"How about girlfriend. Meron?"
Tumingin sa akin si Qian bago sumagot. "Ahmm. Wala"
Tinignan ako ni mama. Problema nya? Hindi na nga ako sumasabat.
"Aahm.. Narinig ko kanina na.. Tinawag mong wifey ang anak ko? Akala ko nga nag asawa na 'tong batang 'to eh. Ang weird nyo lang hah"
Muntik na akong mabulunan pagkarinig ko nun.
Mejo natigilan din si Qian at napatingin saglit sa akin bago nakapagsalita "ah. Haha. W-wala po yu--"
"Pang aasar nya lang sakin yun. Pwede ba 'ma, stop questioning him. Di na makakakain ang tao sa inyo eh. Tsaka gusto ko nang magpahinga. After nyong kumain. Umuwi na kayo"
"Tsk. Tsk. 'tong batang 'to oh. Kahit kailan talaga. Bumabait ka lang pag andyan kuya mo. Teka nga, binibisita ka naman ba nya dito?" Luh. Kung magsalita parang 'sya?' lagi akong binibisita. E hindi naman ah.
Sa totoo lang. Kanina ko pa iniisip kung okay na ba o hindi pa ang problema ni mama at papa. Di pa ako ina'update ni kuya tungkol dun eh. Ayoko namang tanungin si mama. Isipin pa nito, apektado ako. Bahala nga sa kanila. Di rin naman ako pinapakinggan. Away pa rin sila ng away ni papa kung gusto nila.
"Tsk. Mas madalas akong bisitahin ni Kuya. Okay yun eh, naaalala ako lagi. Di tulad nyo ni papa, sarili nyo lang iniisip nyo" Tumayo ako. Tapos na rin naman akong kumain eh. "Sa kwarto lang ako. Paki lock na lang ng pinto pag alis nyo" Tinignan ko pa saglit si Qian.
Paalis na ako. Narinig ko pang sinabi ni mama kay Qian "Pasensya ka na sa batang yon.. Tara kain tayo nang makauwi na. Hehe. Sya nga pala san ka ng nakatira?"
Dedma portion ang drama ko kay Mama. Lagi naman eh.
Pagdating ko nang kwarto. Soundtrip lang ako matapos kong mag half bath at mag toothbrush.
Tumingin ako sa orasan. Nakauwi na kaya si mama? Bumuntong hininga ako. Sana...
.
.
Napatingin ako sa pinto nang may kumatok ng tatlong beses. Akala ko si mama pero pagbukas ng pinto. Mangiting mukha ni Qian ang nakita ko.
Pumasok sya ng konti at nagsalita "Gusto mo ng kausap?" He asked.
Bakit ganito? Pakiramdam ko. Kailangan ko talaga ng kausap.
Pumasok sya ng tuluyan tapos nagsalita ulit "Umalis na yung mama mo. Inisip nya baka tulog ka na. Kaya hndi na sya nagpunta dito"
Ganon. Hindi ba alam ni mama nah mas okay sa akin kung maisip nya man lang akong puntahan dito, at kahit tulog man ako, mapagmasdan nya man lang at maisip na Anak nya pa rin ako tulad nung baby pa ako na inaalagaan nya noon. Ako pa rin yung batang lagi nyang kinukumusta. Kung ok lang ba ako? Kung kamusta pag-aaral ko? Nakakakain naman ba ako ng maayos? Wala ba akong problema? Hindi ba ako malungkot pag wala sila sa tabi ko ni dad? 0k lang ba sa akin na hindi sila nagpapansinan ni dad?
Kanina.
Ni isa sa mga tanong na yan. Hindi nya man lang naitanong sa'kin. Minsan talaga hindi ko na alam kung ano ba talaga ako sa kanya.
.
Napatingin uli ako kay Qian nang magsalita sya "Ito ba si Aaron?" hawak nya ang photo frame na sa side table ko nilalagay.
Hindi ko pa rin magawang nagsalita. Wala eh. Ang lungkot ko talaga ngayon. Plus naaalala ko na naman si Aaron.
"Kamukha ko nga. Pero mas gwapo naman ako sa kanya"
Ang yabang nya. "Bitawan mo nga yan. Bumalik ka na sa condo mo" Wala sa boses ko ang sigla. Ang lungkot pa rin.
Nilagay nya uli sa side table ang photo frame "Biro lang" Mejo ngumiti sya at umupo sa kama kung nasaan ako.
"Alam mo. Ang daldal ng mama mo. Ang bait pa. Sabi nya, madalas ka raw talagang magtampo sa kanya. Ganyan din ako sa parents ko"
Tinignan ko sya ng deretso sa mata "Ano namang problema mo sa parents mo?" Tanong ko.
.
Bumuntong hininga sya at nagsalita expresionless "Hindi ko alam. Madalas, hindi ko lang maramdaman na may mga magulang ako. Puro bussiness inaatupag nila" Ngumiti sya na para bang hindi nya pinoproblema ang sinabi nya. Pero ramdam ko sya. "May kuya ka pala noh?"
Tumango ako at nagsalita "Alam mo bang kahit ganun ako kay mama. Mahal na mahal ko pa rin yon. Nung pinapauwi ko sya, gusto ko pa ring maisip nya na, kailangan ko sya dito"
.
"Ang lungkot kasi.. Ang lungkot mag-isa.." naramdaman ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko. I really miss my family. Yung tulad ng dati, masaya kami sa iisang bahay. Nag aasaran kami ni Kuya lagi pero ang sweet sweet nya pa rin. Tapos, tatawanin kami ni mama at papa kapag hindi ko mahabol habol si kuya para gantihan.
Hindi umimik si Qian sa halip. Naramdaman ko na lang na niyakap nya ako at hinahaplos ang likod ko. Hinahayaan nya akong umiyak o pinapatahan.
Mas lalo akong umiyak. Nang maisip ko na sana...
Si Aaron ang yumayakap sa akin ngayon. Namimiss ko sya. Sobrang namimiss ko sya at this moment.
---
BINABASA MO ANG
He's Not You
Teen FictionPatay na si Aaron na kasintahan ni Yoori. Lumipas ang taon, si Yoori ay nakatagpo ng kamukha ni Aaron. Na ang pangalan ay si Qian na isang gangster.