Nang i-announce ng advisor nila ang tungkol sa summer fieldtrip ay agad na nalungkot si Yuki. Isa na namang event na hindi niya makakasama ang boyfriend niyang si Haru. Nitong mga nakaraang araw lamang ay nagpaalam ito sa kaniya'y hindi muna siya nito masusundo ng mga ilang araw dahil sa sabing busy ito sa trabaho.
Eversince his father gave him the position of being the Company's CEO ay nawalan na ito ng oras para sa kaniya. Saglit niyang nilingon ang dalawang magkababata. Sigurado'y magiging masaya para sa mga ito ang magaganap na fieldtrip nila.
She sighed heavily.
"Hindi na lang siguro ako sasama." Bulong niya habang inaabala ang sarili sa pagbabasa ng libro.
Matapos magannounce ng advisor nila'y lumabas na ito ng classroom. Kinuha niya ang cellphone mula sa bulsa ng bag. Napangiti siya ng makitang nagtext si Haru but then her smile fade away ng mabasa nito ang laman ng text ng binata.
Mawawala si Haru ng isang linggo dahil may aasikasuhin daw itong proyekto sa Batangas.
Anong magagawa niya? It's part of his work so she have to understand. Ano pa't naging girlfriend siya ni Haru kung pati iyon ay hindi niya kayang intindihin. Hindi siya pupwedeng magreklamo dahil alam niya kung gaano kahirap ang ginagawa nito but still, hindi pa rin siya mapanatag lalo na't sa susunod na linggo na ang fifth anniversary nila..
"Nakalimutan na ba niya?" Malungkot na tanong niya sa sarili. Ayaw niyang tanungin ang nobyo dahil baka magalit ito.
"Bahala na.." pangungumbinsi niya sa sarili. Nireplayan niya ang text ni Haru saka muling ibinalik ang atensyon sa binabasang libro.
---
Nasa locker si Yuki at nagpapalit na ng sapatos ng lapitan siya ni Rikka. Tapos na klase kaya't nagsisiuwian na ang mga studyante ng M.U.
"Kain ulit tayo Yuki. Agot daw ni Kei." Bungad sa kaniya ni Rikka. Napangiti na lang siya.
"Sure, mas masarap ang pagkain lalo na pag libre." She laughed. Thankful siya't andyan sina Rikka at kei atleast bawas lungkot pag hindi niya nakikita ang kasintahan.
Papalabas na sila ng Campus ng gate ng magsalita si Kei, nananatili pa rin itong nakaharap sa bianabasang libro.
"Pansin kong ilang araw ka ng hindi sinusundo ni Haru na mahangin? Anong nangyari?"
"Oo nga, napansin ko din." Dugtong pa ni Rikka.
"Busy sa work eh. Kwento ko sainyo yung detalye pagdating natin sa resto."
Tumango naman ang dalawa.
Nang makarating sila sa fastfood chain ay agad silang nag-order ng makakain at pumwesto sa couch sa tabi ng bintana then Yuki started telling them the whole story.
Four days left at anniversary na nila ni Haru. It's March 5 at 9 ang exact anniversary date nila ng nobyo.
Madalang na ito kung magtext o tumawag sa kaniya. Minsan ay magtetext lamang ito para kamustahin siya at tanungin kung kumakain ba siya sa tamang oras pero sunod 'non ay hindi na ulit ito magpaparamdam. Hindi pa ito nagbabanggit ng kung ano tungkol sa anniv. nila and it makes her sad.
Wala silang pasok ngayong araw na ito at hindi niya maistorbo ang dalawang magkababata dahil alam niyang may lakad din ang mga ito kung kaya't naisipan na lang niyang maglinis ng buong bahay nila.
Yuki and Haru get to know each other nang magkabanggaan sila sa corridor ng school noong junior high pa lamang sila. Tumatakbo ito dahil sa hinahabol ito ng isa sa mga teachers nila dahil sa sobrang pagiging pasaway nito. Nakilala niya si haru noon dahil sa naging stalker/admirer ito ni Rikka. Masyado pa nga itong pahalata dahil panay ang pagpapapansin nito kay Rikka. Nasa iisang section lang silang apat noon.
Paano napunta sa kaniya ang atensyon ni Haru? simple lang ..
It was when she confessed her feelings for him 'nung christmas. Despite him being Rikka's stalker/admirer ay nagtapat pa rin siya rito. Hindi niya alam pero simula ng magkabanggaan sila ng araw na iyon ay nakuha na agad nito ang puso niya. It was love at first sight.
Good thing for her dahil simula ng magtapat siya sa binata'y tumigil na ito sa paghahabol kay Rikka and his attention went all to her.
---
Natapos na ang buong araw ni Yuki ng hindi man lang nakausap ang kasintahan. Mukha ngang busy ito kaya't hahayaan na lamang niya muna ito at aantayin na lang niya ang tawag nito.
March 9
Here it is. Ang araw na pinakaaasam at kinakatakutan ni Yuki, their anniversary day pero hindi pa rin nagpaparamdam si Haru sa kaniya. Lunch break na at nasa rooftop siya kasama sina Rikka at Kei.
"Nabati ka man lang ba niya?" nag-aalalang tanong ni Rikka sa kaniya. Umiling na lamang siya bilang pagsagot. Hindi, Hindi pa siya binabati ng nobyo kahit sa text man lang.
"Stop thinking of negative things baka naman busy nga talaga siya kaya ganyang hindi siya nagpaparamdam sa'yo. You'll just have to wait for him. Ngayon lang ba nangyari 'tong ganito?"
"Oo kaya nga sobrang down ako kasi first time naming hindi magsecelebrate ng anniversary." Yuki answered in a sad tone.
Rikka patted her back. She wanted to cry pero pinipigilan niya lang ang sarili. She don't want others to see her weak side, lalo na't si haru ang isa sa mga kahinaan niya.
After lunch break, the class resumed. Matapos ang subject nila'y nag announce ang professor nila na maaari na silang umuwi due to some reasons daw. Kahit papaano'y natuwa siya dahil gusto na lamang niya magpahinga at manatili sa kwarto niya. nagpaalam na siyang mauuna sa dalawa at papalabas na siya ng Campus ng mapansin niyang may puting sasakyan na nakaparada sa harapan ng gate. Ayaw niyang isiping kay Haru iyon kung kaya't nilagpasan niya ang sasakyan. Agad namang nagbukas ang pinto niyon at may kung sinong humila sa mga braso niya.
To be continued ...
BINABASA MO ANG
MY MR. EYEGLASSES (ON-GOING)
Teen FictionRikka Takanashi a typical nerd who always dreamt of his "DESTINED HALF" Umaasa na darating ang araw na makikita rin niya ang lalaking para sa kaniya. But what if one day he finds out that the guy of her dreams is none other than her bestfriend Ke...