Chapter 4
Daniel’s POV
Ang sakit ng ulo ko pagkagising. Nanaginip ako na nabangga raw ang sinasakyan namin ni Kath tapos duguan sya tapos—SHIT!
“KATH!” Nagpupumiglas ako sa higaan ko. Ang daming nakakabit sa akin na kung ano. Hindi sya panaganip. Totoong nabangga kami at totoo rin na - - “SHIT TALAGA! KATHRYN!”
“Huminahon po kayo. Nasa emergency room pa po ang asawa nyo. Masyado pong maraming dugo ang nawala sa kanya na sanhi na rin ng pagkawala ng anak nyo.”
Natigilan ako sa sinabi ng doctor sa akin. Namatay ang anak namin ni Kath? Hindi, hindi ‘to totoo.
“Doc, hindi totoo yang sinasabi mo dba? Buhay pa ang anak namin ni Kathryn. Huwag naman kayong magbiro ng ganyan. Alam kong nakaligtas silang dalawa sa aksidente kanina.”
“Kung ganon po sana talaga ang nangare, sir. Pero hindi eh. Ang daming nawalang dugo sa asawa nyo. Hindi namin naligtas ang bata. Sorry po talaga.”
At tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. Kailangan kong makita ang asawa ko. Kailangan ako ni Kathryn ngayon.
“Doc, asan po ang asawa ko?”
“Uh. Nailipat na raw po sya sa ICU kani-kanina lang. Maaari nyo na po siyang puntahan.”
“Nasa ICU ang asawa ko, doc?”
“Oo. We put her in a coma para mas mapadali ang pagexamin sa kanya. Ang lakas ng impact sa ulo nya kaya kailangan pa namin ito ng mabusising obserbasyon.”
“Ganon po ba? Kailan naman po sya magigising, doc?”
“Mga dalawang linggo pa muna ang kailangan namin para maobserbahan sya. After that, she needs to fully rest kaya siguro halos tatlong linggo rin bago sya tuluyang magising.”
Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi ng doctor. Grabe. Halos isang buwan din macocoma si Kathryn. Ang asawa ko.
“Um, doc. Puntahan ko na po ang asawa ko ah?”
“Osige. Nurse, patanggal ng mga nakakabit kay Mr. Padilla. Pupuntahan na niya ang asawa nya.”
Habang tinatanggal ng doctor ang mga nakakabit sa akin, naaalala ko pa ang masayang pangyayare sa amin ni Kath. Na nalaman kong magkakaanak na kami pero napaluha na ulit ako nung naalala kong mga ilang oras lang ay binawi naman sya agad sa amin. Ang munting anghel namin ni Kathryn, mawawala ng ganon ganon na lang.
“Sir, pwede nyo na pong puntahan ang asawa nyo.”
Tumango naman ako sa nurse at agad na pumunta sa ICU.
. . .
Mahigit tatlong linggo na rin akong pabalik-balik sa ICU at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagiging ang asawa ko. Sabi ng doctor ay pagaling na rin si Kath kaya malaki ang tsansa na magigising na rin sya. Grabe. Namimiss ko na sya. Dali-dali akong nagpunta sa ospital para puntahan ang asawa ko.
Pagdating sa ospital ay hinanap ko agad ang doctor ni Kath para itanong kung ngayon na ba sya gigising. Excited na kasi talaga akong mayakap siya ulit eh.
“Doc! Magigising na po ba ang asawa ko ngayon?”
“Kulang na lang maging sirang plaka ka na sa kakatanong sa akin niyan, Mr. Padilla.” Natawa ako sa sinabi ni doc dahil totoo nga naman yun. “ At, oo. Malaki ang possibility na magigising na sya ngayon kaya pumunta ka na sa kwarto nya. Tawagin mo na lang ako kapag nagising na sya.”
“Sige po, doc. Salamat!”
Agad naman akong tumakbo sa kwarto ni Kathryn. At pagpasok ko ay halos mapatigil ang mundo ko. Gising na ang babaeng mahal ko habang kausap nya ang nurse na nag-aalaga sa kanya.
“Kath!” Tumakbo ako habang nakayakap sa kanya. Pero nginitian nya lamang ako sabay tanong kung anong ginagawa nya rito.
“Uh. Ano kasi, Kath. Nabangga tayo. Hindi mo ba natatandaan?”
“Really? We got into a car accident? Oh my, I am so dead. Uh, doc. Do you have any phone? I need to call my mom. I am really so dead. OMG.”
Teka. OMG? Daheq. Ganyan na ba magsalita si Kath ngayon? At ano, tinawag nya kong doc? Tama ba pagkarinig ko?
“Uh, Kath? Doctor? Ako ba tinatanong mo?” Paninigurado ko.
“Um, yes? Why? Is there anyone else here beside the nurse? Aren’t you my doctor?”
Natigilan ako sa sinabi nya. Ako, doctor?
“Kath, ako ‘to. Si Daniel. Ang asawa mo.”
Halatang gulat si Kath sa sinabi ko sa kanya at napatingin sa singsing na suot nya.
“I’m married to you? I’m married to a doctor? Wow. I thought I’m going to marry a lawyer. The last time I checked that I’m engaged was to Enrique. Wow.”
Namangha pa sya nung narealize nya na sa akin sya ikinasal at hindi kay Enrique. Ang ex-fiance nya.
“Hindi mo ba ko kilala, Kath?”
Napatingin naman sya sa akin sabay ngiti.
“Of course I know you, silly.”
Nakahinga naman ako ng maluwag dun. Akala ko nakalimutan nya na talaga a—
“You’re my doctor and my husband? Wow. I’m really lucky. I have a doctor husband.”
Doctor? Yun ang tingin sa akin ni Kath?

BINABASA MO ANG
I do. [ON-HOLD]
FanfictionFor 5 years, Daniel and Kathryn is keeping their promise of their I do's. But for one sudden night, all 5 years will be a nightmare for Kath. Anong gagawin ni Daniel para maging masaya ulit sila at mabalik ang promise of their I do's?