Daniel’s POV
“Doc, bakit ganon? Sabi nyo maayos na kalagayan ni Kathryn. Bakit ganito? Bakit hindi na nya ko maalala?”
Kanina ko pa kinukulit ang doctor ni Kath tungkol sa nangyare sa kanya. Tanda ko pa ang sinabi nito noon na maayos na ang kalagayan ni Kathryn.
“Mr. Padilla, magaling na nga po sya tulad ng sinabi ko sa inyo pero tulad din nang sinabi ko sa inyo ay very unpredictable ang ating brain. Posibleng nakalimot si Kathryn dahil sa lakas ng impact. Kaya kailangan pa namin sya obserbahan ulit kung possible pang maibalik ang mga nawala niyang alaala.”
“Sige ho, doc. Kayo na rin po muna bahala sa asawa ko ha? Kukuha lang ako ng mga damit nya. Uuwi po muna ako, babalik din ako agad.”
“Sige, Mr. Padilla. Ingat kayo pag-uwi.”
Umuwi muna ako sa apartment namin ni Kath, ikukuha ko sya ng damit at ibang gamit. Habang pauwi ako ay nakasalubong ko si Julia B.
“Daniel!” Bati nito sa akin. Nginitian ko lamang sya at diretsong pumunta sa apartment namin pero sinundan nya pa rin ako.
“Ang sungit mo naman, Daniel. Parang walang pinagsamahan ah. Hahaha. Biro lamang. Papunta ka sa apartment mo?”
Tumango lamang ako sa kanya habang patuloy sa paglalakad.
“Nabalitaan ko ang nangyare kay Kathryn. I’m sorry, Daniel.”
Sorry? May kasalanan ba sya?
“Bakit ka nagsosorry?”
“Eh kasi naaksidente si Kathryn eh at balita ko masyado raw itong napuruhan kaya gusto ko lang na magso- -“
“BUHAY PA ANG ASAWA KO! Sinong may sabing patay na sya, ha?!”
Napasigaw na ko dahil alam kong aakalain ni Julia na patay na ang asawa ko. Halata naman na nagulat si Julia sa pagsigaw ko sa kanya.
“Daniel, sorry. Hindi ko alam. Akala ko kasi- -“
“Mali yang akala mo. Buhay pa sya kaya umuwi ka na Julia dahil aalis na rin ako maya-maya. Sige, una na ko.”
At pumasok ako agad sa apartment namin. Hinayaan ko na si Julia sa labas. Hindi si Julia ang kailangan kong makausap ngayon.
*Ringggg*
“Kuya! Bat ka napatawag? At nabalitaan ko yung nangyare kay Ate Kath ah. Kamusta na sya?”
“JC, ayos lang sya pero nakalimutan nya na ko eh.” Buntong hininga ko sa kapatid kong si JC.
“Ano kuya? Maayos sya pero nakalimutan ka nya? Pano nangyare yun?”
“Ah, ano. JC, punta na lang kayo sa ospital. Sa Luke’s Center, room 260. Nagmamadali kasi ako eh. Umuwi lang ako para kumuha ng gamit ni Kath. Sabihin mo na rin sa iba ah?”
“Osige, kuya. Kasama ko naman sila Les ngayon eh. Tawagan ko na lang din si Kats. Sige, kuya. Pakatatag ka ah!”
“Oo, bro. Salamat. Sige. Ibababa ko na.”
Hayyyyy. Ang P5 talaga ang kailangan ko ngayon dahil sila lang ang nakaalam ng buong love story ni Kath. Napailing na lamang ako nung maalala ko ang unang beses naming pagkikita.
FLASHBACK
Nakatambay kami ng P5 sa canteen nang may nakita akong isang magandang binibini. Simple lamang ito pero talagang kapansin-pansin. Mag-isa lamang sya at umupo sya sa dulo at doon itinuloy ang pagbabasa nya.
“Bro, bro! Tignan mo oh. Ganda, pare. Parang anghel na bumaba sa langit.” Sabi ko kay Seth dahil sya ang katabi ko nun. Napalingon naman si Seth dito.
“Ah, si Kathryn. Type mo, bro?”
“Oo, bro. Lakas ng dating eh. Magkakilala kayo?”
“Oo naman. Kablock ko sya da drawing 101 eh. Sa pagkakaalam ko interior design ang course nya eh.”
“Talaga? Kaya pala ang ganda nya eh. ARAY NAMAN BRO! BAT MO KO BINATUKAN?”
“Anong connect ng course nya sa pagiging maganda nya, ha?”
“Ito naman, ang KJ. Wala lang. Gusto ko lang isingit na maganda sya.”
“Nako naman, bro. Mukang may papalit na sa trono ni Julia ah.”
Sinamaan ko lang sya ng tingin sabay balik ng tingin kay Kathryn. Grabe, ang ganda nya talaga.
“Kanina mo pa sya tinititigan. Hina mo, bro. Eh kung yayain mo kayang maglunch?”
Napaisip naman ako sa sinabi ni Seth. Ting! Onga no. Galing talaga ni brader eh.
“AYLABYU TALAGA SETH!” Sabay yakap sa kanya at kunwareng paghalik kaya napalingon sa amin ang ibang members ng P5
“OMAYGAD DANIEL, BUMIGAY KA NA?! AKALA KO BA SOLID JULIA KA EH BAT SI SETH YANG KAYAKAP MO?!” Bastos na Katsumi ‘to oh.
“Heh. Hindi na ko Julia, brad.”
“Totoo bay un Seth?”
“Oo, Kats. Panoorin mo gagawin ni Deej. Oy, lalake. Bilisan mo na. Baka di ka na makadamoves niyan.”
Agad naman akong napatayo at naglakad papunta sa inuupuan ni Kathryn.
Napansin ata nya ko dahil napatingin sya sa direksyon ko pero saglit lang iyon at balik ulit sya sa pagbabasa. Tsk. Bookwork si Miss Kathryn.
“Uh. Hi.” Bati ko sa kanya sabay ngiti.
Napatingin din naman sya sa akin at ngumiti rin.
“Um. Hello?”
“Hi, miss. Ako nga pala si Daniel Padilla. Napansin ko kasi na nag-iisa ka, Dapat ang isang magandang katulad mo ay hindi nag-iisa. Alam mo ba iyon?”
Napatawa naman sya sa sinabi ko.
“Bolero. Sanay na kong mag-isa no. Tsaka aalis na rin naman ako eh.”
Nataranta naman ako sa sinabi nya. Dapat ay yayain ko na sya. Shet. Kapal talaga ng muka mo Daniel.
“Ano kasi. Um. Miss. Gusto mo bang sumabay sa akin maglunch? Wala kasi akong kasabay eh.”
Napatingin naman sya ulit sa akin sabay tawa. Hilig niyang tumawa ah.
“Ako ba’y pinagloloko mo mister? Eh may mga kasama ka kaya kanina.”
Nagulat naman ako sa sinabi nya. Alam niyang may kasama ako?
“Alam mong may kasama ako?”
Halata naman na nagulat din sya at medyo nauutal na sumagot.
“Ah. Eh. A-ano. O-oo. Kasi nakita kong kasabay mo kanina yung kablock ko eh. O-oo. Yu-yun.”
Ah. Magkaklase nga pala sila ni Seth. Akala ko naman kilala nya na ko eh.
“Ah, si Cedric. Oo eh kaso kumain na sya kaya ako na lang mag-isa ngayon. Kaya gusto ko sana na sabayan mo ko. Ang lonely kaya mag-isa kumain.”
Sana naman pumayag ka kahit ang lame ng excuse ko.
“Hahahaha. Pag-iisipan ko muna. Muka ka namang mabait Mr. Daniel Padilla?”
“Mabait ako no. Sige na, sabay na tayo. Ano nga pala pangalan mo?”
Naks. Pakipot ka ngayon, Daniel. Kunwareng di alam.
“Ako si Kathryn. Kathryn Bernardo. Kath for short.” Sabay ngiti sa akin. Shet. Wag kang ngumiti. Ganda mo eh.
“Nice name. So, ano? Shall I take you to lunch, Ms. Bernardo?”
Sana pumayag ka. Sana pumayag ka. Sana pumayag ka. Sana puma--
“Sure, Mr. Padilla.”
A/N: Hi. Lame masyado. Anyhoo. Matagalan na update ‘to. Sorry.

BINABASA MO ANG
I do. [ON-HOLD]
FanfictionFor 5 years, Daniel and Kathryn is keeping their promise of their I do's. But for one sudden night, all 5 years will be a nightmare for Kath. Anong gagawin ni Daniel para maging masaya ulit sila at mabalik ang promise of their I do's?