Chapter 12

11.4K 296 18
                                    

"He was talking. May sinasabi siya pero hindi ko marinig. Ang tanging nasa isip ko lang ay kung pa'no makakaalis sa gulong ito.

Maybe I already couldn't. Walang pumapasok sa isip ko. I was gritting my teeth in frustration. Siya salita lang ng salita habang ako ay nagpapanggap na nakatingin sa mga papeles na binigay niya.

He won't stop talking. My thoughts were again occupied on how to escape this situation. Hindi ako nakikinig. May inabot ulit siya sa'king mga pictures pero nakatingin lang ako do'n.

Hindi pa 'ko umaamin pero he already assumed that I was the one on those pictures. Ako naman talaga 'yon. Nagiingat lang ako dahil the lesser I talk the lesser the damage I could get.

"'Yan ang mga sangkot sa sindikato. Ang gagawin mo lang ay bigyan pa kami ng ibang impormasyon para mahanap namin ang target namin."

"Impormasyon? How sure are you that I'm gonna cooperate?"

He sighed tiredly. Tinignan ko siya habang sumandal sa sofa at maging kumportable.

"Huwag na nating pahirapan ang mga sarili natin. Alam nating pareho ang totoo. Alam ko lahat ng mga pinaggagawa mo nitong mga nakaraang bwan. Mas mabuti pang sumang-ayon ka nalang. Ikaw lang din ang maghihirap sa loob ng kulungan kung hindi. Isa pa, if things go well... magiging abswelto ka sa kaso bilang asset."

He left without me declaring anything.

He's right though. Wala akong magagawa kung hindi ang sumang-ayon. Isa pa, he involved Azel in this as my accomplice to the crime and obstruction of justice.

I never told him anything. Kahit ang mga schedules na gusto niyang makuha.

"It doesn't matter. Malalaman din namin ang tungkol sa mga transaksyon nila." Sabi niya nang itanggi kong may alam ako.

Mga simpleng bagay lang ang ginawa ko nung una. Attend and buy illegal firearms then they'll catch them. Makakauha sila ng mga detalye ng susunod na transakyon tapos papapuntahin na naman ako.

I didn't like it at first but when I think about it, this could be an advantage for me. Pareho lang ito nang una kong ginagawa. Mas maganda pa ito dahil abswelto ako sa kahit na anong kaso.

"Ito ang susunod na gagawin mo. I advise you to be more careful because this is bigger than your last."

"It's all the same. What makes this different?" I scoffed. Clearly not liking that I need to do this again.

Naiinis ako dahil hindi ko hawak ang sitwasyon and I'm like a pushover in here.

"Don't be so cocky. Mas malaki itong operasyon na ito. Sa katunayan, hindi lang ikaw ang asset na papasok dito. May isa kang makakasama." May pagbabanta niyang sabi.

"Meron pa? Sino?"

"Makikilala mo siya mamaya."

He tapped my shoulder before hopping onto the driver's seat. Still reading the files, I've waited as we arrived at the place.

May mga pictures ng mga illegal buyers and dealers. Kilala ko ang iba sa pangalan dahil ando'n sa binigay na listahan ni Andrea.

I was a bit overwhelmed when we finally got there. Tama nga ang sinasabi niya na mas malaking operasyon 'to. Ang daming mga pulis na naghahanda. Everyone was on their bullet proof vest, naka T-shirt na itim na may nakalagay na swat at naglalagay ng mga baril sa bewang o sa hita.

May lumapit sa'min na isang swat member. He was built and big. He handed a gun to Mr. Velaquez.

"Handa na ba ang lahat, Lim?" Sabi niya matapos ikasa ang baril at ibinigay sa'kin. I arched my eyebrow in confusion. He nod his head towards the gun, telling me to take it and I did.

The Wild CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon