Chapter 38

11.9K 351 18
                                    

Nakaupo na naman ako sa labas ng operating room. Ibang iba ito last week nang manganak siya. Ang takot na naramdaman ko no'n ay nararamdaman ko na naman.

Hinding hindi ko makakalimutan ung sinabi ng doktor...

"What kind of situation? Kamusta ang mag-ina ko?"

"Hindi niya kaya ang normal delivery. We need to perform a C-Section but she won't approve at first. Nai-stress na ang baby kaya pumayag siya. The baby's fine. A healthy baby girl. Nililinis na siya."

Napuno ng saya ang puso ko. Baby girl... Yes! We have a daughter.

"Then ano ang situation na sinasabi niyo?" Naunahan ako ni Raul sa pagtatanong. Naka tayo siya sa tabi ko. Si Xu Yong at JJ naman ay nasa likuran namin sa di kalayuan.

Bumuntong hininga si doc na parang hirap na hirap siya sa sasabihin.

"The problem is more on the mother." She paused and looked at me. "Nawalan siya ng malay during operation dahil sa sobrang dami ng dugong nawala. Kailangan niya ulit ng another operation dahil sa tumor niya..."

Wala akong naintindihan sa mga sumunod na sinabi niya. Only one word registered that moment.

"Tumor? A-Anong tumor? What are you talking about?"

"I'm so sorry, Aiden. That's the reason why Catarina never wanted to undergo laboratory test or ultrasound. Alam niya na 'to simula palang nang pagbubuntis niya. Matapos ng unang check-up..."

Noong araw na 'yon ay unti unting nadurog ang puso ko sa bawat salita niya. Pwede pala 'yon, no? Parang pinatay ako ng bawat letra ng mga binabanggit niya.

Naasar ako non at nagalit dahil tinago sa'kin ni Cat 'yon pero mas nangibabaw ang takot dahil sa naiisip na baka mawala siya sa'kin, ang babaeng pinakamamahal ko.

Malakas naman siyang babae alam ko. Kaya niya ang lahat ng pagsubok. Mafia boss siya. Kaya niya ngang pumatay ng tao pero...

Ilang beses kong kinumbinse ang sarili ko ng kung anu anong salita pero halos maiyak na 'ko sa sobrang takot at kaba.

"She'll be fine, kuya. She'll be disappointed if she finds out that you cry over this."

Umismid ako at payak na napangiti sa aking kapatid. Nasa wheelchair siya dahil wala pang isang bwan nang manganak ito. Anyan siya dahil ayaw ng asawa niyang magpakapagod siya. Baka daw mabinat. Nagpapasalamat ako at nandito sila para sumuporta.

Napatingin naman ako at ngumiti kay Kristoff na hawak ang mga handle ng wheelchair. Simpleng tango lang ang sinagot niya.

"I never cry." I smirked.

Actually, I already cried. That night when she gave birth to our baby girl, when I discovered about her case, my tears started flowing while holding Seraphina Fae, our beautiful angel. And also that night, I fell in love for the third time.

Nagkamalay si Cat after two days ng panganganak. We never discussed about it thoroughly. Hindi ko tinanong ang dahilan niyan kung bakit niya tinago ito o kung anong mga iniisip niya tungkol dito. That was not the right time.

Ang pinag-usapan lang naman ay ang pagpapagaling niya.

"They will have you scanned today..."

The Wild CatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon