*Chp. 30.5
---
Hinawi nya ang buhok ko kaya naman nakita nya na ang mga luha kong hirap pigilan.
Biglang pinasan ko sa dibdib nya ang ulo ko. Pero hindi ko sya niyakap ah. Gusto ko lang umiyak. Gusto kong umiyak.
Humihikbi na ako "Nakakainis sya. Nakakainis sya. Nakakainis sya" mahina kong hinahampas ang mga balikat o dibdib ni Qian "Nakakainis.. Iniwan nya ako... Nakakainis. Nakakainis kasi alam kong wala na sya pero hinahanap ko pa rin sya"
Patuloy lang ako sa pag iyak. Gusto ko lang ilabas. "Nahihirapan na akong pigilan ang mga luha ko.. Mahal na mahal ko sya pero hindi ko na sya makakasama! Nakakainis Qian bakit ganito? Bakit nya ko iniwan? Sabi nya walang iwanan. Sabi nya walang iwanan *crying*" T_T!
"Tama na.." hinahaplos nya ang likod ko.
"Sabi nya walang iwanan.. Huhu nakakainis, gusto ko pa syang makasama" T^T
"Tama na ssssh... Sigurado naman akong hindi ka nya iniwan. Siguro kung nabubuhay pa sya ngayon at nakikita ka nyang umiiyak ng ganyan. Malulungkot sya. Kaya tahan na, wag mong isiping iniwan ka nya. Alam ko binabantayan ka nya palagi.. Wag ka nang umiyak."
Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa kanya "Sorry." pinahid ko ang mga luha ko "Nadala lang ako ng emosyon ko" maglalakad na sana muna ako paalis sa tabi nya pero bigla nyang hinawakan ang wrist ko kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Nandito lang ako" salita nya nang di nakatingin sa akin.
"Uhm.. I know" pinabitaw ko na ang pulso ko at patuloy sa paglakad papasok ng bah---
Teka... Napahinto ako nang makita si Any at si lola nagtatago sa pinto. Tila nagulat pa sila ng makita ako
Kunot noong tinignan ko sila. Halata kong nakita nila yung pag-iyak ko don. Narinig nila yung mga sinabi ko. Tss, mga tsusera.
"Ah, hija. Halata kong may problema ka" salita ni tanda
malamang! Nakiosyoso kayo eh. Hays grabe talga. Tinignan ko si Any, oh? Ba't parang di alam ang sasabihin.
Nilagpasan ko na lang sila at naupo ako sa may gilid. Di ko rin naman kasi alam kung saan ako lulugar dito eh. Maliit ang bahay saka masyadong malamig kasi walang heater.
Nakakainis talaga hindi ako komportable kasi naman dapat kanina pa ako nagpalit ng damit pero dahil nga wala akong damit dito. Baka magtiis ako nito hanggang umaga.
Naupo lang ako dito sa may sulok at napaisip. Ano bang ginawa ko? Ano na kayang iniisip ni Qian sakin ngayon? Nakaiyak talaga ako, kasi naman eh.
"Eto oh," Biglang naiangat ko ang paningin ko sa inabot sa aking towel.
"Baka kailangan mo kung sakali. Eto oh, damit ko yan. Suotin mo na rin pansamantala" seriously si Any? Anyare at nagiba atah ang kilos ng babaeng 'to? Ngumingiti pa.
Tinignan ko lang sya.
"Wag ka nang maarte, malinis ang mga 'to. Kunin mo na"
Hindi pa rin ako umimik.
Biglang nagsalita na naman sya "Hays. Naiintindihan ko kung ayaw mo. Arte nito"
---
Matapos kong mag halfbath. Suot ko na ngayon ang oh-so-baduy na damit na pinahiram sa akin. No choice eh, ganito ba talaga ang mga damit ng babaeng 'to? Pang matanda eh. Ang laki ng pajama tapos yung t-shirt na malaki na color orange. 0range pa talaga. Preso ang labas ko nito eh.
"Ayan.. Bagay naman pala sayo eh. Pakipot ka pa kanina hehe!"
"Pwede ba?" >< sita ko sa kanya habang pinofonytale ko pataas ang buhok ko.
"Ahehe! Tabi tayo mamaya matulog ah. Hehe! Di ko alam nakakatuwa ka pa rin pala kapag hindi pangmayaman ang suot mo"
"Hano?! Tss, umalis ka nga sa tabi ko."
"Ang sama talaga ng ugali mo. Kwarto ko 'to noh, wala kang choice tabi tayo sa kama. Teka!"
lumapit sya sakin. At tumingin sa dibdib ko.
"H-anong ginagawa mo Any?" kung makatitig naman sya sa dibdib ko parang... T-teka! Tomboy ba 'to?! 0.0
Biglang tinakpan ko ng arm ko ang dibdib ko.
"H-hoy! Pinagnanasaan mo ba 'ko?!"
Tumingin sya bigla sa mukha ko at saka pa tumawa na parang di makapaniwala "Haha. Anong sabi mo?. Haha. Patawa ka rin ano. Mukha neto.."
"E bakit panay ang titig mo s-sa-- tss. Wag na nga lang!" ibinaba ko ang kamay ko at saka tumalikod na lang paalis. Sira ulo kasi atah ang probinsyanang 'to eh.
"Sandale." sabi nya bigla
napatigil ako nilingon sya na parang nagtatanong ng Baket?
"Yung pendant ng necklace mo. Familiar saken. May kaparehas ba yan?"
"Ah eto" hawak sa pendant, "Isa lang ang ka pair nito. Bukod don wala na.." Bracelet ni Aaron lang ang kaparehas ng pendant na 'to. Natitiyak ko yan kasi si Aaron mismo ang nagpadesign nito.
"Teka nga.. *isip isip* Parang may nakita na akong ganyang pendant *isip isip* San ba?..."
"Imposible ang sinasabi mo. Matagal ng wala ang bracelet na kaparehas nitong pendant."
"Bracelet?"
"Hay ang kulit!" naglakad na lang ulit ako palabas ng kwarto nya.
"T-teka!"
Hindi ko na sya pinansin. Nagderetso ako sa kusina para uminom ng tubig.
--->
A/N: I need feedbacks. Thankyou haha.
BINABASA MO ANG
He's Not You
Teen FictionPatay na si Aaron na kasintahan ni Yoori. Lumipas ang taon, si Yoori ay nakatagpo ng kamukha ni Aaron. Na ang pangalan ay si Qian na isang gangster.