27. Be Happy

575 17 0
                                    

[Paw. Saan ka? Andito ako sa Dark27 ngayon. Text me kung andito ka rin..] *SENDING MESSAGE*

Matapos kong itext si Paw, ibinalik ko na sa sling bag ko yung phone. Tumingin ulit ako sa paligid

Nakaupo lang ako ngayon na nanonood ng racing. Mejo maingay. Yung iba kasi, nagpupustahan sa laban nung 'kaibigan din daw ni Qian. I forgot the name. Di ko pa kasi sila nakita.

Nasa tabi ko si Kiel at Ivan, nagti-cheer para dun sa dalawa. Magkaiba sila ng kinakampihan, dinig ko kanina may pustahan pa sila.

Yung totoo. Kahit tumatahimik ako, nag e-enjoy pa rin ako sa panonood. Naalala ko nung sumabak ako sa car racing. 5 months ago na atah yon. Kotse ni Paw yung ginamit ko. Nakipag race ako.

Tapos nung nalaman ni Shon, sinumbong ako kay kuya. Kaya lalo tuloy akong hinigpitan ni kuya na magkaroon ng sariling kotse. Nag away pa kami ni Shon matapos nya akong isumbong, e syempre naman bestfriend ko sya tapos sya pa ang nagsumbong.

Napa buntong hininga ako. Kailan kaya ako payagan ni kuya na bumili ng kotse? Naman kasi e >

"0kay ka lang? Baka nabobored ka na?" Natauhan ako sa kaka-isip ko ng dreamcar ko nang magsalita ang katabi ko, si Qian. Tapos sa tabi ni Qian yung yellow hair na tahimik lang din. Bale, nasa gitna namin si Qian.

"Uh." Napatango ako ng di oras "Masaya nga eh" Mejo ngumiti pa ko nyan.

"Hehe. Sabi ko na sayo eh. Alam mo ba, dito yung lugar na lagi kong pinupuntahan pag may problema ako. Masaya kasi yung mga tao dito"

Tama sya. Halos lahat kasi ng tao dito. Nag e enjoy. Teka, "May problema ka ba?" Bigla kong natanong

"Wala. Gusto ko lang talaga pumunta dito na kasama ka.."

Sarap nyang batukan. Anong ibig nyang sabihin. Ang weird nya.

"Gusto ko kasi.." Muli syang nagsalita.

"Kalimutan mo muna yung mga problema mo... Yung nagpapalungkot sayo... Maging masaya ka naman kahit sandali.."

Napaisip ako. "Palagi ba akong malungkot?.." Tanong ko kahit sa sarili ko, alam ko na yung sagot.

.

.

"Yes! Yes! Panalo!! Woooh!!hahaha! Panalo si Decks! Yes!" Grabe makasigaw. Hindi ako nagulat kay Kiel -_- sarap nyang itimpla sa mainit na tubig.

"Yes! Pano ba yan Ivan! Talo ka sa pustahan! Yung favorite guitar mo pa naman ang ipinusta mo! Bwaahahaha! Mag goodbye ka na don!" Lakas pang tumawa. Ene be?

"0y ano ka!? Nagbibiro lang ako! Sabi ko yung blue car ko ang ipupusta ko! Yun na lang kunin mo. Wag yung guitar" Ano ulit?

Napatingin ako sa kanilang dalawa.

"Wahoho! Daya mo! Sabi mo yung guitar. Marami na 'kong kotse kaya di ko kailangan ang blue car mo! Bahala ka. Sa akin na ngayon yung guitar! Yehahaha!"

"Brand new pa yung car! Dagdag na rin yun sa collection mo. Please wag yung guitar ko"

Grabe. Gaano ba kayaman ang mga nilalang na 'to?

"Hoy! Ang ingay ingay nyo. Natutuwa pa kayo dyan sa pagkatalo ko hah?!" Napatingin kami sa nagsalita na kakasulpot lang.

Nee^^ ang cute nya. Di ko alam pero napansin ko kaagad na cute sya. Yellow din ang kulay ng buhok nya. Parehas sila ni yellow hair kaso yung kay yellow hair, naka-hair-up yung style. Tapos yung kay cute bagsak lang tas may bangs.

Tinignan ko yung kasama ni cute na may dalang helmet. Naka leather jacket ito at sobra naman kung maka-eyeliner! Wala eh. Iba tuloy yung dating ng mata nya.

.

"Jeremeeeeey!!!" Biglang sinugod ni Ivan yung cute.

.

"Humanda ka sakin! Bakit ka nagpatalo hah! Naipusta ko pa naman yung favorite guitar ko..!"

"Eh! Naiihi kasi ako eh! Kaya di ako nakapag concentrate! Aray naman! Tama na anu ba!"

Mejo natawa ako sa sinabi nyang dahilan.

"Decks. Panalo ka na naman.." - Qian

Ah. Eto si Decks? yung maka-eyeliner wagas.

Tapos si Jeremy atah yung nire-restling ni Ivan ngayon. Rambulan ang dalawa eh. Normal pa naman atah.

Umupo lang si Decks. Mukang suplado eer >

.

"Yoohoohoow!! Ang galing mo Decks. Hahaha!.." -Kiel

"Lagi naman"

wow. Brave -__-

"Kanina ka pa dito, Brex?" -Decks.

Teka. Sinong Brex?

"0o.." -Qian

Si Qian? si Brex? May ibang name pala ang mokong na 'to ah.

.

Tumingin saglit sakin si Decks "Girlfriend mo?" Tanong nya kay Qian

Grabe, muka ba kong girlfriend? ~_~

"Aaah.. Oo, girlfriend ko :)" -Qian

*Gulph* 0.0!

Ano yun? O__O

Napatingin ako sa kanya ng ganito ()__()?! Kunot noo pa a sign of 'ANO DAW!? Parang nabingi kasi ako dun eh.

Tumawa si Qian "Biro lang. Haha"

"0kay. Biro naman pala eh. Akala ko masyado ka nang feeling. Haha" Tumawa pa ko ng peke.

"Feeling mo rin naman. Haha. Di ako nagbibiro noh.."

"Ano--"

"Ehm!!. Yung totoo?" Biglang singit ni Kiel.

Tinignan ko sya "Tsusero ka?"

"Aray!! Tagos! Haha. Ano ka ngayon Kiel?" Natatawang sabat ni Ivan. Tapos na pala yung rambulan nila ni Jeremy.

He's Not YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon