Kath's POV
"Doc, positive na po talaga yan ah?"
"Yes, Mrs. Padilla. You're three weeks pregnant. Just visit us again next month para sa check up mo and matignan kung boy ba or girl ang magiging anak nyo."
"Osige po. Thank you, doc. Grabe. Magandang balita talaga 'to para kay DJ."
"Syempre naman. Asan po ba sya?"
"Ah. Nasa trabaho po eh. I want this to be a surprise for him. Naeexcite na ko, doc!"
"Oh. Kalma lang, misis. Bawal ang masyadong emosyon. Maselan pa kasi ang pagbubuntis ninyo so I advice that you should take a lot of rest. Okay po ba yun?"
"Oo naman po, doc. Sige po. Una na ko ah? I'll have a good news pa para sa asawa ko eh."
"Sige ho. Next month, okay? Ingat, Mrs. Padilla!"
At umalis na ko sa clinic ni Doc Anne. Hm. Makipagmeet na lang ako kay DJ sa mall. Malapit lang yun sa studio nya. Matawagan nga.
*Ringggggg-ringgg*
"Hello, hon?"
"Baby! Kita tayo sa mall malapit sa studio mo ah? Let's have dinner there."
"Babe, kala ko ba may surprise ka sa akin?"
Medyo malungkot ang boses ni DJ nung sumagot sya. Kulit talaga nito. Di pa rin nakakalimutan yung surprise.
"Opo. Mamaya ko nga sasabihin eh. Ito talaga. Excited!"
"Talaga, babe?! Sige. 5 pm na. Anong oras kita pupuntahan at saan ba?"
Halata naman ang pagbabago ng boses nya. Excited talaga 'to. Hahaha.
"After your recording na lang. Basta sa Yellow Cab tayo kakain ah. I'm craving for pizza"
"Ilang araw ka ng nagccrave jan ah? Nubayan. Kaya ka tumataba eh. Hahaha. Joke lang, baby. Sige. I'll hung up na para matapos na ang recording. Laters, baby."
"Haha. Sige. Laters."
*call ended*
"Sira talaga yun. Naglilihi ako sa pizza tapos di pa rin nakakalaha at nang-aasar pa. Ang slow talaga kahit kailan ng asawa ko, buti na lang mahal ko yun. Hihi."
. . .
Habang naglalakad ako sa loob, nakasalubong ko si Chesca.
"Kath!"
"Oh, Chesca! Hi" *beso*
"Ikaw talaga. Chesca pa rin tawag mo sa akin. Julia kasi!"
"Silly. Dalawa kayong Julia sa buhay ko no?"
Dalawa kasi sila ni Julia Montes na friend ko rin kaya Chesca tawag ko sa kanya. From her second name. Julia Francesca.
"Awe. You're still my bestfriend after all these years?"
"Oo naman. Tight tayo eh! Ano nga pa lang ginagawa mo dito?"
"Uh. Ano. I'm going to shop. Old habit, I guess?"
Hilig talaga sa shopping nitong babaeng 'to.
"Ganon? Let's shop together. You want?"
"You're free today? Himala yan ah. The famous Kathryn Bernardo is going to shop."
"Um. Ano kasi. Chesca, Mrs. Padilla na ko. Sorry."
"WHAT?! You're married na? Si JC ba yan?!"
"Hahahaha. Makareact ka naman jan. Palibasa kasi nasa ibang bansa ka nung kinasal kami eh. At si Daniel ang asawa ko hindi yung kapatid nya."
Tila natigilan si Chesca nung narinig nya ang pangalan ni Daniel.
"You're married to DJ? My ex-boyfriend?!"
Oo nga pala. Naging ex nya nga pala si Deej.
"Oo eh. Um. Sorry?"
Baka kasi di pa sya nakakamove on or what. Nakalimutan ko kasi talaga na may history nga pala sila.
"Nukaba. Ayos lang sa akin no. I've moved on already. Kaya nga ako bumalik ulit sa 'Pinas eh."
Sinamahan na rin muna ako ni Chesca sa Yellow Cab habang hinihintay si DJ.
"Buti naman. Sorry kung di ko nasabi agad ah? Wala naman kaming formal na wedding eh. Sa judge lang. Alam mo na naman kasi dba yung nangyare about kay mama kaya ganon."
"Oh, right. That issue. So I guess pwede pang mawalan ng bisa ang kasal nyo?"
Muntikan ko nang maibuga ang iniinom ko nung tinanong ni Chesca yun.
"Joke lang, Kath. You should have seen your face. It was epic! Hahahaha."
Kala ko naman seryoso sya dun. Woo.
"Ikaw talaga! Mapagbiro as ever."
Maya-maya naman ay dumating na si DJ na ikinagulat naman ni Chesca kaya sya napatayo.
May nararamdaman pa rin ba sya kay DJ kaya ganon na lang ang naging reaction nya sa asawa ko?
BINABASA MO ANG
I do. [ON-HOLD]
FanfictionFor 5 years, Daniel and Kathryn is keeping their promise of their I do's. But for one sudden night, all 5 years will be a nightmare for Kath. Anong gagawin ni Daniel para maging masaya ulit sila at mabalik ang promise of their I do's?