Chapter 11

23 2 0
                                    

Daniel's POV

Quen? Psh. Sa kanyang number pa talaga yung memorize ni Kath. Tanga mo naman kasi DJ eh, hindi sinave yung number, edi sana ikaw yung kasama nya kanina dba? Leche talaga. Nagtatampo ako kay Kath pero parang wala naman siyang pakialam kasi tulog na siya nung sinilip ko sya kanina.

"Hayyy. Ang ganda ganda mo talaga, Kath. Hindi na tuloy ako nagtatampo sayo. Pero sana naman ako na lang tawagan mo ha? Mahirap na baka itake advantage nung gunggong na yun yung amnesia mo at kunin ka pa sa akin. Mahal na mahal kita. Sana maalala mo na ko lalong lalo na yung pagmamahal ko sayo."

Oo, kinakausap ko si Kathryn habang tulog siya. Grabe. Bat ganon? Sa kanya lang ba hindi nag-aaply yung kasabihan na "ang isip nakakalimot pero ang puso hindi"? Kasi hanggang ngayon hindi ko pa rin ramdam na mahal nya ko eh, na ako pa rin. *sigh* Hinalikan ko na lang sa noo nya si Kath at natulog habang yakap sya.

Kathryn's POV

GOOD MORNING SUNSHINE! Teka, parang may nakadagan sa akin. o.o

"DANIEL! Aw aw aw"

Bigla naman siyang nagisin at tinignan kung ano nangyare sa akin.

"Hala, babe! Ano nangyare? Nahulog ka ba? Ano?"

"Kalma, nakadagan ka kasi sa akin eh. Hindi ako makahinga ng ayos. Sorry, sige tulog ka na ulit."

"Ah-ano sorry sige babangon na ko. Pagluluto na kita. Pancakes dba?"

"Nako, wag na! Malalate na ako sa trabaho ko. Babawi na lang ako sa lunch. Sige, ligo na ko."

Ang totoo niyan pupuntahan ko pa si Quen kasi sabay kami kakain ng breakfast. Tutor ko na nga pala siya para sa basic accounting na kailangan sa office. Bat kasi ako nagdesigning eh alam ko naman na accountant talaga dapat ako. 

**

"Daniel! Alis na ko, bye. See you later!"

Nagpaalam na ko kay Daniel habang inaayos yung mga gamit ko kasi nasa kusina lang sya at nagluluto ng breakfast nya. Naguiguilty tuloy ako kasi di ako sumabay sa kanya kumain.

"Sige, babe. I love you! Ingat"

"Opo!"

"asdfghjkl"

"Ano?"

"Wala po. Bye!"

Daniel's POV

"Buti pa yung dota may dota 2 na pero yung I love you ko wala pa ring I love you too"

"Ano?"

"Wala po. Bye!"

Kainis naman. Bakit ba hindi niya nahahalata na nagtatampo na ko at bakit ang aga nya umalis?! Sabi ko ihahatid ko na siya pero ayaw na naman nya. Hayyy. Kaya ko pa ba 'to?

Kathryn's POV

Nagkita kami ni Quen sa Italianni's kasi ito yung malapit sa office eh.

"Quen! Hi"

"Oh Kath, flowers"

"Wow nag-abala ka pa, thanks anyway"

"Wala yun. Oh, start na ba tutorial natin? Ready na ko oh" Sabay taas-baba ng kilay nya. Loko talaga 'to. Iba nasa isip.

"SIra! Accounting kasi dba?"

"Yun nga sasabihin ko, ikaw lang 'tong iba ang iniisip eh. Ikaw ahhh. Gumugusto ka"

Pahiya naman ako dun. Quenito talaga.

"Sira ka talaga. Kumain na nga lang tayo."

Kumain muna kami tapos tinuruan nya na ko kung ano dapat gagawin kapag isa kang accountant. Saludo talaga ako sa kanya pagdating sa business. Talino eh!

"Ay, Quen! 9 na. Kailangan ko ng pumasok. Grabe, 3hrs din yung tutorial natin ah!"

"Oo ngae, bano mo kasi eh! Hahahahahah! Joke lang Kath. Tara, hatid na kita."

**

"Thanks, Quen." I kissed his cheek to know that I'm very thankful for what he did to me this morning and I saw a shocked expression from his face.

"Kath ah-ano, wala yun. Sige."

Aalis na sya but I have to say it to him. It's bothering me na eh.

"Enrique, I know we had a thing from the past but this is really embarassing and omygod Enrique I think I'm still in love with you. Can we start again? Can we be like what we used to be?"

Kinakabahan ako. First ever confession ko 'to At halatang nagulat sya.

"Kath? Ha? Teka, you're already married and I don't want to take advantage on your situation. Bro code yun."

"I know but you can't blame me if you're the one I'm in love with and not him. I can't remember him especially the feelings I had for him. I'm trying but it's hard. I've always loved you and you know that. Don't you love me anymore?"

Naiiyak na ko. Shet.

"*sigh* Kathryn Chandria Bernardo, I've always loved you kahit na iniwan mo ko nun sa di malamang dahilan pero masaya ako sa narinig ko ngayon na mahal mo pa rin ako but please do understand na you're married and ayoko naman sumali para maging third party."

"Eh anong gagawin ko kung ikaw gusto ko?"

"Ang cute mo talaga. Think about it deeply first then you confess to me again and I promise you I'll do anything para maagaw ka kay Daniel."

Medyo natakot ako sa sinabi nya. Some part of me doesn't want to be taken away from Daniel. I really don't understand myself sometimes.

"Fine. We have a deal and we'll seal it with a kiss" Sabay tiptoe at hinalikan ko sya. Ako talaga nag-iniate nun ah.

"Bye, Quen." *winks*

"Hahahahahaha. Bye, Kath. I missed that lips of yours." *winks*

"Heh! Sige na, malalate ka na rin eh."

Papasok na ko sa office nang may napansin akong parang shadow na lumiko sa gilid ng building. Oh no, si Daniel kaya yun?

Daniel's POV

Punyetang araw. Bakit kailangan ko pang makita yun? Shit talaga. Teka, isa na lang. PUTANGINA NAKAKAGAGO TALAGA!

"AAAAAAAAGGGGGGGGGHHHHHH!"

"Yo mamen! Anyare sayo at muka kang nalugi ngayon?"

"Tigilan mo ko Katsumi ha, nababanas ako ngayon."

"Chill lang, bro. Kwento. Kay Kath ba?"

Sasabihin ko ba? Bahala na.

"Oo, nakita ko sila ni Enrique."

"Enrique?"

"Si Enrique, yung ex-fiance ni Kath."

A/N: Pipilitin ko talagang matapos 'tong story na 'to. Mga 20+ chapters lang siguro. Sana may nagbabasa pa rin kahit sobrang bagal ng update. :)

I do. [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon