Chapter 15: Meet the parents & the deal

31 1 0
                                    

CHAREE's POV

Nagising nalang ako dahil sa tunig ng alarm clock ko.

Time check: 9:54, Saturday.

Agad akong nagbanyo at ginawa ang morning rituals ko. You know?! :P

Tapos nun, bumaba na ko para magbreakfast. Pagkababa ko, si Kuya Jp kaagad ang nadatnan ko sa dining area. *Sigh* Wala nanaman sila daddy.

"Yung naghatid saiyo kagabi, boyfriend mo ba yun?" Salubong niya sakin.

"Good morning din kuya! The last time I checked, wala akong boyfriend, and yung naghatid sakin kagabi is Kurt. Friend ko" Depensa ko naman.

"Kurt? As in Kurt Alcantara?" How did he know? Well, sino nga ba namang hindi makakakilala kay Kurt? The mighty Kurt? Eh sikat yun eh! Heartthrob pa sa school namin. >_<

"Oo si Alcantara."

"Ok." Tapos umakyat na siya. Problema nun? XD

KURT's POV

"Son, today we are going to meet some important people." Hay! Eto nanaman si papa! Isasama nanaman ako sa mga business shits na yan. -_-

"Gaano ho ba sila kaimportante?" Tanong ko.

"Napaka-importante nila anak. Sa kanila nakasalalay ang ating kompanya at ang future mo."

"Future ko?"

"Yes son! Because today we're gonna meet your fiance's parents." F-f-fiancé's parents? Ibig sabihin mga magulang ni Cha?

___________________

We arrived at the restaurant at exactly 12:03 pm. We're three minutes late. Ano pa kayang magiging impression sa kin nila Cha? Kung sino yung lalaki, siya pa yung laging late? Anyways, parang napaka-enggrande naman ng meeting na to. Eh sila Cha lang naman ang kakausapin namin?

"Good afternoon Mr. and Mrs. Andrada." Bati ni papa. See? Napaka formal diba?

"Balae naman! Napaka-formal naman nun! Parang di tayo magkakilala nun eh" Tapos they laughed. Nakitawa nadin ako. Baka sabihin napakaKJ kong tao.

"Oh, is he the mighty Kurt?" Sabi nung babaeng mukhang mid 40s na. Pero maganda padin. I guess siya ang nanay ni Charee? :'>

"Ahm, yes, I am Kurt Alcantara. Good morning po."

"We're so lucky na magkakaroon ng gwapong asawa ang aming anak, Nga pala you can call us Tita and Tito nalang." Tapos nagsi-upuan na sila. Tapos nagkuwentuhan na sila. Tungkol dun sa kasal-kasal at merge-merge ng mga kompanya.

May napansin ako.

"Ahhh. tita susunod po ba si Cha?" Pagkatapos kong itanong yun, nag-iba ang aura ng mga magulang ni Cha.

"No." Sabi ng nanay ni Cha.

"Iho, hindi alam ni Charlene na ikakasal siya sayo sa takdang panahon." Sabi naman ng papa ni Cha.

"P-po? Bakit po?"

"Because we don't want her to get hurt, baka ang isipin ng anak namin, binenta namin siya just for the sake of the merging of our companies. And we don't want that to happen. Because alam namin kung gaano siya masasaktan at kung paano siya magrebelde. Kaya iho, here's the deal, You will court her. And until the time comes that you will fall for her at ganun din siya sayo, magpopropose ka sa kanya at yayayain siyang magpakasal. Is it clear iho?"

"Ah, y-yes po tito." And we sealed the deal with a toast. Oo, sumaya ako nung nalaman kong kay Charee ako ikakasal, pero nakonsensya din ako. Kasi all this time, lolokohin lang namin si Charee tungkol dito.

FOREVERWhere stories live. Discover now