Chapter 65: What if, Missing his smell, 2:30-8:30

2.9K 67 0
                                    

Chapter 65: What if, Missing his smell, 2:30-8:30

Chapter 65.1: What If

Tanya's Point of View

Ano bang meron ngayon? Bakit ang kulit nilang lima? Samantalang exam na namin next week

"Nathan, kamusta ang pagiging akyat-bahay?" Tanong ni Chris

Nathan's Point of View

"Kuya akyat- bahay ka? Kaya pala wala ka kagabi!" Sigaw ni Yannie

"Wag ka nga mag papaniwala kay Esqueza" sagot ko

"Eh nasaan ka?" Tanong ni Yannie

"Nasa bahay ako nila Ta--" sh*t muntik ko ng sabihin na kina Tanya ako galing

"Bahay ni Ta?"

"Ta...ano...Ta...Tatay! Oo tatay" palusot ko

"Tatay?" Tanong ni Ellaine

"Oo Tatay ni Ano...ah" putek ano ba to?!

"Kuya!" Sigaw ni Yannie

"Tatay Ni Gupard!" Anong sabi ko? Gupard?

Narinig ko ang mahinang pag mura ni Kurt

"GUPARD?!" Tanong ni Yannie

"Oo kaibigan ko!" Palusot ko

"Anong pinag uusapan niyo diyan?" Napatigil kami ng sawayin kami ni Sir Michael

"Wala po Sir. Pinag uusapan lang po namin yung kaibigan ni Nathan si GUPARD" Siniko ko si Tanda

Nag tawanan naman ang iba. Lintek!

"Gupard?" Tanong ni Sir Michael

"Ah! Change the topic!" Sigaw ko

Tanya's Point of View

Sino naman yung Gupard na yun?

"Impaktang TRM!" Napalingon ako kay Russ. Lunch na kasi namin

"Wag mo sabihing papasama ka na naman sa Library?!" Sigaw ko. Napakamot siya

"Please?"

"Ugh Fine!" Pumunta na kami sa library

Kumuha ako ng libro na mababasa. Bakit ba kasi laging dito tumatambay si Russ eh!

******

Medyo matagal na kami ni Russ dito sa library. Nag review nalang ako para sa exam

"Russ" Hindi siya lumingon. Hindi yata ako narinig. Tinawag ko ulit siya pero wala parin. Nakatulala lang siya

Tumingin ako kung saan siya nakatingin

Kay Gwen?

Si Gwen yung transferee na may pag ka nerdy. Kaya siguro lagi siyang nandito sa library.

Pero teka, bakit nakatingin sa kanya si Russell?

"Gusto mo siya noh?" Napalingon siya sa akin

"Ha? Hindi noh!"

"Weh? Kaya siguro lagi kang nandito sa library noh?!"

"Hindi ah! Nandito ako para mag basa!"

"Mag basa? Nag babasa ka pala ng libro na nakabaliktad!" Napatingin siya sa librong hawak niya. Baliktad kasi

"Oo na! Tama ka!"

The Five Bad Boys and MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon