Chapter 13: DES & TINY moments

37 2 0
                                    

CHAREE's POV

Nandito kami ngayon sa gymnasium. May laban kasi ang basketball eh. Etong katabi kong si Sissy, kanina pa cheer ng cheer kay Andrew! Crush niya daw eh! Hahaha ♥

Ako naman, ichecheer ko si Des! Alam niyo ba kung anong nakasulat sa jersey niya? Sa likod, yung apilido niya. Tapos infront, sa lower right side, "DES" ang nakalagay! Wow as in w-o-w diba? Ki-na-reer na yung Des at Tiny na yan!

Back to reality, eto si bes, ingay ingay! Puro ko "Go Andrew" lang naman sinisigaw! Echos -_-

Des aims for 3 pointssssssssss.. At yun! nagshoot! Galing talaga ni Kurt! Matangkad eh! ;D

"DES KO YANNNNN!" Sigaw ko. Napatingin naman siya sa direksyon namin at kumindat.

"Uy girl! Kinindatan niya ko! Kyaaaaah" Sabi nung nasa likuran namin. Ay te? Assuming much? Eto yung kinindatan niya oh! Present!

Sa loob ng 2 weeks na lagi kong kasama si Kurt, mas nagiging close na kami sa isa't isa. Tapos namememorize ko na din yung ugali niya. Yung mga ayaw at gusto niya. Para sakin, i like him na. As a brother, as a bestfriend. Kayo naman! Mga malisyoso! Tsk -____-

Tapos na yung game. Ano pa bang ineexpect niyo? Syempre panalo kami! Halos si Kurt at Andrew lang ang nakakapuntos eh!

Agad kaming lumapit sa pwesto nila Kurt! Sinalubong niya ko with open arms. Yung naka spread yung arms niya.

"You want a hug huh?" Tanong ko sa kaniya.

"Ito naman si Tiny! Ang slow! Syempre hug! Panalo kami eh! Hug moko dali!" PBB teens? XD

"Hug? Hug? Oh ayan hug *Sabay lagay ng palad ko sa mukha niya*" Namula naman siya! Ang cute cute talaga ng Des ko! Hahahahaha!

"Hintayin mo'ko! Pagkashower ko pagsisisihan mong hindi mo'ko hin-ug!"

"K." I answered him with a bored look. xP

Tagal naman ni Des! Iniwan na nga pala ko ni Ynna. May lakad daw sila nung textmate niya eh. Oh ano? Bili na kayo sa pinsan ko? Every other day iba-iba ka text? Tapos may mga ka-meet ups pa? Tsk!

Ayan! Naglabasan na yung mga kateammates niya mula doon sa shower area. Bakit ang tagal naman niya? Baka kinain na yun ng shower ah?

"Sorry kung pinaghintay kita." Ah eto na pala s-siya. o_O Wow! Ang hot niya tingnan! Basa pa yung buhok niyang kulay brown tapos ginugulo pa niya. Tsk, bakit ba ako nag-iisip ng ganito. Pero seriously, Ang hot niya tingnan.

"Kung nakakatunaw lang yang titig mo, kanina pa ko lusaw dito." (O.O) Napansin pala nya.

"Ah eh, ANG PANGET MO!" Tapos tumakbo na ako. Hahaha! Galing ko tumakas sa ganung sitwasyon!

Actually, i have no idea kung saan ako dadalhin ni Kurt. Pinaghintay lang niya ko kanina at ang sabi magshashower lang siya. Pero di ko naman talaga alam kung san niya ako dadalhin.

"Tama bang iwan mo ako don?" Here comes the grooooom. A-ano? Groom? Yuck eww duh!

"Ikaw kasi eh! Teka nga, san ba tayo pupunta?" Tanong ko sa kaniya.

Nandito na kami sa parking area. Sa kaniya na ko sasakay. Di na muna ako magpapasundo kay manong.

"Sa... ewan ko nga din eh." Huh?

"Ewan mo? Eh bakit mo pa ko sinama?" Ang gulo din ng Des ko oh. -_-

"Wala lang."

"Hay ewan ko sayo." Then he started the engine. Nagsalpak nalang ako ng earphones at nagpatugtog dito sa iphone ko. Di ko dala itouch ko kainis. Buong byahe, ang tahimik namin. Walang nagsasalita. Tapos napansin ko na nagstop na yung kotse niya. Tiningnan ko yung paligid. Nasa lake kami? Anong gagawin namin dito.

Time check: 5:42 pm

"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko sa kaniya tapos tinanggal ko na yung earphones ko.

"Manonood ng sunset." Wa-aw. A guy like him would ask me to watch the sunset with him? ♥

Naka-upo lang kami doon. Naghihintay ng paglubog ng araw. Kaboring!

*light bulb* Agad kong kinuha ang Iphone ko sa bag at tinutok iyon samin.

"Teka ako na magpipicture sayo." Sabi niya. Camera shy ba siya? Hahahahaha!

"Eh. Gusto ko magpicture tayong dalawa."

"Ayoko nga!" Hmm! Napaka kj nito!

"Sige na Des, please? *puppy eyes + pout*" Ewan ko nalang kung hindi pa to uubra. ;D

"Sige na nga!" Tapos iyon, nagpicture na kami! Andami nga naming pose eh! May wacky shot! May serious na mukha, may nakasandal ako sa balikat niya. Pagod na ko. XD Ang dami na naming napicture! Mga lampas 20 na yun! Hahaha!

"Last one Des!" Nung pagkasabi ko noon ay nakaisip ako ng pose! Iki-click ko na sana yung phone with matching ihaharap ko ang mukha ko sa kanya tapos gugulatin ko siya at makikissan ko siya sa pisngi. NGUNIT, SUBALIT, DATAPWAT! Ako ang nagulat!

Eksaktong pag harap ko sa kanya, nakaharap din ang mukha niya sakin! At Kabooooom! Ang first kiss ko!!!!!! Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. o////////o

(A/N: Kilig cells ko, nangingibabaw. ♥)

FOREVERWhere stories live. Discover now