Chapter 59: Kuya
Mark's Point of View
"Alis na ako" napalingon kami kay Nathan na kakapasok lang mula sa garden
"Si Tanya?" Tanong ni Kurt
"N-nasa garden pa" sagot ni Nate. Pupuntahan na san ni Kurt si Tanya ng pigilan siya ni Gretchel
"Kurt, hayaan mo muna siya. Hayaan mo muna siyang ibuhos lahat ng luha niya" sabi ni Gretchel. Wala naman nagawa si Kurt
"Sana maging okay ang lahat" sabi ko
Tanya's Point of View
Wala na yatang balak tumigil ang mata ko sa pag iyak. Ang sakit eh. Ang sakit sakit!
Bakit kailangan niya yun gawin?! Bakit kailangan niya akong saktan?!
Kanina pa ako nandito nakaupo at umiiyak
Nasaan na yung pangako niyang Forever?!
"Buhos mo lang yan!" Napalingon ako sa lalaki na tumabi sa akin
Pamilyar ang mukha niya
"S-sino ka?" Tanong ko
"Grabe siya oh! Kaklase mo po kaya ako!" Kaklase?! Wait... Si Buenaventura!
"Buenaventura ka diba?!" I shout
"The one and only" aniya. Inirapan ko siya
"Okay. Di kita kailangan. Get out of my sight" pag susungit ko
"Aba! Sungit! Sayo tong upuan?! Binili mo?! Ikaw may ari?!" Gusto kong tumawa pero hindi ko kaya. Mahirap
"Fine! Manahimik ka nalang!" Sigaw ko
"Ganyan ba talaga kapag broken hearted?!" Napatingin ako sa kanya
"Alam mo?" Tanong ko
"Well kanina ko pa kayo nakikita. Di niyo lang pansin" sagot niya.
"Please! Umalis ka muna! Masakit pa eh!" Sigaw ko at naiyak ulit
"Ilabas mo lahat ng sama ng loob mo. Isipin mong wala ako dito. Ikwento mo lang ang sakit na yan"
Should I? Mukhang mabait naman siya eh
"Bakit?" I said "Bakit kailangan niya yun gawin?! Sabi niya mahal niya ako. Sabi niya, gagawin niya ang lahat para sa akin"
"Do I deserve all the pain? May nagawa ba akong masama?!"
"No, you don't deserve the Pain. Hindi lang talaga marunong mag pahalaga ang ibang tao" aniya
"Bakit ako?!" Sigaw ko
"Kasi hindi siya" tinignan ko siya ng masama.
"Oh sorry na! Ang drama mo kasi eh!" Inirapan ko siya
"Lumayas ka na nga! Sigaw ko
"Ang sama mo! Tara na umuwi ka na!" Sigaw niya
"Huh?!" Tanong ko
"Ang sabi ko umuwi ka na! Ihahatid pa kita" hatid?!
"Hatid?! Mamaya anong gawin mo sa akin eh!" Sigaw ko. Nanlaki ang mata niya
"Hoy! Taas ng tingin mo sa sarili mo! Ako na nga tong nag mamagandang loob eh!" Sigaw niya "Anong gusto mo? Sirain ang saya ng mga kaibigan mo dahil gusto mo na umuwi dahil broken hearted ka?! Aba! Ang selfish mo ha?! Bahala ka diyan!" Sigaw niya at umalis
Harsh ba ako? Eh broken hearted ako eh!
"Teka! Sorry na!" Sabi ko
Tumigil siya at lumingon sa akin "Tss. Tara na! Ihahatid na kita!" Tumango nalang ako. Ayaw ko rin istorbuhin si Kuya.
Ayaw ko din maapektuhan ang pag kakaibigan nila ni Nathan ng dahil sa akin.
Dahil sa katangahan ko
*********
Nandito narin ako sa kwarto ko. Nag pasalamat ako kay Buenaventura.Nakita na rin siya nila Mama at Papa nung hinatid nila ako
Kinuwento ko kina Mama at Papa ang nangyari. They just comfort me
Part daw yun ng love
Because it's not love if it doesn't hurt
Pero bakit kailangan sobrang sakit?!
Nag papasalamat ako kay Buenaventura dahil nung kasama ko siya ay kahit papaano ay nakalimot ako.
Nalimutan ko ang sakit na dinulot ng pag ibig na yan...
Kurt's Point of View
"Ma, Pa nasaan si Tanya?"
"Nasa taas siya anak. Maga ang mata" sagot ni Mama
"Ano bang nangyari?" Tanong ni Papa
"Hayaan po muna natin na sila na ang mag explain. Akyat lang po ako kay Tanya" sabi ko at umakyat sa kwarto niya
Nasa pinto palang ako ay rinig ko na ang hikbi at iyak niya
Binuksan ko ang pinto niya, nandun siya nakaupo habang umiiyak sa kama niya.
Umupo ako sa tabi niya
"Tanya"
"K-kuya, bakit ganun? Bakit ang sakit sakit? Bakit niya ako niloko?!" Aniya habang umiiyak
Nasasaktan ako sa sitwasyon ni Tanya. Bakit nga ba kailangan mangyari to sa kanya?
"Halika nga dito" niyakap ko siya. Tuloy lang siya sa pag iyak "I'm sorry Tanya. Sorry kung wala akong magawa para hindi ka masaktan"
"Wala kang kasalan kuya. Sadyang tanga langa ko"
"Shh. Wag mo sabihin yan. Nag mahal ka lang naman eh" sabi ko
"Oo, nag mahal lang naman ako. Pero nag pakatanga din ako eh"
"Everything will be okay soon. Stay Strong Tanya. I know that you're strong. Just remember na nandito lang ang POGI mong kuya" natawa siya
"Kuya talaga! Panira ng moment eh!" Natatawa niyang sabi
"Tss totoo naman eh! Sige na, basta nandito lang ako" sabi ko. I kissed her forehead
Siguro madalas kaming nag aaway
Pero mahal na mahal ko ang kapatid ko...
Nandito lang ako Tanya. Your Kuya is just here for you
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and Me
Ficção AdolescenteThe Five Boys and Me (Completed) Tanya consider herself as a simple student even though she's the Valedictorian. Walang problema sa buhay kung hindi ang pag aaral at ang pang aasar sa kanya ng dakila niyang Kuya at ng famous at gwapo na si Nathan na...