Chapter 66.1: Kiss
Tanya's Point of View
"Tanya hindi ka pa nakakakain di ba?" Tanong ni Nathan. Kakadating lang kasi namin sa bahay
"Ha? Okay lang ako"
"Are you sure?"
"Yep" sagot ko at umupo sa sofa at nanood ng tv
Nilipat ko ito sa movie. Mukhang maganda kasi yung Movie.
Naupo naman si Nathan sa tabi ko."Akin na yang remote!" Sigaw niya. Kinuha niya bigla yung remote at nilipat sa basketball. Ano ba yan eh!
"Hoy bakit mo nilipat?!"
"Eh kasi Basketball na! Inaabangan ko yan noh!" Ang kapal din niya noh?!
"Nanonood ako eh!"
"Eh nanonood din ako eh" Bahay namin to diba?! Feeling home tong unggoy na to eh!
"Eh pangit naman yung pinapanood mo eh!" Angal niya
"Bahay namin toh! Kapal talaga ng mukha mong unggoy ka!" Sigaw ko
"Hoy Pangit! Sinamahan na nga kita dito sa bahay niyo! Mag ka utang na loob ka naman" ako pa?!
"Sinabi ko naman sayo na wag na diba?! Kasalanan ko ba na makulit ang lahi niyo?!"
"Hoy--Teka lang! Nag aaway ba tayo?" Natigilan ako sa tanong niya. Napaisip din ako. Nag aaway ba kami?
"Ha? Oo nga noh?" Sabi ko
"Hahahaha!" Si Nathan naman ay halos mamatay na sa kakatawa
"Oh bakit tawa ka ng tawa?" Nagtataka kong tanong
" Para tayong aso't pusa" And so?
"Anong nakakatawa dun?"
"Eh ganun tayo bago maging tayo eh!" Ay! Oo nga noh!
"Hahaha!"
"Tinawag mo pa akong unggoy!"
"Hoy Unggoy ka! Tinawag mo kaya akong pangit!"
Tawa lang kami ng tawa nang magsalita siya "I miss you" hindi ko narinig ng maayos ang sinabi niya. Binulong lang kasi niya yun
"Ha?! Anong sabi mo?" Tanong ko
"Wala! Sabi ko ako masusunod!" Aniya. Hindi na ako umangal. Umakyat nalang ako sa kwarto ko para mag palit ng damit. Naka uniform pa kasi ako.
Hindi muna ako lumabas. Kahit nakakapag usap na kami ni Nathan hindi pa rin maalis yung mga time na awkward
And to think na ex ko siya. At yung reasons niya. It's not acceptable. Kaya hindi rin yun maalis.
Nahiga nalang ako sa kama ko at niyakap si Nat. Yung teddy bear na napanalunan niya nung first date namin.
Niyakap ko ito ng mahigpit. Sabi niya nung first date namin, Baby naming dalawa si Nat. Anong nangyari?!
Naramdaman ko na naman ang pag tulo ng luha ko. Kakaiyak ay nakatulog na ako
Nathan's Point of View
Kakatapus lang ng basketball game na pinapanood ko. 5:45 na pala.
Hindi pa rin lumalabas si Tanya mula sa kwarto niya. Ano kayang ginagawa nun?
Umakyat ako sa kwarto niya para tanungin kung anong ginagawa niya "Tanya!" Katok ko sa kwarto niya. Pero walang sumasagot."Tanya!"
Bakit hindi siya sumasagot?! Dahil sa pag aalala ay pumasok na ako. Hindi naman niya na lock eh
BINABASA MO ANG
The Five Bad Boys and Me
Ficção AdolescenteThe Five Boys and Me (Completed) Tanya consider herself as a simple student even though she's the Valedictorian. Walang problema sa buhay kung hindi ang pag aaral at ang pang aasar sa kanya ng dakila niyang Kuya at ng famous at gwapo na si Nathan na...