaki nga naman.." bulong ni Yuki sa sarili at itinuon na lamang ang atensyon sa klase.
---
Halos dalawang buwan na ang lumipas at nagiging komportoble na siya sa mga kaklae niya. Pero hindi pa rin siya katulad ng ibang studyante na panay ang hangouts pagtapos ng school hours, puro lovelife , chikahan, chismisan at kung anu-ano pa. Mas gugustuhin pa rin niyang matawag na nerd o bookworm kesa gumaya sa mga ito.
Pabalik na si Yuki sa classroom galing sa library. Doon kasi siya nagpapalipas ng lunchbreak niya matapos kumain. Naglalakad na siya sa corridor ng makita niyang may lalaking tumatakbo papasalubong sa kaniya at hindi inaasahang bumangga sa kaniya. Sa lakas ng impact ng pagkakabangga nito'y muntikan na siyang mapahiga sa sahig, mabuti na lamang at mabilis ang reflexes ng binata at agad siyang nahawakan sa baywang niya.
Tila natulala naman si Yuki ng mapansin nito kung gaano kalapit ang mukha nito sa kaniya. Mabuti na lamang at agad rin itong inalalayan siyang tumayo, humingi ng paumanhin sa kaniya at muling tumakbo papalayo. Saka lang niya napagtantong hinahabol ito ng isa sa mga teacher nila.
Nagmadali namang pumasok ng classroom si Yuki at nagtungo sa desk niya. Pumangalumbaba.
Pamilyar sa kaniya ang itsura ng lalaking nakabangga niya pero di niya maalala kung sino at kung saan niya ito nakita. Nakasalamin kasi siya at far-sighted siya kaya karamihan sa mga kaklase niya'y hindi niya kabisado ang hitsura. Inilibot niya ang paningin sa buong classroom ngunit wala sa mga kaklase niyang naroroon ang lalaking nakabangga niya. Saglit siyang nag-isip ng mapalingon siya sa desk na nasa harapan niya. Noon niya lang naalala kung sino ang lalaking kanina niya pa pinoproblema.
It's none other than Yoshida Haru ang gwapo ang genius na stalker ni Rikka Takanashi.
Namula bigla ang mukha niya ng maalala ang eksena nila ni Haru sa corridor. Tumungo siya sa desk para itago ang pamumula ng mukha niya. Maya maya lamang ay naramdaman niyang may mga kamay na pumatong sa ulo niya.
BINABASA MO ANG
MY MR. EYEGLASSES (ON-GOING)
Novela JuvenilRikka Takanashi a typical nerd who always dreamt of his "DESTINED HALF" Umaasa na darating ang araw na makikita rin niya ang lalaking para sa kaniya. But what if one day he finds out that the guy of her dreams is none other than her bestfriend Ke...