Chapter 6
Daniel’s POV
Tatlong linggo na rin nung niyaya kong maglunch si Kathryn. Hindi na si Seth ang sinusundo ko nun tuwing lunch namin, si Kath na ngayon.
“Grabe, ‘tol. Pinagpalit mo na ko kay Kathryn. Sya na sinusundo mo ngayon. Nakakapangselos. Huhuhuhu.”
“Gago, Seth. Tigilan mo nga ako. Di bagay sayo magdrama. Tsaka hayaan mo na kong maging masaya. Brad naman oh, ang KJ mo!”
“Psh. Oo na. Para di ka na mukang Julia diyan. Titiisin ko na lang ‘tong pagseselos na ‘to. Huhu.”
“Sira ka talaga, Seth! Pero tama ka, di na ko mukang Julia ngayon. Mukang Kathryn na.”
“Ikaw ang sira! Ano, gusto mo na si Kath ngayon?”
“Oo, pare. In love na nga ata ako sa kanya eh.”
“Tatlong linggo lang nakalipas, inlove agad? PEE BEE BEE TEENS?!”
“Hayup! Hindi no. Basta. Hindi naman sya mahirap mahalin eh. Basta nakakainlove talaga sya kapag magkasama kami.”
“Nako, DJ. Ayusin mo. Wala pang tatlong buwan nung nagbreak kayo ni Julia. 3-month rule, pare. Wag gawing rebound si Kath.”
“Tol naman. Hindi ko ginagawang rebound si Kath no. Tsaka anong 3-month rule ka jan eh hindi nga uso yan kay Julia. Balita ko may ipinalit na sa akin yun nung nagpunta syang Canada eh.”
“Bitter ka, brad. Tara na. Lunch na oh. Sunduin mo na si Kath.”
“Oo nga pala. Tara na!”
- - -
Palaging ganon ang routine namin. Wala kasing kasama lagi si Kath tuwing lunch kaya kaming P5 ang naging lunch buddies nya. Close na nga rin sa kanya sila Seth eh. Masaya kasing kasama si Kath kahit na bookworm sya. Oo nga pala, balak ko na rin siyang ligawan. Tapos na naman ako sa so called “3-month rule” na sinasabi ni Seth eh.
“Bro, talaga bang liligawan mo na sya?”
“Oo naman. Gusto ko sanang hingin ang tulong nyo eh. Alam nyo na. Surprise ba para kay Kath.”
“Oo na. Lagi naman kami ang ginagawa mong ligaw organizer eh.”
“Pagbigyan mo na ko, Kats. Sige na. Last na talaga ‘to.”
“Eh yan din yung sinabi mo nung niligawan mo si Julia eh. Kuya naman!”
Nubayan. Palibasa sila talaga ang ginagawa kong organizer tuwing may nililigawan ako. Napakasupportive nila eh.
“Last na talaga ‘to. Sa susunod na hihingi ako ng tulong sa inyo, wedding na ang aasikasuhin nyo.”
‘WEH?! Wedding, agad-agad eh hindi ka pa nga nanliligaw?”
“KJ ka talaga, Lester! Bilis na kasi. Ililibre ko kayo kapag pumayag siyang ligawan ko sya.”
“Sige, sige. Gusto ko ‘yan. Wag tanggihan ang grasya.”
Basta talaga libre, hindi papahuli ‘to si Lester.
“Oh, ano ng plano?”
At pinag-usapan na namin ang tungkol sa panliligaw ko kay Kathryn. Aaminin ko, ambilis talaga para manligaw ako agad sa kanya. Wala pang dalawang buwan nung nagkakilala kami ni Kath. Pero wala eh. Nakakainlove kasi talaga sya. Dahil sa kanya, nawala na yung sakit nung iniwan ako ni Julia. Pero, oy! Di ko sya rebound no. Masyadong mahalaga si Kath sa akin para maging rebound lang sya.
SATURDAY
Andito kami ngayon sa bahay at naghahanda para mamaya sa surprise ko kay Kath. Kinakabahan nga ako eh. Baka kasi pumalpak sila. Ganon nangyare dati nung manliligaw ako kay Julia, buti mabait si Julia at di nagalit dahil sa kanila. Aish. Naalala ko na naman sya.
BINABASA MO ANG
I do. [ON-HOLD]
FanfictionFor 5 years, Daniel and Kathryn is keeping their promise of their I do's. But for one sudden night, all 5 years will be a nightmare for Kath. Anong gagawin ni Daniel para maging masaya ulit sila at mabalik ang promise of their I do's?