Chapter 25

11.1K 324 28
                                    

"Daddy, anong sound ng camel?" Napaangat ako ng tingin sa kanya mula sa sahig.

Kumunot ang noo ko. Ano nga babg tunog ng camel?

"Hindi ko alam, anak eh. Mag moo ka nalang."

"Daddy naman, eh." He whined.

"Moo is for cow." Bibong sagot ni Kris. Natawa naman si Kristoff sa tabi ko.

Nasa ground floor ng mall kami ngayon. Nakaupo kami ni Kristoff sa baitang ng hagdan at ung dalawang bata ay nakasakay sa animal rides. Kris had the one with a tiger design and unfortunately for me, JJ got the camel kaya ngayon ay nagtatanong siya kung anong tunog nito.

Ginagawa kasi nilang bump car ito habang sumisigaw pero hindi alam ng anak ko kung anong isisigaw niya.

Two months, one week and one day na kaming naghihintay ni JJ at sa mga panahong 'yon, madalas siyang umiiyak. Hinahanap ang mama niya.

Niyaya kami ni Kristoff na mamasyal dahil hindi ko na alam kung pa'no ko mapapatahan si JJ kaya nasa mall kami ngayong apat.

Hindi na rin gumana ung comic convention kaya dito ko siya dinala. I'm so glad that this took his mind off of his missing mother. Kahit saglit lang.

"Ayun oh, JJ. Lipat ka do'n sa lion dali." Sabi ni Kristoff habang tinuturo ung inalisan ng isang bata.

Agad naman itong bumaba at sinakyan 'yon. Sumunod naman ako kasi kailangan itong hulugan ng limam piso. After that they continued with their own bump ride roaring while Kristoff and I watched them.

"My wife's asking some people about her."

"Really?"

"Ba't parang 'di ka Masaya? Hindi mo ba tatanungin kung anong impormasyong nakuha niya?"

I shrugged. "She left. She'll come back if she wants to."

Hindi ko narin alam, eh. She left and I was not sure if she would come back. It's her choice to leave and it'll always be her choice to come back.

Maghihintay lang naman kami ng anak niya sa kanya.

Kumain muna kami bago maghiwa hiwalay. Sa passenger seat ko pinasakay si JJ. Kinabit ko ang seatbelt niya bago tumungo sa kabilang side ng sasakyan. Gabi na at maya't maya ang paghikab ni JJ sa tabi ko.

Binuksan ng guard ang gate at nag-park ako sa harap ng bahay. Pagbaba ko ay pinagbuksan ko ng pinto si JJ. He raised his hands so I carried him.

Si Xu Yong na ang nag-asikaso sa kanya pagpasok namin. Umakyat na rin ako para makapaglinis ng sarili. Naayos ko na rin ang higaan bago may kumatok sa pinto. I opened it and expected for Xu Yong and JJ on the other side.

"Thanks, Xu Yong. Good night."

"Good night din." Nakangiti niyang sabi bago tumalikod at pumunta sa sariling kwarto. Hinatid niya lang dito si JJ.

"Daddy, I'm sleepy." Kinarga ko ito at inihiga sa kama. Isang linggo matapos umalis si Cat ay dito na siya natutulog. He kept on crying at night that's why I decided that it's best if he slept with me.

"Sleep tight, son."

"Babalik na ba di mommy pag gising ko?" Humikab siya matapos.

Ngumiti ako sa kanya. "Mommy just has to finish something. We'll see pag gising natin bukas."

"Did you hurt mommy that's why she left?" What the fvck!?

"Sino nagsabi sa'yo niyan?"

The Wild CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon