Tanya
Nandito na ako sa loob ng bahay pero walang tao sa sala.
"Mama! Kuya!" pag tapos ko yun sabihin. Nag madaling lumabas ng kwarto si Mama at Kuya.
Mabilis silang bumaba at niyakap ako ni Kuya
"Tanya! Are you okay?" Tanong ni Kuya.
"I'm fine Kuya. Sorry kung biglaan ang pag alis ko" humiwalay sa yakap si Kuya. Lumapit sa akin si Mama
"Tanya anak, I'm very sorry! I didn't mean to do that" umiiyak na sabi ni Mama. Niyakap ko siya
"No Ma, I'm sorry. Hindi dapat ako umalis. Hindi ko rin dapat ginawa kay Papa yun" humiwalay sa yakap si Mama.
"Thank You anak." sabi ni mama. Nginitian ko lang siya
"Tanya saan ka ba nagpunta?" Tanong ni Kuya
"Sa Resort" sagot ko. Nanlaki ang mata niya
"Nandun ka? Pumunta ka dun mag isa? Dun ka nagstay?" sunod sunod niyang tanong. Hinay hinay lang!
"Oo,Oo at Oo" pabiro kong sagot
"Kung nandoon ka... Nakita mo ba si Nathan?" Tanong ni Kuya. Alam niya na nandun si Nathan? Bakit hindi niya sinabi kala Yannie
"Oo, alam mo na nandoon siya? Bakit hindi mo sinabi kala Yannie? Nag aalala sila kay Nathan" sabi
"Ikaw din naman ah. Alam mo rin na nandoon si Nathan, pero bakit hindi mo sinabi? Siguro gusto mo siya masolo noh?" aish! Dapat talaga hindi ko na sinabi kay Kuya eh!
"Teka! Bakit anong meron kay Nathan? Boyfriend mo ba siya Tanya?" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Mama. Nagkatinginan kami ni Kuya. Nakakaasar yung mga tingin niya! Ugh!
"Hindi po Ma!" depensa ko
"Hindi pa po Ma! Kasi soon pa!" pang aasar ni Kuya. Tawang tawa pa siya. Ano ba yan!
"Ganun ba? Nanliligaw sayo si Nathan? Buti nalang at si Nathan. Naku ang anak ko dalaga na" sabi ni Mama. Pinagtutulungan ba nila ako?
"Mama naman!" Sigaw ko
"Hahaha Oo na! Kumain ka na ba? Nag commute ka ba?" Tanong ni Mama
"Kumain na po ako. Hinatid po ako ni Nathan" Sagot ko. Nag tinginan naman si Kuya at Mama. Hay naku! Itong dalawang ito talaga eh!
"Okay na ba kayo ni Nathan? Samantalang dati lagi kayong nag aaway" sabi ni Mama. Biglang sumagot si Kuya
"Hindi lang Okay.Gusto niya na nga si Nathan eh!" Sigaw ni Kuya. Ano ba yan! Laglagan na ganun?!
"Jusko Tanya! Gusto mo rin pala si Nathan eh" asar ni Mama
"Ma! Kakauwi ko lang inaasar niyo na ako! huhu" sabi ko
"Arte mo naman! Nag lalambing lang si Kuya Lil Sis!" Sabi ni Kuya at inakbayan ako.
"Sweet mo ngayon kuya ah! Dahil ba yan kay ate Gretch?" pang aasar ko. Gagantihan kita kuya!
"Of course not!" depensa niya
"Sayang naman anak! Bagay talaga kayo ni Gretchel eh!" Sabi ni Mama. Haha patay ka sa amin Kuya
"Ma! Wag niyo nga akong pagtulungan!" Sigaw ni Kuya
"Yan din naman ang ginawa niyo kanina sa akin eh" Sabi ko. Tawa lang kami ng tawa ng biglang may nag text kay Mama.
Tumingin siya sa akin
"Tanya, papunta na dito ang Papa mo" aniya. This is it!
"Sige po Ma" nagulat sila sa sagot ko
"It's okay with you?" Tanong ni Kuya
"Yes" sagot ko. Biglang bumukas ang pinto. Nilingon namin siya.
"Tanya. You're back" aniya. Hindi ko alam kung bakit ko niyakap si Papa. Pero yun kasi talaga ang gusto kong gawin.
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and Me
Teen FictionThe Five Boys and Me (Completed) Tanya consider herself as a simple student even though she's the Valedictorian. Walang problema sa buhay kung hindi ang pag aaral at ang pang aasar sa kanya ng dakila niyang Kuya at ng famous at gwapo na si Nathan na...