Pupunta na sana ako sa klase ko ng may narinig akong usap usapan.
Girl 1: totoo ba yung balita na si Cedrick yung basketball player ay napag utusan lang na paligawan kay Vice President at ito pa ang masama yung mga kaibigan niya pa ang nagsabi nun.
Girl 2: ewan ko, tanong kaya natin sa iba?
Di ko na natiis ang ganoong pangyayari kaya pumunta na lang ako sa cr para makapaghilamos dahil feeling ko may pumatak ng luha sa mga mata ko.
Papasok pa lang ako ng bigla kong marinig ang boses ni bestie
Donna: sasabihin ba natin sa kanya ang totoo?
Ronalyn: pero baka masaktan lang siya ng sobra di ba?
Sheryl: wag na natin sabihin sa kanya
Monique: (binatukan si sheryl) pano yun di mas masakit pa kung sa iba nila malalaman di ba.
Angela: pero anong ipapaliwanag natin sa kanya?
Donna: unang una gustong makipagbati ni Cedrick at padalawa naaawa lang tayo sa kanya dahil wala pa siyang boyfriend.
Pero sabihin ba natin sa kanya, tiyak mauunawaan naman niya siguro tayo.Justine: di nyo na kailangang sabihin sa akin. Narinig ko ang lahat!
Tumakbo ako palayo at di ko alam kung saan pupunta?