Chapter 8

45 1 0
                                    

Chapter 8

Daniel’s POV

Halata kay Kathryn ang pagkagulat. Hindi ko rin pala nasabi sa kanya na may mini reunion na ginawa ang barkada para sa pagbalik nya mula sa ospital.

“Baby, I’m sorry. Hindi ko agad nasabi sayo kasi akala ko bukas pa ang plano at konti lang talaga dapat. Hindi ko naman alam na ganito sila kadami.”

Shocked pa rin ang expression ni Kath pero mukang nakaget-over na rin naman sya at nagsmile sa akin.

“Okay lang ako, Daniel. Hindi ko lang talaga sila makilala lahat kaya nagulat ako nung pagkapasok natin. Pero kakayanin ko naman siguro ‘to basta dahan dahan lang ang pagpapaalala sa akin ha?”

She chuckled. Hay ang asawa ko. Ang ganda talaga kapag nangiti.

“Oo, sige. Aalalayan naman kita eh. Tara na sa loob?”

Pumasok na kami ni Kath sa loob pero halata pa rin sa kanya na natatakot sya kasi ang higpit ng kapit nya sa braso ko eh. Kung sino-sino ang nabati sa kanya. Nandito pala sila Dae eh, mga college friends nya.

“Kath! I missed you bella, how are you?”

Bati sa kanya ni Daezen.

“Um, hi? Uh, okay lang ako. Um, who are you? I’m sorry kasi dba may complications sa memory ko.”

“Um, technically, yes? Sorry.”

“It’s okay bella, I understand naman eh. Um, Deej?”

Napalingon ako nung tinawag ako ni Dae.

“Yes, Dae?”

“Pwedeng mahiram si Kath? Papakilala ko siya sa ibang bellas.”

Hala. Baka mashock na naman si Kathryn pag nagkataon, teka.

“Um, Dae ano kasi eh nag-aadjust pa si –--“

“Ah! No, I can handle Daniel. Kailangan ko rin naman ‘to eh. Di sa lahat ng oras, dapat nanjan ka sa tabi ko.”

At tuluyan na siyang sumama kay Daezen. Hay. Nasaktan naman ako sa sinabi nya eh samantalang dati, ayaw niyang nalalayo ako sa kanya.

Kathryn’s POV

Feeling ko mali ang decision ko sumama sa magandang babaeng ‘to. Ugh, I forgot her name. I think it was Day? Not sure but anyway, ayun nga hindi dapat ako sumama na mag-isa lang kasi feeling ko nagkakaron ako ng claustrophobia. Omg. Di ko sila kilala.

“Kath! Here’s Mariko, Gabby and there at the corner is Anikka and Bianca and Sofia and..”

Hindi ko na halos masundan yung mga tinuturo nya kasi ang bilis niya magsalita. Nakakaloka.

“Ah, hehehe, ano nga pala ulit name mo? Sorry kasi di ko sila agad marerecall kasi kakalabas ko lang ng ospital at tsaka ang bilis mo kasi magsalita eh. I hope you understand.”

Natawa naman siya sa sinabi ko. Luh, di sya naoffend?

“Hahahahaha! Okay lang, bella. Sorry ah? Naexcite kasi ako masyado kasi ilang months na rin tayong hindi nagkikita since lumipat kayo ni DJ ng apartment.”

Lumipat kami ng apartment? Wow. Grabe na ‘tong pagkaamnesia ko ah.

Um, sige. Balik na ko kay Daniel ha?”

“Sure, Kath. And by the way, I’m Daezen. Don’t forget that bella!”

“Ah hehehehehe sure sure sige”

Bumalik na ko kay Daniel pero dahil marami ngang tao sa bahay ay nahirapan pa kong mahanap sya. Tae. Naiiyak na ko. Kung sino sino na yung nabati at kumakausap sa akin pero wala akong ibang masagot sa kanila kundi isang ngiti lang. Daniel nasan ka na?

“Hi Kath! Naalala mo pa ba ko?”

“Hi Kath, ang ganda mo pa rin kahit naaksidente ka na.”

Ilan lang iyan sa mga sinasabi sa akin pero hanggang ngayon hindi ko pa rin nakikita si Daniel. Naiiyak na ko, shit naman.

“Kath! Ayos ka lang ba? Bat parang naiiyak ka?”

At last! Nakita na rin nya ko pero di pa rin ako makagalaw kasi nga natatakot na ko kaya talagang napaiyak na ko.

“Kath? Kath! Bakit ka naiyak?”

“Daniel, umalis na tayo ditto. Hindi ko na kaya.”

“Ano? Teka, sandali. Sa kwarto muna tayo.”

Daniel’s POV

Hindi ko alam kung bakit biglang umiyak si Kath eh kanina nung dumaan ako kina Dae, ayos lang naman daw sya eh. Di kaya may nambastos sa kanya? Nako humanda lang talaga sa akin kung sino man ang gumawa nun sa kanya.

“Kath? Bakit ka umiyak? Akala ko pa naman okay ka na kasi bigla ka na lang sumama mag-isa kina Daezen.”

“Daniel, iuwi mo na ko kina mommy. Ayoko na dito.”

“Eh? Bakit? May nangyare ba sayo kanina? May nambastos ba sayo ha?”

“No, Daniel. Gusto ko ng umuwi. Hindi ko kaya ng may bigla na lang kakausap sa akin tas magkekwento ng mga bagay na wala akong idea kung ano man yun. Ang hirap nun sa akin no and nakakahiya rin kasi feeling ko nagmumuka silang tanga, nagmumuka akong tanga! Gusto ko na umuwi, please.”

“Kathryn, please? Aayusin ko ‘to. Papauwiin ko na muna sila tas magpapahinga na tayo. Wag mo muna akong iwan. Gusto ko pa rin iprove na makakatulong ako para makaalala ka ulit.”

“Pero.. Hay, sige na nga. Another chance. Matutulog na ko, ikaw na bahala sa mga bisita mo. Tell them I’m sorry.”

“Yes, honey. Good night. Susunod ako sayo mamaya.”

Iniwan ko na muna si Kathryn sa kwarto, aasikasuhin ko muna mga bisita namin. Nakita ko naman agad sila Seth paglabas ko kaya sinabihan ko na sila na magpapahinga na si Kath at kung pwede ay sila bahala sa mga bisita.

“Mga bregs! Sasamahan ko na si Kath magpahinga, kayo na bahala dito ha? Pasabi sa iba na sorry kasi di pa talaga kaya ni Kath na humarap sa kanila.”

“Okay lang yun, bregs. Sige, kami na bahala dito. Sorry din kung medyo marami kami ngayon ah? Akala ko kasi makakatulong kay Kath yun.”

“Nako, okay lang yun Seth. May iba pa namang paraan eh. Sige ah! Una na ko.”

Bumalik na ko sa kwarto namin at napansin na nagshoshower si Kath dahil sa tunog ng tubig galling sa c.r. Sana naman makayanan kong maibalik pa ang mga alaalala nya.

Someone’s POV

Grabe. Akala ko pa naman masosolo ko si DJ kanina habang nakikihalubilo si Kathryn sa ibang bisita. Chance ko na yun eh. Nako, may next time pa naman. Muka namang malabo nang bumalik ang alaala ni Kath eh.

“Dae! Una na kong umuwi ha? Pakisabi na lang sa kanila na mauuna na ko.”

“Oh sure, bella. ‘Til next time? Ingat ka!”

“Bye, bellas!”

Hindi ko na nakita si DJ eh kaya uuwi na lang ako. Kasama na naman niya siguro yung Kathryn nya. May araw din na ako naman ang makakasama nya. Ako naman talaga nauna sa kanya eh. Hmp!

A/N: Hi, super slow update.

I do. [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon