Chapter 20 "Your Dead"

761 20 1
                                    

A/N; sorry po sa late na namang pag-update .hehe. mobile user kasi po ako. Sa net shot talaga ako nag publish ngayon. hahaha effort! LOL

C H A P T E R - 20

Katatapos lang mag luto ni Yoori ng almusal. Inihanda nya na ito sa lamesa pagkatapos pinuntahan ulit si Miaka sa kwarto. Malamang natutulog pa yon.

Pagpasok ni Yoori sa kwarto nya. Nakita nyang gising na si Miaka, nakaupo pero parang wala pa rin sa wisyo.

Minamasdan nya ang paligid na parang tina-tandaan kung nasaan sya ngayon at kung anong nangyari sa kanya. Nakaramdam pa kasi sya ng sakit ng ulo.

"gising ka na pala.." lumapit sa kanya si Yoori

tinignan nya sandali si Yoori at nang maalala ni Miaka ang ginawang pagligtas sa kanya ni Yoori kagabi, at yung dahil nagselos sya kahapon kay Yoori dahil iniwan lang sya at hndi man lang sya napansin ni Shon. Nasaktan sya kaya naisip nyang maglasing.

Napayuko sya at hndi makatingin kay Yoori.

Nanghihinayang sya dahil sa kabila ng lahat. Si Yoori pa ang nagligtas sa kanya kagabi. Hindi nya man lubos maisip kung paano nagawa ni Yoori ang patumbahin yung mga perv sa bar, pero nasisiguro nya, na kung hindi dahil kay Yoori. Baka hindi na nya alam ang mangyayari sa kanya pagkatapos ng gabing yon.

Nahihiya din sya ngayon kay Yoori. Damit ni Yoori ang suot nya ngayon. Pinahiraman ito ni Yoori kagabi.

umupo si Yoori sa gilid ng kama para kamustahin ng tingin si Miaka. Napansin nyang parang umiiwas lang ito ng tingin at nakayuko.

Ano ba talagang problema ng babaeng 'to... Tss. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip isip kung bakit nya naisip ang uminom.

"kumusta naman pakiramdam mo?"

"okay ka na ba?" tanong nya

mejo matagal bago nagsalita si Miaka

"Ok lang ako.." inangat nya ang ulo nya at muling nagsalita "Salamat ulit, Yoori..."

"tss. Babaeng 'to. Tumayo ka na dyan. Mag bbreakfast na tayo.." tatayo na sana nyan si Yoori pero nalingon nya ulit si Miaka nang hawakan sya nito sa wrist.

??

"nagkamali ako.." salita nya nang hndi nakatingin kay Yoori. Hawak nya pa rin si Yoori nyan.

"mali na,, nagpadala ako sa emosyon ko kahapon.."

"ano ba kasing problema mo? Huh? Tapos naglasing ka pa sa bar. Alam mo bang nakakainis ka? Hah? Pano na lang kung walang nagligtas sayo nun?...hirap sayo masyado kang gaga" humarap uli sa kanya si Yoori nyan. Inis kasi sya sa mga taong nagpapakahina, nag alala sya ng husto kagabi kaya sya naiinis.

Nakaramdam ng kirot sa puso si Miaka sa sinabi ni Yoori pero nararamdaman nya pa rin ang pag-aalala sa mga sinabi nito kaya inintindi na lang nyang tinawag syang 'gaga

Gaga nga talaga ako. Matagal na matagal na.

Tumingin sya kay Yoori "kung hindi dahil sayo. hindi ko na alam kung saan ako pupulutin ngayon.. Kaya, nagpapasalamat ako sayo, Yoori" ayaw na ring sabihin ni Miaka ang dahilan ng paglalasing nya dahil alam nyang wala naman syang mapapala at sa laki ba naman ng utang na loob nya kay Yoori. Minabuti nya na lang intindihin ang lahat.

"tss. Sapakin kaya kita dyan. Sa susunod na maglasing ka. Bahala ka na sa buhay mo. Hindi kita tinulungan non, ayoko lang talaga na may estudyanteng technote sa loob ng bar na yon. Nakakasira yun ng image ng school. Tapos dun ka pa nagpunta. Ewan ko sayo. Tumayo ka na dyan. Wala akong panahon makipag usap sayo. Pagkatapos nating magbreakfast punta na ko school.." palabas na sya ng kwarto habang sinasabi ang mga yan.

He's Not YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon