32. My Past

714 17 5
                                    

 A/N: See the picture on the side? hahaha yan yung pinaghirapan ko dahil na trip kong mag draw ng anime version of the Death Shadow.  Ge. Magbasa na kayo hihih salamat.

*Qian's P0V

"Anong sabi mo?! Wala ka nang balak magtransfer ulit dito?" bulalas ni Jeremy

"Kaya nyo naman dito kahit wala ako diba? Saka--"

"You're the leader of Death Shadow. So bakit ganyan ang desisyon mo? Nakalimutan mo na bang dito sa school na 'to nabuo ang grupo? Brex, wag naman ganyan.." - Kiel

"Isa pa, sinabi mo samin na hindi ka magtatagal sa Tech Note School. Pinagbigyan mo lang ang gusto ng dad mo sayo. So what happen? Wala na sa korea ang dad mo. You can do what you want" - Ivan

"Hay ano ba kay--"

"He's inlove with Yoori. That's why he don't wanna leave that bored school" biglang sabat ni Jb

Teka. Akala ko ba natutulog sya? Nakahilata kasi sya sa sofa, at naka headphone habang nakapikit ang mata. Kahit kailan talaga keen observer 'to!

"Aah. Si Yoori?! Yung girlfriend mo?!" - Jeremy

napangiti ako ng di sadya. Oo nga pala, napaniwala ko pa silang gf ko si Yoori. Sound's good.

"Hassh! Grabe! Hindi ko 'to inaasahan. Pero kahit na Brex, pwede mo naman syang bisitahin don anytime. Dito ka na lang ulit pumasok! Hindi pwedeng hindi ka laging nandito. Tandaan mo na ikaw ang leader!"

"Hmm... Dahil ba, ako ang leader? Kaya dapat talaga dito ulit ako pumasok?"

"Ganon nga."

"E kung mag quit ako as leader?"

"Ano?!!" 0.0 -jeremy

"You can't" sagot ni Jb tapos umupo na sya at tinignan ako

"Tandaan mo. Marami pa tayong mission. Kilala ko si Yoori, kung pwede sana ngayon pa lang iwasan mo na sya, alam ko rin kung ano lang talaga ang namamagitan sa inyo ngayon. Brex, marami ka pang hindi nalalaman."

"Anong ibig mong sabihin? An--"

Bigla syang tumayo, kinuha ang coat nya at sinuot "The Animated Wisdom. Isa pa yan sa mga mission natin. I'll go ahead"

"Uy Jb! Aalis ka? Teka... Sama ako...hehe" sumunod sa kanya si Jeremy.

Tsk. Iniisip atah ni Jb, naging iresponsible na ako sa mga mission. Syempre hindi ko nakakalimutan yon noh.

"Psh. Teka nga, nasan si Decks?"

"Siguro nasa car racing. Kanina pa wala eh. Alam mo naman 'yon. Laging gustong mag-isa" Kiel

"Ey Brex. Talaga bang hindi ka na magta transfer dito sa fontallion school? Masaya naman dito ah" -Ivan

"Hm. Pag-iisipan ko na lang muna"

---

*Yoori's P0V

Bukas na ang birthday celebration ni Shon. So excited ako. Nasa mall kami ni Miaka ngayon. Naisip ko kasing, tulungan sya ng husto para mapansin ni Shon ang natatagong beauty nya. This is her chance, kasi ininvite din naman sya ni Shon sa party. You know feeling ko, may gusto na si Shon sa kanya. Naalala ko yung sinabi ni Shon kanina

"Kinakabahan ako bukas. Sana hindi ako irereject ng taong gusto ko. Yoori, whatever happen. Andyan ka pa rin naman para sakin diba?"

"Ano ka ba Shon! Syempre naman. I'll support you. Wag kang kabahan. Hm, sa gwapo mong yan kakabahan ka pa"

He's Not YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon