Daniel's POV
SLAAAAAAAAAAAAAP!
Nagulat ako sa sumampal sa akin. Hindi ko aakalain na makikita ko sya dito.
Ang mommy ni Kath, si Tita Karol.
"HOW DARE YOU DANIEL PADILLA?! PINALAGPAS KO NA NGA YUNG PAGPAPAKASAL MO SA ANAK KO TAPOS ITO PA IGAGANTI MO? ANG MALAMAN KONG NACOMA SYA FOR ALMOST A MONTH!!! AT ANG DOCTOR PA TALAGA ANG TUMAWAG SA AKIN AH? WALA KA BANG BALAK IPAALAM SA AKIN, HA?!"
Wala naman talaga akong balak ipaalam sa kanya yung about sa nangyare kay Kath kasi si Kath na mismo ang nagsabing putulin na ang lahat ng connection nya sa magulan nya or sa kahit na sinong nakaraan nya. Umalis sya para magbagong buhay at makalimot kaya sinunod ko lang gusto nya. Pero syempre hindi ko pwedeng sabihin sa nanay nya yun. Baka pantayin nya pagkakasampal sa akin eh. Sakit nun ah.
"Tita, a-ano po. Sorry po. Nawala lang po sa isip ko na ipaalam sa inyo kasi nataranta ako sa nangyare kay Kath tsaka tita, naaksidente rin naman po ako eh hindi lang si Kath."
Sana kumagat si tita sa rason ko, Grabe, galit na galit talaga sya.
"Lame excuse, Padilla. Iuuwi ko na ang anak ko bukas. Pwede na raw siya makalabas sabi ng doctor."
"Pero tita, sa bahay po namin sya nakatira."
"Hindi ka kilala ng anak ko kaya mabuti ng sa amin muna sya umuwi."
"Tita naman, sabi ng doctor kailangan nya raw ng magguide sa kanya sa mga dati niyang gawain para madali siyang makaalala."
Totoong sinabi ng doctor sa akin yun.
"Ang sabi ko, hindi ka na nya kilala. Ako na ang bahala sa kanya. Mas alam ko ang ginagawa nya dahil ako ang nanay nya."
"Pero not in 5 years, tita!"
Nagulat si tita sa pagsigaw ko. Hindi ko sinasadya yun, hala.
"Anong sabi mo sa akin?!"
Sasampalin na dapat ulit ako ni tita kundi pinigilan ni Kath na kakalabas lang ng C.R.
"Ma! What do you think you're doing?!"
"Kath, masyado na yang asawa mo ah!"
"Hindi ko alam ang nangyare pero parang mali naman ata na sampalin mo na lang ng ganon si Daniel. Hindi ko nga sya maalala pero asawa ko pa rin sya."
Kahit na nakapanghina yung sinabi ni Kath na hindi nya ako maalala, nakakatuwa pa rin dahil she still considers me as her husband.
"Hindi, Kathryn. Uuwi na tayo. Sa akin ka sasama."
"Uuwi agad? Akala ko ba bukas pa?"
"Ngayon na. I'll call the doctor. Jan ka lang."
Lumabas na si tita para tawagin ang doctor at tsaka naman ako nilingon ni Kath.
"Sorry sa ginawa ni mama ah. Uh, only child kasi ako eh. Ganon sya kaprotective."
"Naiintindihan ko naman sya eh." Hahaplusin ko na sana yung muka nya pero bigla siyang umiwas at inayos ang gamit na dala ko.
"Akin na yan. At oo nga pala, may apat na lalake sa labas, kilala nila ako pero di ko sila kilala. Nginitian ko na lang sila. Sabi nila hintayin ka na lang daw nila sa labas."
Ay, pu--! Nakalimutan ko sila Seth sa labas.
"Um, Kath. Teka lang ah?"
Hindi na lumingon si Kath pero nakita ko siyang nagnod. Lumabas muna ako para puntahan sila Kats. Nagtext na rin ako at sabi nila nasa canteen daw sila.

BINABASA MO ANG
I do. [ON-HOLD]
FanfictionFor 5 years, Daniel and Kathryn is keeping their promise of their I do's. But for one sudden night, all 5 years will be a nightmare for Kath. Anong gagawin ni Daniel para maging masaya ulit sila at mabalik ang promise of their I do's?