C H A P T E R 19---
-YOORI's POV-
Pagkatapos ng aming klase. nagmadali na akong lumabas ng room para puntahan si Shon sa room nya.
Narinig ko pang tinawag ako ni Qian nung palabas ako ng room. pero hndi ko na muna sya pinansin.
Kailangan ko talagang makausap si Shon bago ako mabaliw ng tuluyan.
Malapit na ako sa room nina Shon nang makita ko si Miaka.
Teka. Anong ginagawa nya sa labas ng room nina Shon? Napahinto ako
di kaya, hinihintay nya si Shon? Pero bakit naman? 0o nga, crush nya si Shon pero bakit naman parang ang lakas ng loob nyang hintayin si Shon na lumabas ng room.
Psh. Whatever.
Palapit na ako sa kanya nang makita nya ako. Parang nagulat pa sya bago nagsalita "uh. Yoori" ngumiti naman.
Tinignan ko lang sya at tumayo din sa may railings malapit kay Miaka. Sa tapat kami ng room ni Shon. Nagkaklase pa sila.
"So, ano na?" salita ko
"A-anong ano na?" pagtatakang tanong nya .kunwari hndi nya na'gets yung tanong ko. Hindi nga ba?
notice: may hawak syang bulaklak.
"kamusta naman ang panliligaw mo kay Shon?" tanong ko
"pa-panliligaw?" mejo nagreact sya.
Tinignan ko sya "hindi nga ba?" tinignan ko yung flowers. At parang sinasabi, e ano yan? Pero hndi ko na yon inemphasize pa.
"ahh ' eto ba?! :'D" inangat nya yung flower. Tapos mejo tumawa "para 'to sa gagawin kong project mamaya. Gawin kong design yung mga fetals"
ganun naman pala.
Akala ko, babae na talaga ngayon ang nanliligaw. "e bakit ka nga pala nandito?"
"Ah. Kasi..." tapos may kinuha sya mula sa pocket ng coat nya. May coat yung uniform namin. Sa loob ay white blouse. Korean uniform eh.
"ibabalik ko lang kasi 'to sa kanya" saad nya, panyo ang pinakita sa akin. At kay Shon yung panyo.
Pano namang napunta kay Miaka ang panyo? Wow ha. kailan sila nagkamoment na napahiraman sya ni Shon ng panyo?
tatanungin ko pa sana pero napatingin na kami sa mga nagsilabasang kaklase ni Shon. Sa wakas. Uwian na rin nila.
Palabas na si Shon "Shon! Shon.. gusto mo sabay na tayong umuwi?" dalawang babaeng classmate nya ang lumapit sa kanya.
Hindi sumagot si Shon at parang walang balak pansinin yung girl. Inilagay lang yung headphone sa tenga nya. Kawawa naman si girl wahaha.
biglang pumwesto yung girl sa unahan ni Shon tapos muling nagsalita "bakit ba ganyan ka?! pag kinakausap ka hndi ka sumasagot. pag nilalapitan kita. Umiiwas ka. Ano bang problema mo. Napaka manhid mo.."
halla! ume eksena si girl. Luma na yang style mo kung para kay Shon. suplado yan. hndi ka tatalabin. haha
nakatingin lang sa kanya si Shon at parang nagtataka.
"G-girlfriend nya ba yon Yoori?" tanong ni Miaka
akmang maglalakad na uli si Shon nang magsalita yung girl "oh sige! may aaminin ako sayo.." hinawakan nya pa forearm ni Shon nyan. Napalingon ulit sa kanya si Shon
parang naiirita na si bestfriend ah. sarap hampasin nang babaeng yon. Kala nya siguro walang nakakarinig sa kanya. hello? Ano naman kayang aaminin nya
BINABASA MO ANG
He's Not You
Teen FictionPatay na si Aaron na kasintahan ni Yoori. Lumipas ang taon, si Yoori ay nakatagpo ng kamukha ni Aaron. Na ang pangalan ay si Qian na isang gangster.