DCG: Text

1.5K 69 11
                                    


" Brad! Kinuha niya number ko! Kinuha niya! " sigaw ko sa kanya at inalog si Jepoy.

" Heh! nangiinggit ka leshe ka! " sigaw niya sa'kin at umupo sa upuan asa may sari-sari store ni Aling Teresa.

" Ate pabili ng pepsi! Brad, di ako nangiinggit sa gwapo kong 'to pati artista at pangarap ng kalalakihan ay nagkakandarapa sa kagwapuhan ko. " pag-mayabang ko. Binatukan niya ako at kinuha ang pepsi ko. " Oy! " sigaw ko at kinuha mula sa kanya ang pepsi ko.

" Ang hangin mo brad! Pakyu! " sigaw niya sa'kin. Hay nako.

" Bro. "

" Bro. "

" Kingina mo! " sigaw niya at tumawa. Kingina nito. Naubos ko na yung pepsi ko at tumayo.

" Ate, ilista mo nalang yun sa utang ko. Orayt? " nag-thumbs up si ate teresa sa'kin at nag-wink ako sa kanya. Gwapo 'ko.

* message ringtone*

" Oy teka lang. " huminto ako at kinuha ang cellphone ko mula sa bulsa ko. " ano yan? " tumabi si Jepoy sa akin at tumingin sa cellphone ko.

From: 0927*******

Hi! It's me Chanel. Meet up tomorrow at the cafe near the studio. Are u fine with it?

" Brad nosebleed. Sino ba yan? "

" Chanel daw. " sagot ko. Sinong Chanel?

" Mag-reply ka! " sigaw ni Jepoy sa'kin.

" Oo na teka! "

To: 0927*******

sIn0 pH03xCz iT0? I d0n'T t4Lk T0 $tR4nG3R$ pH03xCz.

*sent*

" Ayan na brad. Tara na. " sabi ko at naglakad ulit.

*message ringtone*

From: 0927*******

What?

Ay leshe di ata naiintindihan typing format ko. Pero oy sadya yun hahahahaha.

To: 0927*******

Sino po 'to? I don't talk to stranger po.

P.S: Sadya yung jeje typing ko.

*sent*

" Una na ako brad. " paalam ni Jepoy at umuwi na.

Naglakad ako ng mabilis pauwi sa bahay at pagdating ko dun agad akong nagmano kay mama at pumasok sa kwarto ko.

*message ringtone*

From: 0927*******

It's me Chanel Grande. So okay ba sayo yung meet up?

Putangina inaaya ba niya akong mag-date?! Goodness! Hay jusko!

" Kingina ma!!! " sigaw ko at bigla namang pumasok sa kwarto ko si mama.

" Anak?! Anong nangyari?! " sigaw ni Mama at lumapit sa akin.

" Mama! Kilala mo naman si Chanel diba?! "

" Yung artista nga anak. " sabi ni Mama at tumingin sa akin.

" Nakita ko siya kanina!! Tapos ano ma! Kinuha niya digits ko! Kingina ma kilig talaga. " sigaw ko kay mama.

" Nak, kalma. 'Di ako bingi. " sabi ni mama.

Tumahimik ako nung nag-ring na naman cellphone kong piputsugin. HAHAHAHAHA.

From: 0927*******

Hey? Still up?

agad akong nag-reply sa kanya.

To: 0927*******

Ah sige sige. Bukas ng 10am? Wala na po kasi akong class niyan. Sige po wag ka ng mag-reply piso nalang load ko. Hehe. Goodnight na po.

*sent*

ang galang kong bata. chararat.

" Nak, bukas mismo may bago kang damit na mas ipapakita ang kagwapuhan mo. Dapat gwapo anak ko sa harap ni Chanel Grande. "

" YES! Thank you mama! " sigaw ko at inakap siya.

" Para sa'yo nak. " sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko.

•••

Dating Chanel GrandeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon