Chapter 1: Beginning

11.8K 223 5
                                    

"Jude gusto kita!'' bigla siyang lumapit sa akin... eto na! eto na!

''Tanya... I like--''

Napabangon ako ng biglang akong nalaglag sa kama.

What the?!

Tinignan ko ng masama ang taong nasa harap ko.

''Tutunganga ka na lang ba dyan o maliligo ka na?! After ten minutes aalis na ako at hindi na kita hihintayin! Kaya bangon!'' Sigaw ni Kuya sa akin.

''Ugh! Nakakairita ka Kuya!" Sigaw ko pabalik sa kanya. Pero hindi sya sumagot at lumabas na sa kwarto ko.

Tss sungit!

Pumunta nalang ako sa c.r at naligo. Hindi pa rin mawala ang inis sa akin. Kung hindi niya ako ginising eh di sana... ugh!

Yung gumising sakin... Kuya ko yun. Si Kurt Mendoza. Bad boy, matigas ang ulo at laging nakikipag away. You can consider him playboy dahil malandi talaga siya.

Pogi ba ang kuya ko? Well, yes. Kaya malakas ang loob lumandi.

''Tanya!!! Dalian mo! Iiwan na kita!'' binilisan ko nang maligo dahil sa sigaw ni Kuya. Nagbihis na ako ng uniform at bumaba. Pag baba ko ay nakita ko si kuya na may kausap sa cellphone nya.

''Sige Chris punta na ako dyan! Ang tagal kasi nitong kapatid kong bruha eh.....haha oo na!'' Bruha? ako ba yun?

Binatukan ko sya pag ka tapos niyang kausapin si Chris.

''Aray ko! Para saan yun? Ikaw nga tong' late gumising eh!" Aniya

"Sinong bruha ha?!" sabi ko sa kanya

"Hahaha wala! Halika na at baka ma late pa tayo! May rambol sa likod ng school kailangan nila ng back up," aniya at pumasok na kami sa kotse nya.

At may kaaway na naman ang barkada nila.

Lima sila

Si Kuya Kurt Mendoza

Si Mark Cruz, para sakin siya ang may pinakamagandang ngiti. You just can't help but to admire his dimples. Ngiting pamatay, kumbaga.

Si Christian Esqueza, the moodmaker of the group. His sense of humor is what makes girls attracted to him.

Si Jude Andrew Santos, quiet at may pagka-snob. He seldom talk to us except for his friends, of course. He has unique features that can make girls fall for her, including me.

And last BUT THE LEAST! (Oo, least siya. Hindi yan typo)

Nathan Alexander Park, the guy with the attitude problem. One look, and you'll know he's a bad boy. His look and aura says so. He's a bully. And I'm always a victim of his.

''Hoy Tanya nandito na tayo! Baka gusto mo bumaba?! Well kung gusto mo lang naman!" Kuya said in a sarcastic tone. Sweet mo talaga kuya! Sarap mo sapakin.

''Eto na nga diba'' Bumaba na ako at pag baba ko nakita ko ang apat

Si Jude! Para siyang isang model kahit nakatayo lang siya doon! Posible pala yun?!

"Tignan nyo oh! Si Tanya nakatingin sa akin" Sigaw ni Nathan na katabi si Jude.At anong sabi nya? Tinitignan ko sya?!

Yuck! Asa sya!

Umandar na naman ang pagiging assumero.

"Pogi ko kasi eh" dagdag nya pa.

Play boy yan eh! Nasobrahan ng landi sa katawan. Tss.

Of course, hindi nila alam na may crush ako kay Jude. Mga kapatid lang nila ang may alam. Which are also my friends. Except for Jude, since he's an only child.

The Five Bad Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon